Prologue

12 1 0
                                    

They say, higschool days were the most memorable part of our life. Totoo yun, as my experience ito yung pinaka-masaya at pinaka-malungkot na parte ng buhay ko.

Bakit?

Kasi those were the days that I felt how to fall in love, make friends, create unforgettable memories and unfortunately discovered the truth behind the lies.

That was year 2013 to be exact.

It was like a roller coaster ride of my life, yung tipong nandon kana sa peak ng saya tapos bigla kang ibabagsak sa kalungkutan ng biglaan.

But my high-school life was indeed a happy experience thanks to my friends who have been part of it.

Namimiss ko tuloy sila.

Pinagmamasdan ko ang larawan naming magbabarkada na lahat kami ay may subong lollipopsa bibig at may kanya kanyang pose.

Ang iitim pa namin noon at ang inosente pa ng mga mukha namin. Masaya kami sa larawang yun na tila ba wala kaming problema.

Ang sarap lang balikan ng mga panahong to. Wala kang ibang pinoproblema kundi skwela.

Pag adult kana kasi ang hirap nang magsurvive. Para kang nasa isang gubat na puno ng leon at tigre, di mo alam kung mabubuhay ka pa.

Tila ba araw-araw sinusubok ka, nakakatakot maging masaya kasi any moment may problemang kapalit. Nakaka-wala ng kompyansa sa sarili, na kaka-drain, nakaka-bobo at nakakapagod.

Pinahid ko ang mumunting luhang namuo sa gilid ng mata ko nang di ko maiwasang ikumpara ang buhay ko noon at ngayon.

Aktong itatago na ang mga iyon sa box na pinaglalagyan nito ng mapansin ko ang isa pang larawan na nakaipit sa isang slambook.

Class picture namin ito. Unang nahagip ng mata ko si Tristan. Nasa pinakadulo sya'ng hilera ng mga kaklase kong lalaki na nakatayo sa likuran naming mga babae. Nakapamulsa, seryoso at nakatingin sa malayo.

Nasan na kaya sya ngayon, kamusta na kaya sya?

Suplado at loner padin kaya sya?

Nakapagtapos na kaya sya ng pagaaral?

Tahimik na ba ang buhay nya ngayon?

Masaya na kaya sya ngayon?

Kasi ako hindi.

Take Me Back to 2013Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon