CHAPTER XXIV

7.6K 283 6
                                    

CHAPTER XXIV

'tsk. Drakius, your master is troublesome.'

Azrael is now dealing with Ailyn, who's currently sleeping state, but she's releasing a great amount of magia.

What the hell is happening to her?

AILYN

Pagbukas ng aking mga mata ay tanging kulay rosas na langit lamang ang nakikita ko. Tahimik at tanging simoy lamang ng hangin ang iyong maririnig at mararamdaman.

Tila parang pamilyar ang lugar na ito sa akin.

Komportable ako sa lugar na ito. Maganda ang tanawin na parang na sa lugar ka ng mga diyos at diyosa.

"Maligayang pagdating, Ailyn." Saad ng isang babae.

Ang ganda niya. Sobrang ganda niya. Maamo ang kanyang mukha, mahaba at parang alon ang kulay kayumanggi niyang buhok at kasing taas ko lang siya.

Nagpaikot-ikot siya habang sinusuri niya ang katawan ko.

"Maganda. Magaling. May kaunting problema nga lang."

"Ano 'yon?"

Tinusok niya ang tiyan ko gamit ang hintuturo niya. "Ito."

Nakiliti ako sa pagkatusok niya sa tiyan ko.

"Ayan~ ayos na. Nasa magandang kondisyon ka na ulit."

"Sino ka?" Tanong ko.

"Sabihin nalang natin na ikaw ay ako at ako ay ikaw. 'yon lamang ang masasabi ko. Nagpakita lang ako sa iyo dahil ito lang ang nais sabihin ko at ayusin ka nang kaunti."

Gumuho ang lugar at bigla siyang nag-laho. Sinubukan ko siyang habulin ngunit nalaglag ako at patuloy na nalalaglag sa kadiliman.

Pag mulat ko ay gabi na. Umupo ako at parang may mabigat na bagay sa mga binti ko. Pagka-tingin ko ay may tatlong dragon sa binti ko at natutulog.

Ang isa ay puti, kilala ko ito at si Drakius ito, pero itong dalawa hindi. Isang itim na dragon na may kulay lila na balahibo na mula ulo hanggang buntot at isang dilaw na may kulay kahel na balahibo na mula ulo hanggang buntot rin.

"Hmm... Your highness?" Nagising si Drakius.

"Your highness..." Drakius shed a tear.

"Drakius..."

"Welcome back!" Tumalon si Drakius at Niyakap ako gamit ang tao niyang porma.

Nahulog ang dalawang dragon.

"WHAT'S ALL THE FUSS, DRAKIUS! I'M ASLEEP FOR GODDAMN SAKE!" Sigaw ng itim na dragon.

At ang isa ay tuloy parin sa tulog.

"Sister, She's awake! She's awake!" Masayang saad ni Drakius.

Naging tao ang itim na dragon at tinitigan ako nito. Puno ng lungkot at hindi pagkapaniwala ang mga mata nito. May tumulong luha mula sakanyang mga mata.

"You don't know how long i've longed for you. Even though you're not her please let me say these words."

Tumigil siya at humikbi.

"I missed you so much, Minerva. You were the only one for me to serve. You were the only one that could understood us. I missed you every day as pass by, Master Minerva..." Niyakap niya ako ng mahigpit at umiyak.

Hinagod ko siya at inantay siyang tumahan.

Sa ilang minuto niyang pag-iyak tuñmayo ito at yumukod.

Primeria AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon