Huling pahina
Nandito ako ngayon sa bayan.May bibilhin lang para sa kambal.Habang namimili pansin kong maraming tao sa plaza.Gusto ko din sanang makihalubilo kaso iniisip ko yung bibilhin ko kaya diko na ginawa.Pagpasok ko sa isang tindahan napahinto ako ng makita ang mukha kong nakaposter doon.
Napahawak ako sa bibig ko.Oh my god?
Wanted ako?
Wanted
Nea Raven
ThiefAnong magnanakaw?Magmamadali na sana akong umuwi pero may nakapansin na sa akin.
"Teka,Ms!Ikaw yung sa poster diba?"
Hindi ko na siya nilingon.Nagtuloy-tuloy na lang ako.Kailan pa ako naging magnanakaw.
"Hulihin ang kriminal na iyon!Siya yung babaeng magnanakaw!'
Napansin kong naagaw ang atensyon nila.Kaya naman bigla akong kinabahan.Dinalian ko pero huli na ng mapagtanto kong wala na akong takas sa mga taong gusto akong hulihin.
"Hindi ako magnanakaw!Wala akong kasalanan!"
Pero hindi sila nakinig.Hinawakan nila ang dalawang kamay ko.
"Hindi kami naniniwala sa iyo!Dalhin siya sa plaza ng makita ng lahat ang katulad niyang magnanakaw!"
God ano na naman ba itong ibinigay mo sa akin.
"Inuulit ko hindi ako magnanakaw at kaya ko yung patunayan.Basta bitiwan niyo lang ako.Hindi ako tatakas nakikiusap ako sa inyo"
Mukha namang naniniwala sila kaya binitiwan nila ako.
Papunta kami ngayon sa plaza.Halos nakapanood lang ang lahat ng tao sa amin.Walang emosyon sa mga titig nila.
Napalunok ako ng wala sa oras.
Pagdating sa plaza pinapunta nila ako sa entablado.
"Makinig kayo mga kababayan.Ang babaeng ito ang kumakalat na magnanakaw sa bayan natin!"
Nagsinghapan naman ang mga tao.
"Hindi totoo yang sinasabi mo!Inosente ako!"
Sigaw ko pero mukhang wala yata silang balak maniwala.
"Itali niyo yan!"
Anong itali?
Kinaladkad ako ng dalawang lalaki at pinaupo sa isang upuan.Tinalian din nila ang dalawa kong kamay.
"Teka lang!Parang awa niyo na wala talaga akong alam sa sinasabi niyo!"
Para akong maiiyak.Wala naman akong ginawa ah.Rile where are you?
"Siguradong mapapahiya ka kapag nagsidatingan ang mga commando.Ang lider pa nila ang ninakawan mo hah!Oh,ayan na pala sila"
At dumako ang tingin niya don ganon din ang nangyari sa akin.
Naka-unipormeng armadong lalaki ang dumating.Hinahanap ko si Rile coz I know that he's one of them.Nandito ba siya para iligtas ako.
Laking pasalamat ko ng makita ko siya sa hulihan pero nong magtama ang mata namin.Malamig na tingin lang ang ipinukol niya sa akin.What is that all about?
Naglinyahan ang lahat ng commando sa baba ng entablado.
Maliban sa kanya na malamig ang tingin sa akin.
"Kung sino mang nakahuli sa kanya.Nagpapasalamat ako ng lubos.Dahil hindi lubusang nakalayo ang magnanakaw na ito!"
Ano pati siya?Naniniwala don?
BINABASA MO ANG
Let's Make Babies [COMPLETED]
RomanceEven the owner wore a mask. Heart will always remember where it belongs to... Note: This story is a garbage.