IV. THE GOOD DAYS (Past)

6 0 0
                                    


📍 Tapia National Higschool (2013)

16 Y/O MONA'S POV

First day of school kaya maraming estudyante ang nagkalat sa labas ng classroom at hina-hanap ang kani-kanilang mga pangalan sa kanya kanyang classroom. Every year nirere-shuffle ang ibang students from one section to another. Ini-aim kasi nito na ma-disolve ang stigmatism ng grade discrimination wherein, ang mga students from Section A ay kinabibilangan ng mga fast learner students. While Section B ay mga mid average students at Section C, ay bagsakan daw ng mga slow learners, tamad, bully, pala-absent na students. Specifically sa mga public schools tulad ng TNH, kaya ngayon yung tatlong classification ng students pinaghahalo na sa ibat'ibang section.

Nakapag-taka lang mula first year higschool hindi nako nalipat ng ibang section. Sa C padin ako and I think hindi nako masa-shuffle pa.

Wala naman akong pake dyan e basta kasama ko padin yung barkada ko.

"Mona!" tawag sakin ni Ernie. Natanaw ko sya sa tapat ng room ng 4th year SEC -C. Oh diba, sa last section padin ako this year.

"Magkasection padin ba tayo?" tanong ko padin kahit malakas na kutob ko.

"Oo pero nalipat si Analyn." Malungkot na sabi ni Ernie. Si Ernie at Analyn ay isa sa mga kaibigan ko dito sa school.

"Hala. Malas naman nya." Luminga ako sa paligid, marami pading, nagkalat na students. "Nasan na sila?" tukoy ko kina Mitch, Belle at Elissa.

Tinanaw ko ang dagat ng estudyanteng nasa labas ng classrooms. Sinisipat baka sakaling makita ang iba ko pang mga kaibigan. Nang biglang may lalaking bumangga sa akin. Halos ma-out of balance ako sa kinatatayuan ko buti nalang nahawakan ako ni Ernie.

"Girl lampa mo naman." Sabay lingon nya sa lalaking bumangga sakin. "Sino ba yun? Makabangga wagas."

"Sira ulo, kala mo sakanya tong corridor." Inis na sabi ko. Di ko nakita mukha nya tanging yung pabango nya lang natandaan ko. Siguro kung maamoy ko sya, mare-recognize ko yung gago'ng yun.

"Classmate pa ata natin. Pumasok sa room natin e." Komento ni Ernie.

"Nakita mo ba ang mukha?" ako.

"Hindi. Saka paglingon ko madaming lalaki nasa likod kaya mahirap magtukoy."

"Sakit e. Alam mo yun parang buto yung tumama sa balikat ko." Pagiinda ko.

"Hayaan mo na te. Hanapin na muna natin yung iba." Aya sa akin ni Ernie at pinuntahan nalang namin ang canteen kasi kung wala sa classroom yung tatlo malamang e nasa canteen sila.

School Canteen

"Mga hayop kayo! Ikot na tumbong namin kakahanap sainyo mga lumalamon lang pala kayo dito!" talak ni Ernie sabay kagat sa egg sandwich ni Mitch at uminom sa tetra pack juice ni Belle. Habang tuloy lang sa pagtitipa sa cellphone si Elissa.

"Patay gutom to."sambit ni Elissa kay Ernie.

"Aba malay namin, akala ko late kayong papasok e."si Mitch at inirapan si Ernie, sa amin tropahan silang dalawa lagi nagtatalo. Pareho kasing matalino di lang halata. Actually last year magkakaklase na din kami at di naman sa pagmamayabang lahat kaming magbabarkada e class officer pero don't expect na napalakad namin ng ayos ang classroom. Hahaha!

"Nasaan si Analyn?" tanong ko.

"Nandon na sa classroom nila, nandun na daw kasi adviser nila pinaglinis ata agad sila." Si Mitch.

"OA naman, linis agad." Si Ernie.

"Bakla wag mo naman ubusin!" awat ni Belle nang napapasarap na sa pagsipsip si Ernie sa juice nya.

Take Me Back to 2013Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon