Kabanata VIII

178 2 0
                                    


Isang linggo na ang lumipas pagkatapos mangyari ang pagkakamaling iyon. Ayoko siyang kausapin dahil wala akong planong magbigay ng commitment tungkol don. For me that's an accident and a one night stand.

Nagdesisyon akong iiwasan ko na siya. Ayoko ng mainvolve sa mga Patterson boys. Papaibigin ka pero sa huli sasaktan ka din naman pala.

Mile is a lesson and Rile is just a new challenge.

Ayoko ng sumugal pa muli dahil baka wala ng matira sa sarili ko dahil paulit-ulit nalang akong nasasaktan.

Akala ko mahihirapan akong iwasan siya pero nagpapasalamat  ako ng sobra ng mabalitaang may operation sila kaya mawawala daw ito.

Masaya na ako sa pagtuturo ko dahil kahit papaano nababago ko na rin ang ugali ng mga estudyante ko. Hindi ko alam kung anong nakain nila basta dumating nalang ang isang araw na masasabi kong matatawag na silang tunay na estudyante.

Break time non at parang feel kong pumunta ng canteen dahil nagcracrave ako sa mga kinakain nila. Simula kasi nong nagturo ako hindi pa ako nakakapunta ng canteen kaya hindi ko pa natitikman ang mga pagkain don.

Dito lang kasi yata makikita ang mga ganong pagkain.

Tatayo na sana ako para pumunta ng canteen ng may estudyanteng pumunta sa akin.

May nilapag siya sa lamesa ko.

"May nagpapabigay po ma'am. Sabi niya ang ganda niyo daw po."

At dali-daling lumabas ng office ang babaeng estudyante bago pa man ako makapagtanong.

Napatingin ako sa nilapag niya. Halos maglaway ako sa nakita.

Mga pagkain ngayon ko palang matitikman but it really looks yum.

Nagpapasalamat naman ako sa nagbigay. Himala at may admirer yata tayo self.

Masaya akong umuwi ngunit kapapasok ko palang ng pintuan ay napatigil ako sa paglalakad.

I saw Rile leaning on the sofa. Akala ko gising siya pero nakahinga ako ng maayos ng mapagtantong tulog siya.

He was on his uniform and trust me siya na ang pinakagwapong sundalong nakita ko sa buong buhay ko.

But it can't change the fact that I couldn't love him.We're just not meant to be okay?

Maybe he's tired from his job dahil hindi ganon kadali ang pagiging sundalo or should I say commando. They been sacrificing their lives in the name of our country.

Kaya naman dahan-dahan akong naglakad paalis ron. Buti nalang ay naka-akyat at nakarating ako sa kwarto ng walang nangyari.Ah so gusto ko ng may mangyari?No!!!

Binaba ko ang gamit ko sa kama at unti-unti na sana akong maghubad pero halos mapatalon ako sa gulat dahil nong pagharap ko sa direksyon ng pintuan kung saan ang dalawang kamay ko ay naangat na ang polo shirt. Doon ko nasilayan ang lalaking prenteng nakasandal sa pintuan habang nakacross-armed.

Muntik na akong magmura dahil sa gulat. Dali-dali kong binaba ang hawak na damit dahil kita na non ang kalahati ng dibdib ko.

He just stare at me coldly. Ano na naman bang problema niya.

"Anong kailangan mo?"

Kalmado kong tanong. I'm a teacher kaya kailangan kong umaktong propesyonal at edukada.

Hindi lahat nadadaan sa sigaw at pagsusuplada.

"How are you?" Pangangamusta niya but still there's no emotion on his eyes kaya para akong natakot bigla.

Let's Make Babies [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon