BLOODY 2

15 2 0
                                    

Andra's POV

Nakangiti kong binabati pabalik ang lahat ng mga estudyanteng bumabati sa 'kin na nakakasalubong ko. I'm so famous 'di ba, nag-iisang prinsesa ba naman ng mayor ng Hellizon, sisikat talaga ako, lalo na't sobrang cute ko pa naman hihih.

"Good morning Andra," bati sa 'kin ng isa pang graduating student na nakasalubong.

"Good morning din Ate Camille, graduating ka na, good-luck sa career mo," nakangiti ko ring bati sa kanya.

"Next year pa, pero thank you Andra, first year college ka na, galingan mo ahh."

"Oo naman po, pangako magiging mahusay na doctor ako in the future," nakangiti ko pa ring sagot sa kanya, bago tuluyang magpaalam.

Dumeretso ako sa Student Council Office para kunin ang list ng mga new transferees, kailangan ko kasi silang i-meet bago mag-start ang klase para sa orientation, hindi naman sa pagmamalaki pero nagmamalaki na rin, ako ang Student Council President since junior high, at simula nang maluklok ako sa pwesto, wala nang gustong pumalit sa 'kin, kaya naman hindi na rin napalitan ang lahat ng officers ng student council kahit na college na kami ngayon, nagsasawa na nga 'ko sa mga pagmumuka nila ehh tss.

Kumpleto na sila nang makapasok ako sa Student Council Office, gusto ko nga palang ipakilala ang aking mga officer members.

Dred Valledor, ang aming super sungit na Vice President na wala nang ginawa kun'di ang matulog tss.

Pauline Yago, ang aming Secretary na hindi sexy.

Nick Orpiada, ang pasaway naming Treasurer na wala nang ginawa kun'di ang buwisitin ako, minsan pinipigilan ko nalang ang sarili kong gilitan siya ng leeg dahil sa buwisit sa kanya, pasalamat siya at kaibigan ko siya.

Lilly Ann Lapaz, ang Auditor na palaging namumutok ang labi sa kapulahan, minsan mapagkakamalang clown dahil sa kapal ng make up niya.

Angeline Serencio, ang aming genius Public Relations Officer pero weird, minsan kasi nakikita namin siyang kausap ang sarili niya, parang siraulo.

At siyempre, ang huling miyembro ng Student Council Officer...

Macky Rivas, ang aming gang leader na Sergeant at arms, pero mabait 'yan, gumagawa lang ng gulo sa labas ng Hellizon University, mahilig sa gang fight kaya palaging may pasa at nalalagasan ng ipin.

'Yan ang mga Student Council Officers, mga naging kaibigan ko na rin sila dahil since junior high ay sila na ang palagi kong kasama, kaya never silang mapapasama sa list ng mga biktima ko, hindi naman ako pumapatay ng kaibigan no, at saka utos ni Papa kriminal lang daw ang pwede kong patayin, pero bihira nalang na may pumapasok na mga kriminal dito sa lugar namin, dahil sa balitang lahat ng nagtatangkang gumawa ng masama dito ay bigla nalang nawawala, na ako naman ang dahilan, kaya minsan nakakapatay ako ng civilian, tulad nalang kaninang madaling araw, nakapatay ako ng civilian pero bastos na lalake, galit na galit tuloy si Papa.

Hindi ko alam kung ano ba ang nangyari sa 'kin at masyado akong nagke-craving makakita ng maraming dugo, tapos gustong-gusto ko pa ang lasa kapag kakapatay ko palang, hindi ko alam kung nagiging vampire na ba 'ko dahil nagugustuhan ko ang lasa ng human blood.

Nagsimula lang naman akong maging ganito nang masaksihan ko mismo ang pagpatay kay Mama nuong 8 years old palang ako, at ang unang naging biktima ko ay ang taong pumatay sa Mama ko na siyang kabit ni Papa, hindi ko naman sinisisi si Papa dahil hindi naman siya ang pumatay kay Mama, kaya ni minsan ay hindi ako nagalit sa kanya, siya nalang ang nag-iisang pamilya ko at kadugo ko, kaya hindi ko hahayaang mawala siya sa 'kin.



"Good morning to all of you, welcome to Hellizon University!" masigla kong bati sa mga transferees, kaya masigla rin nila akong binati pabalik, inilibot ko sa kanilang lahat ang paningin ko, marami-rami sila kaya marami-rami rin akong tatandaang muka, lahat ng estudyante dito ay kilala ko, para naman kapag may nagloko madaling hanapin, madaling patayin.

"Grabe ang dami niyo, naka-arrange na ba kayo by level?" tanong ko habang hawak ang personal pink mice ko. Agad namang sumagot ang karamihan sa kanila, kaya nakangiting nilingon ko si Pauline.

"Kaya ko na 'to Pauline, pwede ka nang bumalik sa office," nakangiti kong saad sa kanya.

"Sure ka Pres.? Pwede pa naman akong mag-stay dito ehh."

"Okay na 'ko, sige na bumalik ka na."

"Sige ikaw ang bahala," sagot niya, saka na tuluyang umalis, kaya ibinalik ko na ang atensiyon ko sa mga transferees.

"Okay transferees settle down and keep silence please, sandali lang naman 'to. I'm Andra Min Dizon, the current Student Council President, wala naman akong masyadong sasabihin, sandaling briefings lang naman ang gagawin natin, kaya 'wag sana kayong mainip." Saka ako ngumiti ng pagkatamis.

"Simula nang tumapak kayo sa university na 'to at ipinasa ang entrance exam and interview, ibig sabihin nun ay pumapayag kayo sa patakaran ng iskwelahan, kaunti lang naman ang rules ng school na 'to, pero ang pinaka-mahalaga ay ang rule number 1. If something happened inside the school premises, just keep it inside the premises, 'wag niyo nang ilabas, ang sa school ay sa school lang, hindi na pwedeng ilabas, maliwanag ba my new school mates?" tanong ko sa kanila, napangiti ako nang mabilis silang sumagot ng "Yes!" kaya nagpatuloy ako hanggang sa matapos.



Hinintay ko munang makaalis ang lahat ng transferees bago bumaba sa stage, pero napahinto ako nang may bigla nalang humarang sa dadaanan ko, kung magugulatin lang ako, suguradong mapapatalon ako sa gulat dahil sa bigla niyang pagsulpot.

"May kailangan ka?" nakangiti kong tanong sa kanya. Sigurado akong isa siya sa mga transferees dahil bago ang muka niya sa 'kin.

"You are the Student Council President am I right?" Medyo nabawasan ang ngiti ko dahil sa tanong niya.

"Yes, why are you asking?" takang tanong ko sa kanya. Hindi ba siya makapaniwala na ang isang cute na katulad ko ang namumuno sa buong estudyante ng Hellizon University?

"I'm Darmson Kim, and I think I like you." Saka niya inilahad ang isang kamay niya sa 'kin, kaya napamaang nalang ako. Seryoso?

Nang makabawi sa pagkagulat ay bigla nalang akong natawa. Kaloka 'tong lalaking 'to, ni hindi nga niya 'ko kilala, baka bigla siyang kumaripas ng takbo palayo sa 'kin kapag nalaman niya kung anong klase ng tao ako pft.

"Why are you laughing?" kunot ang nuo niyang tanong, kaya tumigil na 'ko sa pagtawa, dahil alam kong muka na 'kong tanga tss.

"Ikaw kasi ehh, anong I like you ang pinagsasasabi mo? You don't even know me," nakangiti kong sagot sa kanya, kaya napakamot nalang siya sa batok niya.

"Basta, that's what I feel the first time I saw you on that stage a while ago, sinasabi ko lang sa 'yo para alam mo," seryoso niyang sagot, saka na 'ko tinalikuran, pero huminto siya at muli akong nilingon.

"Remember my name, its Darmson Kim, your future boyfriend." Saka na siya tuluyang umalis, hindi ko tuloy uli mapigilang matawa, mukang madadagdagan nanaman ang kalahi ni Nick pft.

TBC

Bloody AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon