Kabanata XII

139 3 0
                                    

Ilang araw na ang nakalipas ay heto ako balisa pa rin at nakatulala lang sa kwarto ko.Ni hindi ko na nga alam kung saan ako dinala ng kriminal na iyon.

Maya-maya pa dumating ang kasambahay na may dalang pagkain pero hindi ko siya pinansin at tinuring na hangin sa aking paningin.

Wala na si Rile...pero yung puso ko naniniwalang buhay pa siya.Naniniwala sa kayang gawin ng himala.Hindi matanggap ng sistema ko ang mga nangyari at unti-unti na namang nagsituluan ang mga luha ko.

Bakit kailangan pang mangyari yon.Bakit?

"Ahhhhhh!"

Napasigaw ako sa sakit ng biglang kumislot ang tiyan ko.Napahawak ako rito at taranta namang lumapit sa akin ang kasambahay.Nahihirapan akong huminga at unti-unting nandilim ang paningin ko pero bago pa man nawalan ng malay.I saw the face of the man I love...Rile.

---

Pagmulat ko ay mukha ni mama ang sumalubong sa akin.Teka paano siya nakapunta dito?

"Ohh,buti naman ay nagising kana.Pinag-alala mo ako ng sobra," naiiyak na sambit nito.Yinakap niya ako ng mahigpit.Doon ko napagtantong nasa hospital pala ako.I saw my devil father leaning on the door.I stared at him coldly hindi ko pa rin siya mapapatawad sa ginawa niya kay Rile.

"Hindi ko akalaing mararanasan mo ang ganitong hinagpis.Gusto kong dalhin ang lahat but I just can't,you're the one who hold your life," si mama.

"Don't worry mom.I just don't know if I can move on"

"Kasalanan ko toh,sana di nalang kita tinakas para buo sana ang pamilya natin at hindi nagkakagulo tulad nito"

Medyo naguguluhan ako sa sinabi ni mama pero nawala din yon nong nagsalita ang tao na iyon.I just can't call him as "father".

"Buti naman at inamin mong kasalanan mo ang lahat ng ito," deklara niya.Kumalas naman ng yakap si mama at hinarap siya.

"Yes I will admit my mistake but it's for Nea.Dahil kahit kaylan hindi ako magsising iniwan ka.Hinayaan mong mamatay ang kapatid ni Nea sa tingin mo makakayanan kong makasama ka.Nagkakamali ka"

Anong hinayaang mamatay ang kapatid ko?Patay na si Abby?

"Pi-pinatay niyo si Abby?" parang di makapaniwalang tanong ko sa kanya.

Lumingon sa akin si mama.

"Anong kinalaman ni Abby dito?" tanong niya rin sa akin.

Ang alam ni mama bestfriend ko si Abby.Oh wait.Kung ganon akala ba ni mama patay na ang kapatid ko kahit ang totoo si Abby ito.

Tinignan ko ang walang emosyong mukha ng umanoy papa ko.

"Sabihin mo ang lahat and also explained kung si Abby ba talaga ang kapatid ko.Siguro naman hindi mo ikakasira yon," bitaw ko.I saw a sudden pain flushes on his eyes pero kaagad din yong nawala at bumalik sa dati.

"See what you teach to our daughter.She's not even paying a respect to her own father," resbak niya ki mama.

At si mama naman na kanina pa naguguluhan hindi yata maka-move on sa part ni Abby ay sinamaan lang siya ng tingin.

"Hindi namatay si Mia Abbegail,ikaw itong over acting na may palayas layas pang nalalaman.Sinugod ko siya sa hospital and I feel glad ng naging stable ang condition niya.Ibabalita ko na sana sayo iyon pag-uwi ko but you're too dramatic wife kaya halos pasabugin ko ang bahay ng malamang lumayas ka kasama ang panganay nating anak.May nakapagsabi ding sumama ka sa ibang lalaki..."

Magsasalita pa sana siya pero sinugod siya ng suntok ni mama.

"Walang hiya ka!Naniwala ka naman!Inaksaya mo ang ilang taon for that reason.At ako pa talagang madrama?Ano bang inasahan mong mararamdaman ko nong makitang nag-aagaw buhay ang anak ko,magdiwang?Walang hiya ka talaga!Tapos dimo lang kami hinanap walang hiya ka talaga!"

Let's Make Babies [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon