BLOODY 16

13 1 0
                                    

Darmson’s POV

“I already warned you Mr. Darmson Kim, mag-iingat ka.”

Hindi ko alam kung bakit parang bigla akong kinilabutan sa sinabi niya, lalo na sa paraan ng pagtingin at pagngisi niya sa ‘kin. Ano ba’ng me’ron sa ‘yo Andra? Hindi ko lang pinapansin pero… parang may kakaiba talaga sa ‘yo.

Sweet kang makitungo sa iba at palaging matamis kung ngumiti, pero iba ang pinapakita ng mga mata mo, ang paraan ng pagtingin mo ay punong-puno ng authority, ‘yan siguro ang dahilan kaya mo napapasunod ang lahat.

Sa liit ng katawan mo, ibang klase naman ang lakas mo, hindi na bago sa ‘kin ang pakikipag-basag ulo, kaya nga ‘ko pinatapon ni Ate dito sa Hellizon dahil sawa na siya sa mga katarantaduhan ko, pero hindi ko manlang nagawang dumepensa nang pilipitin mo ang braso ko, akala ko nga tuluyan na ‘kong mababalian nu’n.

‘Yung nangyari sa parking lot, kung pa’no mo sugurin ang lalaking ‘yun, knowing na isa ‘yung serial killer, parang wala kang takot na kalabanin ang isang mamamatay tao, ganuon ka ba talaga katapang? At me’ron ka pa talagang dalang axe sa bag mo.

Tapos ngayon, ‘yung paraan ng pagbabanta mo sa ‘kin, parang may ipinapahiwatig ka nang sabihin mo na mag-iingat ako. Sino ka ba talaga Andra Min Dizon? Ano ba talaga’ng me’ron sa ‘yo?

“Hoy Darmson, ano pa’ng ginagawa mo diyan? Balik na du’n sa library!” Naalis ako sa malalim na pag-iisip nang marinig ko ang sigaw na ‘yun ni Zichie, habang nakataas pa ang isang kilay na nakatingin sa ‘kin mula sa bungad ng hagdanan sa second floor.

“Oo na babalik na,” walang gana kong sagot, saka na nagsimulang umakyat papalapit sa kanya.

“Nasaan si Andra? ‘Di ba sinundan mo siya?” tanong niya nang makalapit na ‘ko sa kanya.

“Wala pa ba du’n? Nauna siyang umakyat sa ‘kin ehh,” kunot ang nuong sagot ko sa kanya. Na-bad trip ba talaga siya sa ‘kin? Sana pala hindi ko na binanggit pa ‘yung ex niya kanina tss.

Andra’s POV

“Andra mag-sleep over uli tayo sa inyo, isama naman natin si Hanny,” biglang harang sa ‘kin ni Zichie, kasama sina Zia at Hanny, nang matapos ang klase namin. Ano nasiyahan lang?

“Oo nga Andra, nai-inggit kasi ako ehh, kwento ni Zia nag-snack daw kayo at saka nag-movie marathon after niyong gumawa ng report,” nakanguso ring segunda ni Hanny, saka kumapit sa braso ko.

“Actually sila lang ang nag-movie marathon,” pagtatama ko. Nawalan na kasi ako ng gana dahil kay Darmson Kim, kaya nang matapos naming gawin ang report namin, nagpaalam na ‘kong matutulog na at mamili nalang sila sa mga guestroom kung sa’n nila gustong matulog.

“’Yun na nga ehh, gusto ka naming maka-bonding Andra, isama natin ‘yung iba pa para masaya,” exited ring saad ni Zia. Hindi ‘yun magandang idea pero… bakit parang gusto ko? Hindi ko pa nararanasang mag-movie marathon dahil hindi naman ako palanood ng movie, I prefer reading fiction books kasi, that’s why. Medyo naghihinayang nga ‘ko kanina na hindi ako sumali sa kanila kagabi, parang ang saya kasi nila tss, si Darmson Kim kasi ehh, kasalanan niya kung bakit nawalan ako ng gana kagabi, nakaka-buwisit kasi ang pagmumuka niya tch!

“Ano na Andra? Yiiieeehhh papayag na ‘yan hehe,” pagpapa-cute pa ni Hanny habang niyuyugyog ang braso ko. Tch, mas cute pa rin ako, ang trying hard niyang magpa-cute promise, mabuti pa ‘ko natural.

“I’ll think about it-“

“Pag-iisipan pa, payag na ‘yan.” Napapikit nalang ako nang marinig ko ang matining na boses na ‘yun. Diyos ko po, alam kong dimonyo ako pero nakikiusap po akong pahabain niyo ang pasensiya ko, alang-alang nalang po sa nakakairitang babaeng ‘to, baka kasi hindi na talaga ako makapagpigil at mabura ko na siya sa mundong ito, naiirita talaga ako sa buong pagkatao niya!

“Irish, nandiyan pa pala kayo hehe,” pekeng ngiti ni Zia sa babae. Feeling ko irita rin si Zia sa Irish na ‘to, patayin ko na ba? At kasama niya pa pala ang isa pang buwisit na si Darmson Kim, at ang weirdo niyang kakambal na si Ivan. Ang dalang lang kasing magsalita, pareho sila ni Angeline, sana nga lang hindi niya rin kinakausap ang sarili niya gaya ng PRO namin.

“Of course, at narinig namin ang pinag-uusapan niyo, gusto rin naming sumama,” maarteng saad niya, kaya nginitian ko siya ng matamis, ‘yung tipong halos nakapikit na ang singkit kong mga mata dahil sa pagkakangiti ko.

“Sure Irish, pero hindi mamayang gabi, hindi ko pa na-a-announce pero sasabihin ko na sa inyo ngayon, one week tayong walang pasok next week, gusto niyo bang mag-outing tayo? Isama natin ang buong klase natin.” Siguro magandang pagkakataon ‘to para makilala ko na ang epal na Goddess of Hell na ‘yun.

“Sige gusto ko ‘yan Andra, mag-outing tayo!” exited na sigaw ni Hanny, saka muling niyugyog ang braso ko, kaya napapikit nalang ako dahil medyo naiinis na ‘ko sa kakayugyog niya sa ‘kin.

“Magandang idea ‘yan Andra.” Zichie.

“Yeah, ang tagal ko na rin kasing hindi nakakapag-swimming, gusto ko nang magamit ‘yung bagong bili kong swimsuit.” Zia.

“I’d love that idea too, ang tagal ko na rin kasing hindi nabibilad sa araw.” Irish.

At bigla nanaman akong nawalan ng gana sa sumunod na nagsalita. “Mas magandang mag-swimming sa falls, may alam akong rest-house na pwedeng nating tuluyan ng isang linggo, ano game?” nakangisi niyang suggestion. Pasimple nalang akong napairap. Ako ang nakaisip ng idea ‘di ba? At ang gusto ko ay sa isang private island, para wala nang takas ang ume-epal na serial killer na ‘yun kung nasa loob man talaga siya ng klase namin.

“Game!”

“Maganda nga ‘yan.”

“Aakyat tayo sa bundok tama?”

“Yiieeehh exited na ‘ko!”

“Anong me’ron?” Biglang sulpot ni Kendrick na tumabi sa ‘kin, napansin ko ang biglaang pagsimangot ni Darmson Kim, pero hindi ko nalang pinansin.

“May gala tayo next week, sama ka ahh,” si Zia ang sumagot.

“Talaga? Nice naman, sige sama ako, sasama ka ba Andra?” baling niya sa ‘kin.

“Oo naman, pero parang mas gusto ko sa isang private island, gusto kong maligo sa dagat,” sagot ko.

“Pero mas magandang maligo sa falls, malamig, hindi ka pa mangingitim,” sabat nanaman ni Darmson Kim. Bakit ba hindi ko pa tinutuluyan ‘to? Humanda ka talaga sa ‘king buwisit ka! Pagkatapos ko sa epal na serial killer na ‘yun, isusunod talaga kita!

“Gusto ko sa dagat, at saka ako ang naka-isip sa idea ‘di ba, kaya ako dapat ang masunod!” inis nang sagot ko sa kanya.

“Ehh ano naman kung ikaw ang naka-isip sa idea? Hindi ba kami pwedeng mag-suggest ng gusto naming puntahan?” sagot naman niya nang hindi pa rin nawawala ang pagkakangisi sa muka. Punitin ko ‘yang labi mo ehh.

“Son’s right, hindi lang ikaw ang magde-decide no,” siyempre sang-ayon sa kanya ni Irish tss. Kaya sinamaan ko nalang siya ng tingin.

“Ahh ganito nalang, majority win, kung sino’ng mas maraming sang-ayon, duon tayo pupunta, mag-meeting tayong lahat mamaya after ng last class natin,” suggest ni Zichie, kaya wala na ‘kong nagawa pa kun’di ang sumang-ayon nalang. Ipaalala niyo sa ‘king idispatya ang mga maarte at buwisit na ‘to kapag hindi natupad ang gusto ko, at seryoso ako!

Someone’s POV

Agad kong kinuha ang cellphone ko na nasa bedside table ko nang tumunog ito.

“Kendrick, kamusta?” sagot ko sa tawag.

“Mukang mapapaaga ang laro ni Anna, may outing ang buong klase namin next week, sasama ka ba?” Napabuntong hininga ako saka tumango.

“Kung gano’n magsisimula na rin ba tayo?”

“Of course, exited ka na ba?” Kahit hindi ko siya nakikita, alam kong nakangisi siya ngayon habang sinasaad ‘yun.

“Magkita nalang tayo next week, ipadala mo nalang sa ‘kin ang location.”

“Okay, see you.” Ako na ang nag-end ng call. Muli nalang akong napa-buntong hininga.

Matatapos rin ‘to Hannah Red, konting tiis pa.

TBC

Bloody AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon