Sa mga sumunod na araw naging busy si Raven sa mga responsibilidad niya sa munisipyo. He was hands on to everything. Sinisigurado niyang bawat proyekto ng bayan ay alam niya ang pasikot-sikot. He didn't want a government with corrupt practices. Masaya siya na marami ang naka-appreciate sa ilang mga pagbabagong ginawa at ginagawa niya pero batid niyang may ilang tao siyang nababangga kaya maingat din siya sa mga galaw niya.
Ngayon siya nagsisisi na ni hindi niya inaalam noon ang sitwasyon ng ama, may ideya sana siya kung sino ang nakabangga nito kaya ganoon ang sinapit pero wala pa kasi siyang interest noon sa pamumuno kahit na BS Public Administration ang kinuha niyang kurso. Ang gusto pa lang niya noon ay magsaya at ienjoy ang pagiging single. Wala pa siyang balak humalili sa ama. Unfortunately, the tragedy happened.
Napatitig siya sa intercom nang bigla itong tumunog. Naka-tatlong ring ito bago niya inangat ang receiver.
"Mayor, nasa linya po si Governor. Gusto raw po kayong makausap ng personal," anunsiyo ng sekretarya niya. Huminga siya nang malalim. He knew what the governor wants. Gusto nitong payagan niya ang blacksand mining operation sa dalawang coastal barangays sa bayan nila. Dalawang beses na niyang ni-reject ang application ng banyagang kumpanya at ang huli ay nagbitaw ng salita ang liaison officer na makakarating kay governor ang pag-reject niya sa proyekto.
Matagal nang usap-usapan na kay Governor Tiongson ang kumpanya na nag-ooperate ng black sand mining sa ilang bayan sa kanilang probinsiya kahit na nakapangalan ito sa isang Japanese businessman. Kaya't batid niyang makakabangga niya ito sa hindi pagpirma sa permit pero ayaw niyang payagan iyon dahil alam niya ang magiging epekto nito sa kalikasan at sa coastal areas.
Kaya nga sinadya niyang idineactivate ang sim card pagkagaling ng liaison officer sa opisina niya kahapon para hindi siya matawagan ng gobernador.
"Tingnan mo na lang kung ano ang available time ko diyan pagkagaling ko ng Mayor's League conference sa Cebu, doon mo i-schedule ang meeting," tugon niya.
"Mayor, nasabi ko na po pero gusto raw po niya mamayang gabi na, gusto raw po kayong kausapin, nasa linya po siya," saad ng sekretarya.
"Sinabi mo sanang busy ako." Huminga siya nang malalim.
"Opo, sinabi ko nga po na nasa kalagitnaan kayo ng meeting pero sabi niya, sumingit daw po ako para sabihing nasa linya siya. Natakot naman po ako kasi parang galit na," paliwanag ng sekretarya. He pursed his lips. Naiintindihan naman niya ito. Who would say no to the governor?
"Sige, i-connect mo na sa linya," sambit niya. Naghintay siya nang ilang segundo bago tumunog ang receiver na hudyat na nailipat na ang tawag.
"Hello, Governor! What can I do for you?" he greeted right away.
"Mayor del Castillo, I heard your employees are so loyal with you," sagot ng gobernador. Napakunot ang noo niya. That sounded sarcastic in his ears.
"Ganoon po siguro talaga kapag nakikita nila ang klase ng liderato natin, gov," he answered with the same tone. He could almost imagine the governor's grimace.
"Tama ka diyan, Mayor. Dapat ganyan tayo sa gobyerno at dapat marunong din tayong makisama sa mga kapwa natin pulitiko lalo na sa nakatataas para naman 100 percent ang suportang matatanggap natin," mahaba nitong wika.
"Tama po kayo. So, ano po bang atin, gov?" tanong niya para putulin na ang litanya nito. Alam naman niya kung anong klase itong lider.
"Gusto ko sanang makipagkuwentuhan naman sa 'yo. Alam mo na, alamin ang sitwasyon n'yo diyan para alam natin kung anong suporta ang maaari kong ibigay para sa bayan n'yo," tugon nito.
"Sige po, gov. Pagkatapos po ng Mayor's League conference, pupuntahan ko po kayo sa kapitolyo," pagsang-ayon niya. The conference will start in three days at limang araw iyon tatagal.
BINABASA MO ANG
Rave
RomanceYoung, handsome, and hot Mayor Raven del Castillo was in a shaky situation when his estranged love, Cinderella Santillan came back. Her coming home as though marked the end of his disarrayed life...As if she was the starting point to make all things...