III. TRIGGERED MEMORIES (Present)

9 1 0
                                    


Pasado alas nuebe na nang makauwi ako sa bahay, nagbihis at hilamos muna ako bago dumerecho sa kama. Makalat yun kaya nilinis at pinagpagpagan ko muna saka nahiga.

Shet. Ang sarap sa likod.

Kinuha ko ang phone ko at nagonline muna pampa-antok, nang biglang sunod-sunod ang pag tunog nag messenger ko yung tipong akala mo sasabog sa dami ng messages.

Tsk kaya ayuko ng GC e. Paka-ingay ang letche.

Kay mi-nute ko agad ang THE REUNION OF HOES.
Tinatamad pako mag-backread. Nagbrowse ako sa IG, at FB, nagenjoy akong magbasa at manuod ng memes. Hanggang sa pasado alas dose na pala di ko namalayan ang oras. Papatayin ko na sana ang mobile data nang biglang mag-chat si Ernie.

Ernie: Hoy!

Ako: Oh?

Ernie: Nagmamaganda ka? Bat di ka nagsiseen sa group?

Ako: Hahahaha! Ang ingay nyo kasi, mapa-personal at gc ang iingay nyo.

Ernie: Ay wow. Nakakahiya naman sayo 'te. Aniways magpakita ka saken tagal na naten di nagkikita, pa-famous ka masyado, di ka naman maganda!

Ako: OK! San ba? Free ako tom.

Ernie: Alright. Chat kita tom kung saan. Ano number?

Ako: 0948224++++ oh ayan! Sige bukas nalang see you! Labyu!

Ernie: Eww! Kadiri ka 'te. Osya bukas ha.

Ako: Hahaha! Okay see us!

Ernie: Kdot. Bye!

Ako: Ge.

After ng conversation namin na yun ay nakatulog na ko. Tumunog pa ang message ringtone ko pero di ko na binasa si Ernie lang din naman kasi yun.

Kinabukasan

Let's kill this love!
Yeah, yeah, yeah, yeah, yeah
Rum, pum, pum, pum, pum, pum, pum
Let's kill this love!
Rum, pum, pum, pum, pum, pum, pum

11:00 A. M.

Sinadya kong 11 A.M. ang alarm ko every Saturday and Sunday since day off ko naman pero dahil ang sarap pang ma-tulog, ay opo! Natulog po ulit ako kahit bahadyang ininda ang sikat ng araw na tumatagos sa babasaging bintana. Inadjust ko ang makapal na puting kurtina upang matakpan ito.

Ilang minuto pa ang lumipas.

Paulit-ulit na tumunog ang cellphone ko. Hinayaan ko lang yun hanggang sa mamatay.

Sino naman kaya 'tong hayop na to?

Hinayaan ko lang magring yun, ultimo paglower ng volume ay di ko na ginawa sa sobrang tamad ko.
Nagring pa ng tatlong beses at dun ko na sinagot ang tawag.

"Sino to?" antok pang tanong ko.

"WAG MO KONG MA-SINO TO, MONA LISA! KANINA PA KITANG TINA-TAWAGAN DIBA SABI KO SAYO 11 TAYO MAGKITA KASI UUWI PA KO! MY GOD! NAKAKASIRA KA NG ARAW!" napabalikwas ako sa pagkakahiga sa pagtatalak ni Ernie. Sheyt! May usapan nga pala kami neto.

"Oo na Ernesto! Wag ka sumigaw pwede, naamoy ko baho ng hininga mo hanggang dito." pangaasar ko sakanya.

Ngayon ko lang naalala na tinext nya nga pala ko kagabi.

"Hoy! Hulas na ganda ko dito kakaantay sayo! Nasan kana bang pokpok ka?!"

"On the way nako, na traffic lang." palusot ko habang hinuhubad na ang bra't panty ko at nagderetso sa CR.

Take Me Back to 2013Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon