V. ONLY TIME CAN HEAL (Present)

11 1 0
                                    

 MONA'S POV

Namuo ang ngiti sa mga labi ko ng sandaling maalala ko ang panahong una kaming nagkita. Di ko maikubling may konting kilig pa din kahit lumipas na ang ilang taon.

Tristan Ortega

Ang lalaking unang nagpatibok ng puso ko, fourth year high-school kami nun, nang lumipat sya sa Tapia National Higschool naging malaking palaisipan para sa amin kung bakit ang isang estudyanteng nagaaral sa isa sa mga pinaka-mahal at prestihiyong paaralan sa lugar ay lumipat sa isang pampublikong skwelahan. Naging sikat sya sa lahat dahil bukod sa angking kagwapuhan, ay di maikakailang nanggaling sa isang mayamang pamilya, bagaman naging lihim ang tungkol sa pagkatao nya.

Sikat sya sa mga kababaihan ng paaralan at naging mainit sa mata ng kalalakihan dahil nadin sa cold nyang personality at walang naging ka-close sa eskwela pero kinagigiliwan ng mga guro. Matalino si Tristan ngunit bihira pumasok, na ipinagtaka ko noon at kina-inggit na din tila ba may karapatan kang lumiban kung kasing galing at talino mo sya.

Nagin ganun man ang pagkakakilala ng marami sakanya, ibang Tristan ang natuklasan ko ng panahong yun. Tristan na hindi kilala ng lahat, na ako lang ata ang nakatuklas.

Lalo akong nagpigil ng ngiti, at napatingin sa labas ng bintana ng sasakyan ni Ernie habang binabagtas namin ang daan papunta sa isang club malapit lang sa condo nya.

Ang balak sana ni Ernie na umuwi ng Batangas ay hindi na natuloy dahil napasarap kami sa pakikipagkwentuhan hanggang sa tumambay na kami sa condo unit na tinutuluyan nya at dumaan din muna kami sa bahay ko, nagpalit ako ng damit dahil sabi nya gusto nyang magclub. No choice ako kundi mag-change outfit. Naka-tshirt na white and jeans lang kasi ako kanina. 

Sinuot ko ang rose pink satin cowl midi dress na nabili ko online, para itong night gown dahil sa madulas nitong tela, lantad naman ang aking likod at mga braso sa manipis nitong strap. Medyo revealing pero kaya ko namang dalhin dahil di naman ako ganun ka conservative sa pananamit at pinarneran ko iyun ng 2.5 inches kong nude suede sandals na madalas kong suotin sa office.

Hindi ko padin talaga akalain na magiging ganito ka-successful sa trabaho si Ernie na nakakuha sya ng condo unit at sasakyan na kahit installment ay nakakabilib padin. Aaminin kong may konting inggit akong naramdaman sa pagasenso nya ngayon, ngunit mas lamang ang paghanga at proud sa naabot nya sa maikling panahon.

"Kadiri ka girl, anong nginingiti ngiti mo dyan?" tanong nya. Sinulyapan nya ako sa passenger's seat at tinuon muli ang tingin sa daan.

"Wala."ngiwi ko at nangingiti-ngiti. Di ako aaming kinikilig ako sa mga naalala ko no. "Alam mo proud ako sayo."pagbaliwala ko sa pagpuna nya sa ngiti ko.

"Ano ba kanina ka pa! Naiilang nako sayo."pag tataray nya na may konting ilang.

"Hahahaha! Basta libre mo ko ha?" pang-aasar ko upang mawala ang pagkailang nya.

Nahagip ng mata ko ang pagirap nya, at pakunwaring pagkunot ng noo, "Napaka-dukha mo talaga. Daig mo pa mga lalaki ko kakapalibre mo ha."pagtataas pa nya ng kilay.

"Ito naman minsan lang tayo magkita, Ernie kaibigan mo lang naman ako?" nagdrama nako sakanya. "Ako yung kaibigan mong lagi kang pinapakain ng lunch. Ang kaibigan mong kahati sa lahat ng pagkain na meron ako nung high-school tayo. Sige kaibigan mo lang naman ako e." Pangongonsenya ko pa.

"Magtigil ka dyan, kung di ako nagmamaneho dito nasampal na kita." Ganti nya at natatawa na ngunit may katarayan padin. "Alright here we are!" galak nya ng huminto kami sa isang club.

Napukaw naman ng atensyon ko ang lugar na iyon, maingay ang sounds ngunit tahimik pa ang paligid no wonder, maaga pa din naman kasi, pasado alas nuebe ng gabi nang makarating kami dito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 04, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Take Me Back to 2013Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon