I. A DAY OF AN ADULT(Present)

14 1 0
                                    

Let's kill this love!
Yeah, yeah, yeah, yeah, yeah
Rum, pum, pum, pum, pum, pum, pum
Let's kill this love!
Rum, pum, pum, pum, pum, pum, pum

Bahagya kong minulat ang aking mata at pinatay ang alarm ko. Tsk.

4:00 A.M.

Panibagong araw na naman. Panibagong umaga sa tulad kong adult. Letche

Tamad na tamad akong bumangon at umupo sa gilid ng kama at nakapikit padin.

Bat' ba kailangan ko to gawin araw-araw?! reklamo ko sa isip ko. At humiga ulit, saka inumulat ang mata ko. Nakatutok ngayon ang paningin ko sa kisame ng kwarto.

KAILANGAN MO NG PERA

Tila ba sinagot ako ng sarili kong motivational qoute na pri-nint ko sa isang papel at sadyang idinikit ko sa kisame para ganahan ako pumasok sa trabaho, –sa tuwing kinokwestyon ko ang sarili ko kada umaga.

Argh! No choice naman talaga tayong mga adult e.

Kinuha ko ang cellphone ko at chineck kung may bumili na ba sa mga pre-loved items na pinost ko online and unfortunately, wala. Tss great, just great!

Papatayin ko na sana ang cellphone ko ng nagpop up ang message ni papa sa messenger.

'Mon, my pera kba jan? Phiramin mo nman c ppa pambyad q lng kay ate telma mo, ilang araw na din kc aqng wlang kita e. My ilang bu1 ndin kc aqng utang sa tndahan nya'

"Hay nako papa, goodmorneng ha?" sarkastikong nasabi ko saka nagtype, at nireplyan sya.

'Sige pa magpapadala ako mamaya sa smart padala. Baka mga hapon pa po pag kalabas ko sa trabaho'

Sa chat palang ni papa, gising na gising na agad ang diwa ko. Matindi pa sa kape, kaya naman tumayo nako at kakamot kamot sa tyan na naglakad palabas ng kwarto. Naiwan dun ang kumot, bag at damit kong tutupiin na nakatiwangwang sa kama.

Oo tama ka, tamad akong linisin ang kwarto ko. Ewan ko ba dahil sguro, pagod ako galing trabaho, o sadyang tamad lang ako.

Once in a blue moon lang ako maglinis. Magkakala din naman e.

Tulad ng routine ko kada umaga, magtitimpla ng kape, bubuksan ang radyo makikinig ng kanta, minsan balita depende sa mood ko nang umagang yun.

Maliit lang ang bahay na tinitirhan ko dito sa Maynila. Pag pasok mo sa pinto ay isang salas na may maliit na single sofa at table, ilang hakbang lang ay  may isang dining square table with 4 chairs, isang dipa naman ang layo ng dining sa sink at lutuan. May maliit na ref na nakapatong sa mahabang lababo. At tabi nito ay banyo at ang nagiisang kwarto.

Tumayo na ko ulit, tumingin sa oras at naghanda ng susuutin ko. Actually dito ako nagtatagal sa paghahanap ng susuutin.

Ang hirap talaga pag wala kayong uniform sa trabaho, tsk.

Nang makapagbihis na ako ay lumabas nako ng bahay, sinecure ko muna kung nakalock ng ayos ang pinto at nakasarado ba ang bintana. Saka ako nagtungo palabas eskinita papuntang highway para makasakay ng jeep hanggang makarating sa office.

"Goodmorning mam." magalang na bati saken ni kuya Badong security guard ng kompanya nakaassign sya sa entrance.

Nasa third floor ang office namin, Operations department.

By the way isa nga pala akong Admin Assistant . Ganda pakinggan no? Pero minimum wage earner lang yan, tsk.

Nagderecho nako sa cubicle ko wala pa masyadong empleyado, maaga ako ngayon Friday e.

"Hi Moan!" bati ni Dominique, isa sa mga ka-workmate ko.

Mona Lisa ang name ko Mona for short  at tinatawag nya kong 'Moan'

Take Me Back to 2013Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon