Chapter 1

4.9K 41 0
                                    

"Good morning, Mayor!" nakangiting bati ng mga empleyado kay Raven habang papasok ng municipal hall.

"Good morning," he nodded in response. Ilan sa mga iyon ay mga dalaga pa kaya pormal ang ekspresyon ng mukha niya kapag bumabati sa mga ito. He didn't want to give them a different impression.

Pangalawang termino na niya bilang Mayor ng Sto. Tomas. He was 25 when he replaced his father. Na-ambush ito noon bago ang kampanya. Unfortunately, his mother was there, too. It was the saddest day of his life. Hanggang ngayon ay humahanap siya ng mga ebidensya at testigo laban sa mga pinaghihinalaan niyang nagpa-ambush sa mga ito.

"Good morning po, Mayor!" bati sa kanya ng sekretarya na nasa front desk ng office niya. She's in her mid forties. Tinanguan naman niya ito bago tinungo ang pintuan ng office niya. Dumaan lang siya sa munisipyo para pumirma sa ilang request letters dahil pupunta sila sa public market. Newly-renovated ito kaya kailangan niyang pasinayaan.

Nagtulak sila agad papuntang palengke ng bayan matapos niyang ma-check ang ilang importanteng papeles na kailangan niyang pirmahan.

As usual, everyone had a delightful face when he emerged on the crowded place. Agad na nagsimula ang ribbon cutting. May malawak na espasyo sa gitna ng palengke kung saan puwedeng magdaos ng event. Ang bubong nito ay semicircle na transparent kaya maaliwalas ang loob. May inilagay silang improvised stage sa pinakang dulo.

"And now let us all hear from the most eligible bachelor in town, the very handsome, ang tinitilian nating lahat – mapa-bata, matanda, may asawa o wala,"

Napailing siya habang natatawa sa introduction ng emcee sa kanya. Isa ito sa mga information officer ng munisipyo.

"---our hardworking papable Mayor, Hon. Raven 'macho-papa-guwapito' del Castillo!"

Napahalakhak siya habang paakyat ng stage lalo na nang maghiyawan ang mga tao. Kahit nakahawak na siya ng mic ay hindi matigil ang pagtawa niya.

"Maloko talaga itong si Lucille kahit kailan," natatawa niyang sambit. Nagtawanan rin ang mga tao. He already knew almost all of the municipal employees in his more than three years stay in the position. Pati lahat ng barangay captains at officials at mga businessmen ay kilala na niya. He had to, it's part of his job.

Binati niya ang lahat ng mga kasamahan niyang naroon bago ini-address ang speech sa mga tao.

"Ako po ay lubos na natutuwa sa pagtanggap ninyo sa modernisasyon ng ating palengke. Wala man tayong malaking mall sa ating bayan, nagmukha naman itong shopping mall kaya't susunod naman nating pagta-trabahuan ang pagpapa-aircon ng buong palengke gaya sa ating gymnasium na kamakailan lang ay nagawa na rin." Napatigil siya sa pagsasalita at iginala muna ang paningin sa paligid dahil sa palakpakan at hiyawan ng mga tao.

"Ito naman talaga ang mandato natin, ang paglingkuran ang mamamayan. Ang gobyerno ay para sa mga tao. Hindi ang tao para sa gobyerno. Kung kaya't ano mang hakbangin natin ay para po sa inyong lahat." Muling nagpalakpakan ang mga tao. Huminga naman siya nang malalim.

"Ang palengke pong ito ay para sa ating lahat kaya't hindi tayo nagdagdag ng kahit anong sentimo mula sa dati nyo nang binabayarang upa sa mga puwesto ninyo." Tumigil siya sa pagsasalita dahil sa palakpak ng mga tao.

His eyes scanned the area. Napalunok siya nang makita si Jessica na nakatayo sa 'di kalayuan. He has 20-20 vision. Kung kaya't malinaw sa mga mata niya ang pagngiti nito at pagtango. Hindi na siya nagtaka kung bakit ito naroon. May puwesto ito sa palengke. She has the biggest boutique in town. He felt like his pants tightened when he saw her legs. Naka-skirt kasi ito nang maigsi. Memories of last night flashed on his mind.

RaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon