Prologo

644 2 1
                                    

"Nea san ka pupunta?" napalingon ako sa kaibigan kong si Abby na diko namalayang kanina pa pala ako sinusundan. Napahinto ako at nginitian siya.

"Pupuntahan ko si Mile. Baka nag-dodota na naman  iyon," sagot ko.

"Ganon ba. Eto nga pala may nagpapabigay sayo nito." May inabot siya sa aking itim na sobre at nagtatakang tinanggap ko naman iyon."Sige aalis na ako. Inaabot ko lang yan sa'yo baka kasi importante. Bye!" Paalam nito at tumango nalang ako.

Nong wala na siya sa aking paningin ay binalik ko ang aking atensyon sa sobre. Sino naman kayang magbibigay sa akin nito? Medyo hindi maganda ang kutob ko.

Dahan-dahan kong binuksan ang sobre at doon ko nga napagtanto kung bakit ganon nalang kabigat ang nararamdaman ko.

Because the letter is a threat.

"Layuan mo na si Mile.Bibigyan kita ng isang araw para tapusin mo ng maayos ang relasyon niyo at kung hindi mo gagawin yun.Ihanda mo ang sarili mong makita ang kamatayan ng pinakamamahal mo"

Takot at pagtataka ang naramdaman ko nang mabasa iyon. Is it some sort of game? Or a prank? Pinaglalaruan na naman ba ako ni Mile?

The idea made my tears fall. I hurriedly wipe my tears and went to his condo. 
Pagdating ko sa condo niya  ay sinalubong ako ng mga malalamig na tingin ng barkada niya dahilan upang bumangon muli ang kaba sa aking dibdib. Why are they looking at me like I'm a fucking criminal?

"S-si Mile?" Nauutal kong tanong.

"May ginagawa pa hintayin mo nalang dito," matigas na sambit ni Reid pero hindi ko siya sinunod. Dali-dali akong lumakad patungong silid ni Mile at hindi ko inaasahang tatayo silang lahat para lang pipigilan ako.

"Ano ba! Bitiwan niyo ko!Bakit niyo ko pinipigilan makita si Mile!" sigaw ko sa kanila habang pilit tinatanggal ang mga kamay nilang pumipigil sakin. May gusto silang itago sa akin at may ideya na ako kung ano iyon.

"Mile ano ba!Lumabas ka diyan!"

Hindi ko namalayang bumuhos na pala ang kanina pang luhang tinitiis ko.

"Mile!Please!Ano bang tinatago mo sa akin?!Pwede ba bitawan niyo ko!" sigaw ko sa limang barkada niya pero mahigpit nila akong hinawakan. Kahit na  may nakikita akong awa sa mga mata nila. Bakit?Ano bang nangyayari?May ibang babae ba talaga siya?

And when the idea sink in, my knees kiss the floor. Napahawak ako sa aking dibdib habang patuloy sa paghagulgol. Hinayaan nalang din ako ng mga barkada ni Mile and I can see pity on their eyes.

"Nea!What happened?"Bigla akong napatigil ng marinig ang boses ni Mile. Nakabukas na pala ang kuwarto niya at humahangos itong  lumapit sa akin. He even carried me to his lap. Hindi ko alam pero napanatag ang loob ko ng bigla niya akong niyakap habang hinahaplos  ang buhok ko at pinapatahan.

"Ano bang problema?"

Doon ko lang napansin na nagsi-alisan na  ang  mga barkada niya. Maybe to give us privacy.

"Please Nea,ayokong may tinatago ka sa akin.Tell me what happened?" Aniya habang pinupunasan ang aking luha.

Gusto ko tuloy sapakin ang sarili ko dahil kanina'y pinag-iisipan ko pa siyang may ibang babae.

Hindi ko pa rin alam kung paano sasabihin sa kanya kaya naman sinalubong ko ang kanyang mga mata.

"L-Lets-" pero hindi ko pa natapos ang sasabihin dahil nagdadalawang-isip pa ako kung  tama ba 'tong sasabihin ko.

"Let's what?" Nakakunot-noong tanong nito.

"Let's make babies?"

---

A/N:This is my very first story. Salamat sa pagbabasa...

Let's Make Babies [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon