Parang nagunaw ang mundo ni Xander.May video nga! Kitang-kita niya kung panu nag-enjoy si Toni sa limang lalaki na kasama nito sa video.Nabitawan niya ang cellphone.Hindi na makaya ni Xander na tapusin pa ang video scandal.Para siyang natulala.Bigla siyang sumigaw at pinagwawasak ang lahat ng mga gamit sa loob ng condo nila.Sa ayos ng condo nila ngayon ay iisipin mo na nilooban sila.Hindi mapigil ni Xander ang mga luha sa kumawala sa mg mata niya.Nagngingitngit ang loob niya sa galit!
"Sinungaling ka! Bakit mo 'ko niloko!Bakit mo nagawa sakin 'to!? aaah!" ang pinagsisigaw ni Xander sa loob ng sasakyan.Pinagsusuntok niya ang kanyang manibela.Mabilis ang takbo ng kanyang kotse hindi alintana ang ibang sasakyan.Parang nawawala na siya sa sarili ng mga oras na 'yon.Hindi niya napansin ang malaking truck nang bigla siyang lumiko...
( "ipangako mo sakin na ako lang ang una'huling mamahalin mo?"
"oo naman,pangako yan sayo...")
ang tanging naalala ni Xander bago siya mawalan ng ulirat.Tumutulo ang kanyang mga luha habang ina-assist siya ng mga doctor at nurses.
"Bakit kaya wala pa si Xander?tanong ng mama at papa ni Xander.
"Kanina ko pa po siya tinatawagan pero hindi sinasagot."sabi ni Toni.Naging usap-usapan na sa loob ang hindi pa pagdating ni Xander.Si Megan ay malakas ang masamang kutob na may nangyari.Kanina pa siya kinakabahan.Sa isang banda,iniisip niya na nagising na siguro si Xander sa kahibangan nito at babalikan na siya.Pero may hindi siya maipaliwanag na nararamdaman.Ganun din si Toni.Kinakabahan siya.
"Yes,hello?ito nga po ang mama ni Xander...what!?"ang sagot ng mama ni Xander sa phone.Hinimatay ito.
"Darling! Darling!" Nag-aalalang asawa nito.Kinuha ni Toni ang phone at galing sa Hospital ang tawag.Hindi siya makapaniwala.
Wasak ang sasakyan ni Xander dahil sa lakas ng pagkakasemplang nito sa truck.ayun sa nakakita walang kasalanan ang driver ng truck dahil si Xander ang bumangga.Nasa Funeral home na ang bangkay ni Xander ng magpasya siyang umuwi na muna.Nagpaalam siya sa mga magulang ni Xander.Umuwi siyang tulala at guilty.Pagka-uwi niya sa bahay nagulat sa magulong mga gamit.Akala niya nilooban sila pero wala naman nawala.Pumasok siya sa kwarto nila ni Xander at may nasagi ang paa niya.Nakita niya ang kanyang cellphone,bukas! Tinignan niya kung ano ang naka "ON" media player nito.Halos lumuwa ang mata niya ng makita ang sex orgy nila!
*itutuloy...