Nagising ako dahil sa sunod-sunod na katok mula sa pintuan. Napatingin ako sa labas ng bintana. Kulay kahel na ang langit. Hapon na pala.Dali-dali akong dumako sa pinto at binuksan ito. Isang dalagita ang nabungaran ko.
"Pinapatawag po kayo ng senyora upang kumain," malumanay nitong banggit.
"Susunod ako, aayusin ko lang ang sarili ko." Nakangiting saad ko sa dalagita.Tumango ito sa akin at nagpaalam na umalis.
Mahaba yata ang naitulog ko dahil hapon na. Lumapit ako sa bintana doon ko napagtantong malapit pala sa dagat ang mansyon. Bakit hindi ko napansin kanina?
Bumaba na ako at pumunta sa kusina. Naabutan ko si Tita Sally na naghihintay. Nagpakawala ako ng malaking hininga ng mapansing wala doon yung kambal ni Mile.
I don't know pakiramdam ko palaging delikado ang buhay ko kapag kasama siya. Lagi akong kinakabahan dahil baka anumang oras papatayin niya ako.
"Hindi na kita ginising kanina kasi alam kong pagod ka. Maupo kana at ng makakain na tayo. Siguro'y hindi makakasabay sa atin si Rile di pa siya bumabalik simula ng umalis siya kanina."
Ayos lang po yon di rin ako komportable kung nandito man siya.Of course di ko sasabihin yon.
"Siguro po'y naiirita siya sa akin dahil inakusahan ko ang kakambal niya ng ganon."
Dahilan ko umiling naman ang ginang.
"Hindi ganon si Rile. Maintindihin na tao iyon kaya nakakapagtataka lang na bigla na lang siya nagalit sa iyo kanina."
Napangiwi ako. I really smell something here. Talagang hindi ganon si Rile dahil malakas ang kutob kong si Mile yon. Alam kong nagpapanggap lang siyang kambal niya. The intense look and the way it moves. Pero imposibleng mangyari kung commando ito. Lampa si Mile.
Kaya baka nagkakamali lang ako. I just need to be sure kung si Mile man siya magso-sorry ako.
"Soleng tawagin mo na ang iyong iba pang kasamahan. Sabay-sabay na tayo maghapunan."
Nabaling ang atensyon ko sa ginang. Napansin kong simple lang ito manamit. I was also surprise by her attitude towards her helper. She's so kind.
"Saan po ang asawa niyo?"
I saw how her reaction turn sour na para bang ayaw pag-usapan ang tungkol sa asawa.Oww?
"Wala siya dito.Maybe to his mistress.Well babaer-"
"I'm from my business and not from a mistress lady!"
Napalingon ako sa malaking boses na nagsalita.
I saw a man in his business attire. May kaedaran narin ito but based on it's body that fine sculpted and a beautiful face na may konti nang wrinkles. I could say he was stunning and a little intimidating.
Minsan lang ako makakita ng mga lalaking may hitsura pa rin kahit nasa 40's na.
"Oh buti naman naisipan mo pang umuwi."
Pataray na saad ni tita Sally. Lihim akong napangiti dahil sa tuwang nararamdaman sa mga nakikita sa mag-asawa.
Dumako ang tingin ng asawa nito sa akin.Ngumiti naman ako.
"Hello po." Bati ko.
"Ikaw ang anak ni Alicia?"
Tanong nito at naglakad papunta sa amin.
"Opo."
Tumango-tango ito at lumapit sa kanyang asawa na hindi maipaliwanag ang mukha.Ngisi-ngisi ang matanda at dinampihan ng halik sa noo si tita Sally.
BINABASA MO ANG
Let's Make Babies [COMPLETED]
RomanceEven the owner wore a mask. Heart will always remember where it belongs to... Note: This story is a garbage.