BLOODY 32

31 3 0
                                    


Krystal's POV


"Oh my God, Oh my God, I don't want to die! What should we do Krystal? I don't want to die!" 'Nu ba 'yan, bakit ba itong maarteng 'to ang naging kasama ko dito? Bwisit!

"Huwag ka ngang maingay, mamamatay tayo dahil diyan sa kaartehan mo ehh, shut up ka lang diyan!" inis kong saad kaya agad niya 'kong sinamaan ng tingin saka inirapan.

"Where are my friends ba? Why I'm stock here with this loser?" rinig kong bulong niya, kaya agad na tumaas ang kaliwang kilay ko.

"Wow ahh, akala mo naman ginusto kong makasama ka dito, edi lumabas ka at hanapin mo ang mga kaibigan mo, mas gugustuhin ko pang mag-isa dito ke'sa makasama kang maarte ka!"

"Why are you shouting? That creepy Janina might here us!" pabulong nitong sigaw saka ako muling inirapan. Kapag talaga ako hindi nakapagpigil dudukutin ko 'tong dalawang mata nitong feeling kikay na babaeng 'to!

"Mabuti pa nga nang mabawasan naman ng maaarteng tao ang kawawang mundong 'to!"

"How dare you-" Hindi ko na siya pinatapos at agad na 'kong nagtungo sa pinto ng bodega saka padabog na lumabas, mas mabuti pang mamatay nalang ke'sa makasama ang maarteng 'yun du'n!




Third Person's POV


"How dare her! Did she just leave me here alone with this dirty room," inis niyang saad saka padabog ring ni-lock ang pinto. "Oh my god my skin!" mahinang sigaw ni Mariella habang kinikiskis ang nangangating braso, pero napahinto siya nang bigla nalang namatay ang ilaw.

"Oh my, what happened?" tili niya habang nililibot ang paningin sa madilim na paligid.

Nakaramdam siya ng kilabot nang makarinig siya ng katok mula sa pintuan, taimtim siyang nagdasal at walang paki-alam sa alikabok na sumiksik sa sulok ng bodega.

"Mariella?" Biglang parang bula na nawala ang kaba at takot niya nang marinig ang boses na 'yun.

"Oh gosh Angel!" Saka siya dali-daling tumakbo patungo sa pinto para buksan ito, pero labis nalang ang panlalaki ng mata niya nang mabungaran ang isang babaeng nakamaskarang puti na may disenyong pakapak ng anghel.

"Hi Mariella." Isasara na niya sana ang pintuan nang sinipa 'yun ng kaharap saka siya malakas na itinulak na naging sanhi ng pagkabuwal niya.

"Ouch!" Daing niya. "What do you want from me? You bitch, stay away from me!" Sigaw niya habang mabilis na umaatras palayo sa babaeng nakamaskara.

"Don't worry my dear, hindi naman masyadong masakit ang gagawin ko sa'yo ehh, tatanggalin lang natin 'yang pilipit mong dila, medyo nakakairita na rin kasi ang boses mong napakaarte ehh."

Lalong nanginig sa takot si Mariella dahil sa narinig na tinuran ng kaharap, madiin niyang itinikom ang bibig saka ito tinakpan ng dalawang kamay habang mabilis na umiiling.

Lalong nakaramdam ng takot si Mariella nang dahan dahan na itong lumapit sa kanya at lumuhod sa harapan niya.

Hinaplos siya nito sa ulo, halos hindi na niya magawang makagalaw dahil sa sobrang kaba at takot, rumaragasa na rin ang nag-uumapaw niyang luha sa mata.

"Tsk tsk tsk, I'm so sorry Mariella, but I have to do this, for the sake of my eagerness to kill," malambing na saad ng babae habang hinahaplos ang buhok ni Mariella. "You have to face the reality my dear, you'll die now, because I will kill you with my bear hands- ayts bakit ba 'ko nag e-english? Nakakahawa talaga ang mga babaeng englishera tss, basta tanggapin mo nalang ang katotohanang mamamatay ka na sa kamay ko!"

Bloody AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon