BLOODY 25

40 3 0
                                    


Angel's POV


"Krys nakita niyo ba si Red?" tanong ko kela Krystal nang makalapit ako sa kanila, kanina ko pa kasi hinahanap ang babaeng 'yun ehh, bigla nalang nawala sa tabi ko habang gumagawa kami ng sandcastle.

"Hindi ehh, pero alam ko kasama ni Andrue, tanungin mo sila Jovin, nandu'n sila nag tatampisaw sa dagat."

"Sige thanks," sagot ko nalang saka na nag lakad papunta kela Jovin.




"Jovin nakita niyo ba si Red?"

"Yes, and she's with Andrue," sagot nito saka ako nginisian ng nakakaloko, kaya agad na nangunot ang nuo ko.

"Oh na sa'n na sila?"

"Gumagawa ng baby hahaha!" sagot ni Jake, saka sila sabay-sabay na tumawa. Tss mga baliw, ugok talaga 'tong tatlong 'to ehh.

"Mga sira ulo, na sa'n na nga sila?"

"Ewan, basta pumasok sila sa rest-house kanina, baka gagawa nga talaga ng baby hahahha!" Andrei.

"Tss bahala nga kayo diyan, mga wala kayong kwentang kausap." Saka ko na sila nilayasan na hindi pa rin tumitigil sa pagtawa at pang-aasar. Mga sira ulo talaga, sarap pagbabatukan ehh tss.

Pagpasok ko sa rest-house, una ko silang hinanap sa first floor, pero hindi ko sila nakita du'n kaya dumeretso ako sa second floor, pero napahinto ako sa paglalakad nang makita ko si President Lindzey na nakatayo at nakatulala sa isang pintuan.

"Pres?" Napapitlag siya saka gulat na napatingin sa 'kin, pero mas nagulat ako dahil sa mga luha niyang tuloy-tuloy sa pag-agos mula sa mga mata niyang namumugto na.

"Bakit ka umiiyak Pres?" takang tanong ko sa kanya, pero imbis na sagutin, naglakad lang siya papunta sa kwarto nila at pabagsak na sinara ang pinto.

"Anyare du'n?" Napailing nalang ako saka lumapit sa pintong tinititigan niya kanina.

"Ano namang nakakaiyak dito? Tss." Muli nalang akong napailing saka na nagpatuloy sa paghahanap kay Red.




Kinagabihan...




"Na saan na si Ms. Trinidad?" tanong ko nang mapansing wala si Ma'am, siya kasi ang naka-isip nitong bonfire na 'to ehh, tapos siyang pa 'ng wala?

"Oo nga, kanina ko pa siya'ng hindi nakikita ahh." Trixie.

"Hey Ms. President, didn't you know where Ms. Trinidad is?" Gina.

"Huli ko siyang nakausap kanina pang umaga," sagot ni Pres. Tinitigan ko siyang maigi, ang layo ng itsura niya ngayon sa nakita kong itsura niya kanina sa second floor, kanina lumong-lumo ang itsura niya tapos namamaga pa ang mga mata at puno ng luha ang muka, pero ngayon bakit parang ang fresh ng itsura niya? Wait... nakamake-up ba siya? My gosh, kailan pa siya natutong mag make-up? Hmmm.

Pinanliitan ko siya ng mata, pero hindi niya naman ako napapansin dahil abala siya sa pakikipag-usap sa mga kaklase namin, kaya naman inalis ko na ang atensiyon ko sa kanya at nakinig nalang sa pinag-uusapan nila.

Wala na pala kay Ms. Trinidad ang topic, dahil ang topic naman nila ngayon ay si Janina, wala siya dito, siguro nagkukulong nanaman sa kwarto niya.

Bloody AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon