CHAPTER XIII

8.6K 346 43
                                    

CHAPTER XIII

AILYN

"Drakius, gaano katagal ang lipad mo papunta sa kastilyo?" Tanong ko.

"20 minutes will be the exact time, your highness. 1 minute if I go at full speed. You can rest, your highness. I'll fly as steady as possible."

"Yeah, drakius is right. Feel the breeze. Rest with us." Saad ni Lyra na nakahiga sa likod ni Drakius.

"Ang sarap pati magbabad sa araw ngayon. Hindi naman pati masakit sa balat ang sikat ng araw." Saad ni Syra.

Si Lyra, Syra, Gila at Pau ang kasama ko sa likod ni Drakius ngayon.

Nakihiga din ako sa kanila. Ang sarap nga matulog pag ganito. Unti-unting bumibigat ang talukap ng aking mga mata at hanggang sa nakatulog na ako.

"AILYN, GISING!" yugyog ni Lyra. Agad naman akong bumangon.

"Anong nangyayari?!"

"Nothing's happening, your highness. We've arrived." Sabi ni Drakius.

"Look at this view! It's so beautiful!!" Saad ni Lyra.

Dumungaw ako sa baba at nakita ko ang buong kaharian sa itaas. Napakaganda.

"Hold on tight, young ladies." Saad ni Drakius.

Kumapit akong mabuti. Sumisid si Drakius at napapikit ako dahil sa lakas ng hangin na tumatama sa mukha ko.

Sobrang lamig din ng hangin at hindi ko maramdaman ang aking mukha. Ilang saglit lang ay tumigil si Drakius.

Lumapag kami sa harap ng Kastilyo. Tinutukan si Drakius ng mga armas ng mga kabalyero.

Agad na nagpakita si Lyra.

"Wait! Don't point weapons at him!" Sigaw ni Lyra.

Ibinaba ni Drakius ang isang pakpak niya at doon ay dumausdos kami. Pagkababa naming lahat ay dumating na sina Frane, Quin, Revir at ang iba pa.

Gabi ko lang nakita ang kastilyo pero mas maganda itong tignan pag may araw pa.

"Your highness." Tawag ni Drakius.

Pagtalikod ko ay may nakita akong isang lalaki. Matangkad, maputi, maputi din ang buhok at magandang pangangatawan. At Maamong guwapong mukha.

"Kaya mo rin maging tao??"

"Yes, your highness. Sorry for not telling you." Saad nito.

"Ailyn, ako na magdadala ng gamit mo." Saad ni Liam.

"I'll carry it." Saad ni Enzo.

"H-hindi na. Kaya ko naman eh."

"I'll carry it, your highness." Saad ni Drakius at kinuha niya ang mga bagahe ko.

"Sorry, gentlemen. I'll have to carry her highness's luggage and serve as her servant." Tumingin siya sa mga babae."ladies, would you mind I carry your luggages?"

"Oohh. A true gentleman." Saad ni Lyra.

"Boys, you should learn from Drakius." Saad ni Reya.

Binigay nila ang bagahe nila kay Drakius at parang wala lang niya ito binubuhat habang papasok kami sa loob ng kastilyo. Madali din kaming nakapasok sa loob ng kastilyo dahil kay Enzo.

Papasok na kami sa mismong kastilyo at sinalubong kami ng isang lalaki.

"Welcome home, Prince Enzo. And Welcome to his companions." Saad nito.

Primeria AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon