BLOODY 11

8 1 0
                                    

Andra’s POV

Dinoble ko ang padlock ng pintuan ng kwarto ni Sweety na kwarto na rin ni Dred, mahirap na kasi at baka maisipan pa nilang tumakas.

Pagkarating ko sa school, bumungad sa ‘kin ang mga nagkukumpulang estudyante sa harap ng flag pole. Huwag mo sabihing bangkay nanaman ‘to.

“Ano nanaman ‘to?” seryosong tanong ko sa malakas na boses, kaya agad na nagsitabihan ang mga estudyante para bigyan ako ng daan patungo sa pinakaharap.

“Pres.” salubong sa ‘kin ni Pauline, sabay tingin sa ibabang parte ng flag pole, kung sa‘n nakatali ngayon ang bangkay ng isang lalake.

“Nu’ng una si Dinna, tapos ngayon naman si Lino, puro kaklase mo ang target Pres.” saad ni Macky, habang hindi inaalis ang mata sa bangkay ng kaklase kong si Lino, na ngayon ay duguan at malamig na bangkay na.

Napangiwi nalang ako dahil wala itong saplot sa katawan, at subo pa nito ang sariling ari. Medyo malibog at maniac kasi ang lalaking ‘to kaya medyo deserve niya rin naman ang nangyari sa kanya ngayon, pero buwisit pa rin ang gumawa nito! Ano ‘ng karapatan niya para pumatay sa teritoryo ko? At talagang gusto niya pang ipangalandakan ang mga pinatay niya, pasikat ang buwisit na epal!

Hindi na puwede ‘to, kailangan ko nang kumilos.

“Pabalikin ang lahat sa kanya-kanyang classroom, at ipaalala ang number 1 rule ng Hellizon University,” utos ko.

“Yes Pres.” sagot ni Pauline na agad tumalima at kinausap ang lahat ng mga estudyanteng nakikiusyoso.

“Pres. ito ang nakuha naming note sa nuo ng bangkay.” Kinuha ko ang papel na iniabot ni Macky, saka agad na binasa.

Did you like my gift? Don’t worry darling, we’re just starting.

-Goddess of Hell

Mahigpit na nalamukos ko ang papel. Hinahamon mo talaga ako whoever you are, kapag talaga nahanap kita, sisiguraduhin kong pagsisisihan mong hinamon mo ‘ko.

“Pres. ano na po’ng gagawin natin sa bangkay?” tanong ni Lilly na pilit na iniiiwas ang tingin sa walang buhay na katawan ni Lino. Ang alam ko isa si Lino sa mga naging ex ni Lilly, kaya siguro medyo balisa ang babaeng ‘to ngayon, affected pa ba?

“Ang school na ang bahala, siguraduhin niyo lang na mananahimik ang mga estudyante, ipaliwanag niyo sa kanila ng mabuti ang nangyari, do everything para hindi sila matakot.”

“Masusunod Pres.” sabay-sabay nilang sagot.

“Sige na, kumilos na kayo.”

Nang makaalis sila, agad akong nagpatawag ng tao para ipadala ang bangkay na ‘to sa forest, saka ko tinawagan si Papa para ipaasikaso ang pamilya ni Lino. Hindi pwedeng masira ang reputasyon ng Hellizon City, kilala ang lugar na ‘to sa pagiging crime free at may mataas na seguridad, kaya hindi pwedeng kumalat na may gumagalang serial killer sa lugar na ‘to, baka makasira pa ‘to kay Papa.

Dalawa na ang napatay niya, at kapwa kaklase ko pa, coincidence ba ‘yun o sinadya? Balak niya bang ubusin ang klase namin? Pwes hindi ko na ‘yun mapapayagan, nasisiguro kong isa lang sa mga estudyanteng naririto ang salarin, baka nga isa pa ‘yun sa mga kaklase ko.



Kinagabihan, agad akong pumunta sa forest at dumeretso sa warehouse na nasa gitna mismo ng forest, dito ginagawa ang mga illegal business ni Papa, kaya nga hinahayaan lang na pakalat-kalat ang mga alaga ni Papa sa paligid ng warehouse, para walang magtangkang pumasok.

Muka lang itong abandonadong warehouse dahil sa katahimikan, wala ang mga tao dito dahil nasa secret underground silang lahat, masyadong tuso ang Papa ko, kung sakali mang daw na may makupuslit na tao dito, hindi basta-basta mahahanap ang pabrika ng mga droga.

Bloody AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon