II. THE NIGHT OUT (Present)

9 1 0
                                    



MONA'S POV

"Halika na Moan!" sigaw ni Dominique habang nagliligpit ako ng lamesa ko. Nag-OT kasi ako ng 1hr dahil may pinahabol saken na paperworks si Sir Ed.

Sayang pasok ko ng maaga bwisit

Hindi pa umuuwi si Dom ay dahil iniintay nya pa ang iba pa naming workmates para daw sabay sabay na kami sa place kung saan may pa dinner si sir.

"Magantay ka." sagot ko.

"Hehe excited na ko e!" sabi nya. Parang loko to 'kala mo perstaym lumabas.

"Ito na oh." sagot ko habang sinasakbit ang sling bag sa braso ko.

"Ako na nga magdadala nyan." presinta nya.

Ayos ah. Okay ka lang?

"Ayuko nga mawala pa milyones ko dito." pagbibiro ko nalang saka umuna sa pag lalakad. Naiilang kasi ako pag ganyan sya. Feeling ko ako next target nya, kilala kasing babaero si Dominique but like what I said, he is harmless.

Di naman sya totally bastos or manyak siguro depende nalang sa babae kung trip nilang minamanyak sila or otherwise.

Kasi kung marupok at makati ka e, machochorizo ka talaga.

"Arte naman neto, pagdadala na nga e." pangaalaska nya pa pero di ko na pinansin kunyari di ko narinig.

Hinila na sya ng ibang lalaki na ka-officemate namin at nagbibiruan na sila dun sa likod, nauuna ako maglakad sinabayan ko nalang yung trainee namin para maiwasan sya.

Nang ma-kababa na kami sa ground floor ay tinawag agad ako ni Dominique, na naman!

"Hey Moan! Here!" sigaw nya at inopen ang passengers seat ng kotse nya. Malakas ang sigaw nya kaya napatingan ang iba pa naming kasama pati narin ang mean girls. Nahagip pa ng mata ko na nagbulungan pa sila pero di ko na pinansin.

Letche naman kasi e!

"Halika saken kana sumabay." aya ko sa trainee na kasabay ko para di awkward.

"Po? Di kaya nakakahiya magcomm–"

"Okay lang yan." putol ko sa sinasabi nya at hinila na sya.

"Uy. Sabay ko 'to ha." sabi ko kay Dominique at binuksan ang backseat para dun kami maupo.

"O-okay?" walang nagawang sagot nya.

"Aruy! C*ckblocked boy!" sigaw ni Harold na dumungaw pa sa bintana ng kotse nya para asarin si Dom.

"Gago." natatawang sagot na lang nya at sumakay na.

📍 Madisons Chicken & Beer Restaurant

Pag dating namin dun ay nakaset up na ang dalawang long table na may sign na,

Reserved for Dytex Corp

Umupo na agad yung iba, ako naman ay naghanap agad ng comfort room. Di kasi ako nakaihi sa office bago umalis, minamadali kasi ako ni Dominique e.

Buti nalang at may limang toilet cubicle dito at wala masyadong tao pa sa Madisons kaya nakaihi agad ako.

"Kunyari pang walang gusto kay Dominique pero lagi naman sila magkasama, for sure may nangyari na sakanila haha knowing Domique, duh?" maarteng sabi ng isang pamilyar na boses.

"Eh malay mo naman diba? Sila na pero tinatago lang nila kaya sila close." Si Marie yun for sure. Tunog inosente e, pero bitch.

"Basta! Naiirita ako sa Mona'ng yan may someting talaga sakanya na nakakainis e." si Stacey.

"Hayaan mo na sya te' e lagi naman syang pinagaagalitan ni Sir Ed e, karma nya na yun." segunda ni Mica at nagtawanan sila.

Lumabas ako ng cubicle nang tila walang narinig. Nanlaki ang mata nilang tatlo at para silang naistatwa sa kinatatayuan nila.

"Excuse me." ako, at kumuha ng tissue sa dispenser na nasa tabi ni Stacey napapikit pa sya ng dumaan ang kamay ko sa gilid ng mukha nya.

Tss akala mo naman sasaktan amputa.

Pinunas ko yun sa kamay ko at tinapon sa basurahan.

"Ang dami namang basura dito." sarkastiko kong ko e to kahit bagong palit iyon ng trashbag. Saka tuluyang lumabas ng CR.

Di ko maitatanging di nagpagting ang tenga ko sa kakupalan nilang tatlo. Kahit wala silang banggiting pangalan alam kong ako ang pinaguusapan nila.

Pero kung alam mo naman sa sarili mo ang totoo di mo kailangan na patulan ang mga ganitong tao sa buhay mo.

Tandaan: Hindi mo ikakayaman kung bababa ka sa level ng kakitidan ng utak nila. Pero pag sumosobra na sapakin mo na. Deh joke

Badtrip akong lumabas ng CR at pumunta na sa table nila, nagdadatingan na yung foods.

Ang dami, nakakadrool. Nawala init ng ulo ko ng konti.

"Moan." tawag ni Dominique at minumustra ang empty chair sa tabi nya. Letche ka dahil sayo tsinitsismis ako.

Nagthumbs up nalang ako saka umupo sa tabi ni trainee, ano nga bang name to. Mahina ako sa pangalan e, tatanungin ko nalang mamaya.

Sumenyas nalang ako kay Dom na dito nalang ako uupo pero halos katapat ko lang din. Bale nasa dulo ako ng table ganun din sya. Nahagip pa ng mata ko kung paano maghilhilhilan sina Harold na kaibigan nya. Pabiro nyang sinuntok ang mga ito, habang tatawa-tawa.

At lumipas ang gabing yun nang puro kasipsipan, kesyo mami-miss daw nila si Sir Ed, sayang kasi aalis na pinakamabangis na boss, ang bait pa naman ni sir. Mga ganung nakakasukang bagay at sobrang sakit sa tenga.

Mga plastik! Kung di ko pa alam halos isumpa nila si sir.

Nag-commute nako pauwi kasabay si Aileen, yung trainee. Uminom na kasi sila 'dun, at wala ako sa mood uminom lalot kung ganung tao ang nasa paligid ko. Di na rin ako kinulit pa ni Dominique kasi busy na sya sa phone nya. Tss

Take Me Back to 2013Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon