BLOODY 25

10 1 0
                                    

Darmson’s POV

Mahigpit ang hawak sa kamay ni Irish, muli naming tinahak ang daan pabalik sa rest-house. Wala pa ring tigil sa pag-iyak si Irish habang paulit-ulit na inuusal ang pangalan ni Ivan, kaya mas hinigpitan ko pa ang pagkakahawak sa kamay niya, para iparamdam sa kanya na nandito lang ako.

“Hahanapin natin siya Irish, magiging okay lang si Ivan,” giit ko, kahit alam ko na ang pwedeng kahinatnan ni Ivan sa kamay ng mga demonyong ‘yun, umaasa pa rin ako na magiging okay lang siya.

“Tama ka, magiging okay lang si Ivan,” mahinang usal niya, kaya nilingon ko siya at tipid na nginitian.

Pagdating namin sa rest-house, medyo nabawasan ang kaba ko nang makitang bukas pa naman ang mga ilaw at tahimik pa rin ang buong paligid. Mukang maayos pa naman ang lagay ng mga kaklase ko, pero wala sila sa sala kung sa’n namin sila iniwan kanina, malamang nagpahinga na ang mga ‘yun sa isa sa mga kwarto dito.

“Nasa’n sila?” tanong ni Irish habang nililibot ang paningin niya.

“Tignan natin sa mga kwarto, baka nagpapahinga lang sila,” sagot ko. Maglalakad na sana kami papunta sa dalawang kwarto dito sa first floor para hanapin sila nang makarinig kami ng isang malakas na sigaw mula sa second floor.

“Lhei?” nanlalaki ang mga matang usal ni Irish, saka mabilis na tumakbo papanhik sa taas.

“Irish!” naibulalas ko nalang, saka mabilis na sumunod sa kanya.

Tuloy lang sa pagtakbo si Irish habang sinusundan kung sa’n ba namin naririnig ‘yung sigaw.

Hanggang sa mapadpad kami sa tapat ng isang kwarto, at sa loob nun, rinig na rinig namin ang nagmamakaawang sigaw ng kaklase naming si Lhei.

“Lhei!” muling sigaw ni Irish, saka mabilis na binuksan ang pintuan, at sa pagbukas niya ng pinto, bumungad sa ‘min ang umiiyak na si Lhei, habang sumisigaw at nagmamakaawang tulungan siya.

Patiwarik siyang nakasabit sa kisame, nakatali ang mga kamay niya mula sa likuran niya, at punong-puno siya ng mga pasa at hiwa sa iba’t ibang bahagi ng katawan, pati na rin sa muka niya, at sa ilalim niya, sandamakmak na mga nakatayong patalim ang naka-abang, sa oras na mapatid ang lubid na nakatali sa kanya at malaglag siya, tiyak na katapusan niya na.

Nakakaawa ang kalagayan niya ngayon, parang pinahirapan siya ng mga demonyong ‘yun, lalo tuloy akong kinabahan sa kung anong lagay na ba ni Andra ngayon.

“Lhei nandito na kami, magiging okay ka na,” iyak na saad ni Irish, saka naglakad palapit kay Lhei, pero sa hindi inaasahang pangyayari, bigla nalang siyang natisod sa isang lubid sa sahig, at kasunod nu’n ay ang pag-alingawngaw ng isang malakas na putok ng baril.

The next thing I know, pumapalahaw na si Irish sa pag-iyak habang nakatingin kay Lhei na ngayon ay nakahiga na sa mga nakatayong patalim at wala nang buhay, nakakadiri ang mga lumalabas na masaganang dugo gawa ng pakakatusok ng mga patalim sa katawan niya, kaya agad akong kumilos at lumapit kay Irish, saka tinakpan ang mga mata niya, para hindi niya na makita pa ang kinahinatnan ng isa sa mga itinuring niya na ring kaibigan.

“Lhei, hindi!!!!” palahaw ni Irish, kaya niyakap ko nalang siya habang takip pa rin ang mga mata niya.

“I’m sorry, Im sorry Lhei!” paulit-ulit na ngawa niya. Naaawa na ‘ko sa lagay niya ngayon, una ang kambal niya, tapos ngayon si Lhei naman, kaya habang yakap siya, pilit ko siyang pinatayo, dahil kailangan na naming umalis, baka nasa paligid lang ang mga demonyong ‘yun.

“Umalis na tayo Irish, tara na,” aya ko na sa kanya, pero inilingan niya lang ako.

“No, pa’no ‘yung iba? Hanapin natin sila Son, hanapin natin sila, baka kailangan nila ng tulong, hanapin natin sila Darmson please, hanapin natin sila!” umiiyak pa ring saad niya, kaya hinawakan ko siya sa magkabilang pisngi at tinitigan ng deretso sa mata.

Bloody AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon