Chapter 4

3.4K 23 0
                                    

"Raven, gising na, mali-late ka na."

Naririnig ni Raven ang pagsasalita ni Jessica at marahang pagyugyog nito sa braso niya pero talagang inaantok pa siya. Nakatulog siya agad kagabi pagkatapos nilang magniig. Ngayon lang niya naramdaman ang pagod sa mga nagdaang araw.

"Raven," muli nitong yugyog. Her voice was low.

"Uhhmm," napaungol lang siya. Nakahiga siyang padapa at yakap-yakap ang unan. His eyes were still closed. Namimigat pa ang mga ito. Naramdaman niya ang paglundo ng kama. Maybe she sat down.

"Hindi ka aattend ng session ninyo?" mahina nitong tanong saka hinila ang comforter na nakatakip sa katawan niya. Cold air crept on his naked back. Bahagya siyang nakaramdam ng inis. Nakahubad kasi siyang natulog.

"'Wag kang makulit! Hindi kita asawa," he blurted out groggily. His mind shut down when the room became silent. Muling bumalik ang antok niya.

"I know, right?"

Paraang natauhan pa siya bigla nang muli itong magsalita. Ano ba 'yong nasabi niya? He lazily opened his eyes, recalling what he said. Umayos siya ng higa at tiningnan ito. Blangko ang ekspresyon nito na nakatunghay sa kanya. Saka lang niya naisip na baka na-offend ito sa sinabi niya. Pero totoo naman kasing hindi niya ito asawa. She's not supposed to be waking him up unless he is inside her house and he must go.

"Halika nga rito," hinapit niya ang baywang nito at ipinahiga sa tabi niya. Hindi naman ito tumanggi. He kissed and sniffed her neck to appease her.

"Ang bango mo talaga!" he commented as he continued giving her butterfly kisses on the neck like a kid.

"Raven, nakikiliti ako," she said with a soft chuckle. Mas lalo naman niyang ipinagdiinan ang ilong sa leeg nito habang yakap-yakap sa baywang.

"Raven, tama na! Sige ka gaganti ako!" banta nito. Hinawakan nito ang ulo niya at pilit inilalayo. Tuluyan na itong natawa. Gumaan pa ang pakiramdam niya pagkarinig ng tawa nito. Mas gusto niya iyon kaysa sa blangkong reaksiyon nito kanina.

He stopped when he felt her soft hand enclosing his erect manhood.

"Huwag, naiihi ako," natatawa niyang sambit rito nang maramdamang humigit ang paghawak nito. Tumawa naman ito nang mahina saka binitawan. He smiled and stared at her face.

"I like it better when you're laughing," he said honestly before standing up. Huminga siya nang malalim saka nagtungo sa banyo.

He was already wearing khaki shorts and white shirt when he went out of the bathroom. Unang hinanap ng mata niya si Jessica. Nakaupo ito sa kama at nakasandal sa headboard. She's wearing walking shorts and simple white tee. She always looked sexy no matter what she wears.

She stared at him while he walked towards her. Napailing na lang siya. As much as he wants to bed her, he was starving.

"We should order breakfast," sambit niya nang makalapit rito. Napatango naman ito. Kinuha niya ang menu sa side table saka tumawag ng room service.

Inayos niya ang ilang gamit habang inaantay ang order nila. It was supposed to be his last day at the conference, but he no longer had plans to attend. Gusto niya ring magpahinga muna lalo na at masyadong maraming nangyari bago siya tumulak papuntang Cebu.

Nakipagkita siya sa gobernador ng gabing iyon pagkatapos nitong tumawag. Hindi maganda ang naging pag-uusap nila. Kinukumbinsi kasi siya nito na payagan ang black sand mining sa bayan nila na mariin niyang tinanggihan. The governor said something that made him sleepless.

"Mana ka talaga sa ama mo," Gov. Tiongson blurted. He was taken aback.

"Ma-prinsipyo," he added when he eyed him. The governor made it sound like a compliment, but for Raven it sounded like a threat.

RaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon