KALEEL
(FLASHBACK WHEN KALEEL AND KENDRA MET)
"Anak! Gumising ka na diyan at aalis tayo!"
Sigaw ni mama sa may pintuan ko, nag talukbong ako ng kumot. Gusto ko pang matulog ayokong sumama kay mama.
"Ayoko mama! Dito lang ako!"sigaw ko.
Kinalabog naman ni mama yung pinto ko. Napatakip na lang ako ng tenga.
"Hindi pwede! Wala kang kasama dito sa bahay!"sabi ni mama.
Tumayo ako ng kama, binuksan ko yung pinto. At nakita ko si mama na naka pameywang.
Pumasok siya, tapos piningot niya ko sa tenga.
"Aray ko naman mama!"reklamo ko
"Ikaw bata ka, wag kang tamad! Sasama ka sakin sa ayaw at sa gusto mo! Maligo ka na."sabi ni mama saakin, sabay bitaw niya sa tenga ko.
Napasimangot ako, at napahawak sa tenga ko. Ang sakit ng pingot ni mama nakakainis.
Lumabas na si mama, nag punta na ko sa cr at naligo na ko. After mga 30 minutes sa cr, lumabas na ko, narinig ko yung sigaw ni mama sa labas.
"KALEEL DASHIELL FORD! UBOD KA NG BAGAL! MALELATE AKO SAYO!"sigaw ni mama sa baba.
Binilisan ko yung pag bibihis, pagka bihis ko bumaba na ako, pagka baba ko. Nakita ko si mama na nakakunot na yung noo sa sobrang inis saakin.
"Napaka bagal mo! Halika na nga!"sabi ni mama.
Lumabas na kami ng bahay, sinara na ni mama yung gate. Tapos nag tawag siya ng tricycle, maya-maya dumating na yung tricycle sumakay na kami.
Ako nga pala si Kaleel Dashiell Ford, 12 years old, ang mama ko ay si Mama Kaela, nanggaling ako sa broken family.
Nong pinag bubuntis ako ni mama, sasabihin niya sana kay papa, kaya lang nakita niya si papa non sa bahay nila na may kalampungan na babae, nakipag break si mama kay papa, tapos mag isa niya akong tinaguyod.
Nalaman na lang ni mama na pera lang habol ni papa sakaniya noong nag komprontahan sila. Kaya nag pakalayo-layo si mama, malayo sa mayaman na buhay niya.
Natigil lang ako sa malalim na pag iisip ko ng kalabitin ako ni mama, napatingin ako sakaniya.
"Andito na tayo, baba na."sabi sa akin ni mama.
Bumaba na ako, pagka baba ko umalis na yung tricycle. Dali-dali na kaming pumasok ni mama sa hospital.
Pag pasok namin sa hospital, dumiretso agad si mama sa may nurse station, nilapag niya yung mga gamit niya doon.
"Halika na, puntahan na natin si kendra."sabi ni mama.
Tumango na lang ako, hindi na ako nag tanong ng madami, hinawakan na ni mama kamay ko tapos nag lakad na kami.
Mga ilang seconds lang nakadating din agad kami sa room ng babae, agad kumatok si mama, maya-maya pinag buksan siya ng lalaking nasa mid 40s, siguro tatay nung babae.
"Oh, kaela andiyan ka na pala, pasok kayo."sabi ng tatay nung babae.
Nilakihan ng tatay nung babae yung siwang ng pinto para makapasok kami ni mama, ng makapasok kami nakita ko yung babae nakaupo sa kama niya at nanonood.
Napatingin siya dito, i froze when she smiled at me. Parang nawala lahat ng tao sa paligid ko, yung ngiti niya lang yung nakikita ko, bumilis din yung tibok ng puso ko.
She's gorgeous, bakit nakakita ako ng goddess bigla? Pwede bang habang buhay ko na lang siya titigan?
Nabalik lang ako sa katinuan nung hinawakan ni mama kamay ko, at nakangiting pinakilala niya ako sa mga magulang ng babae.
Ngumiti saakin yung mama nung babae, atsaka ako hinawakan sa dalawa kong kamay.
"Hi kaleel! Ako nga pala si cheska mama ni kendra, but you can call me tita cheska."pag papakilala nung mama ng babae.
Tinuro ni tita cheska yung asawa niya, na kasalukuyang nakikipag usap sa babae na kumakain ng cookies.
"Ayan naman si tito carlo, asawa ko tatay ni kendra."sabi ni tita cheska.
Tumango-tango na lang ako, maya-maya, niyaya ni tita cheska si mama at tito carlo na lumabas muna, mag uusap daw sila.
Nag paalam muna sakin si mama at sinabi niyang dito muna ko, ng lumabas na sila napatitig na lang ako sa kawalan, paano na 'to?
Nagulat na lang ako ng nasa tabi ko na yung babae, at nakangiti siya habang hawak yung cookies na kinakain niya.
"Hi! I'm kendra! Gusto mo ng cookies?"masiglang sabi niya.
Kumuha siya ng cookies sa garapon at inabot saakin ang isa, kinuha ko naman yon.
"Salamat."sabi ko.
Umupo siya sa tabi ko at humarap saakin.
"Anong pangalan mo?"masiglang tanong niya.
"Kaleel."sabi ko.
Mga ilang minuto kaming tahimik, maya-maya binasag niya yung katahimikan.
"Kukwentuhan kita ha? Makinig ka lang."sabi ni kendra.
Tunango-tango ako.
"7 years old ako nung nag ka leukemia, at simula non naging pangalawang tahanan ko na etong hospital, naniniwala kasi sila mama na maagapan yung leukemia ko."panimula niyang kwento.
Bumuntong hininga muna siya bago nagsimula ulit.
"May mga kaibigan ako noon, ang saya-saya namin magkakaibigan non, pero dumating sa point na araw-araw ko na silang nakakalimutan, nagalit sila hindi nila ako kinausap, sinubukan kong ipaliwanag yung sakit ko pero hindi nila ako pinakinggan, alam mo yung masakit? Iniwan nila ako lahat."mahabang kwento ni kendra.
Napatingin ako sakaniya, nakita kong nag patakan yung luha niya, dali-dali kong kinuha yung panyo sa bulsa ko at binigay sakaniya, tinanggap naman niya ito.
"Sa dami-dami ng pwedeng magkasakit ng leukemia, bakit ako pa? Ang daming masasamang tao diyan, bakit hindi na lang sila yung nagkasakit? Bakit ako pa na gustong mamuhay ng normal? Ano bang nagawa kong kasalanan para makarma ako ng ganito? Ayoko pang mawala."umiiyak na sabi niya.
Tumingin siya saakin sa lumuluhang mga mata niya.
"Habang dumadaan ang araw, lagi akong natatakot at nangangamba na baka may makalimutan ako na ikamatay ko."sabi niya.
Hindi ko alam, pero kusa ko na lang siyang niyakap at hinayaan mabasa yung damit ko.
"Magiging kaibigan mo na ko."bulong ko sakaniya.
Natigil siya sa pag iyak, at tumingin saakin sa may nag aalalang mata.
"P-pero baka makalimutan kita araw-araw."sabi niya.
Umiling ako, i cupped her face then wipe her tears.
"Araw-araw kong ipapaalala sayo kung sino ako, hindi ako magsasawa."sabi ko.
Ngumiti siya ng abot mata.
"Pero mangako ka saakin na lalaban ka?"sabi ko.
Tumango-tango siya at tinaas yung kamay niya.
"Lalaban ako, promise!"masiglang sabi niya.
Niyakap niya ako ng mahigpit, let me wipe your worries and fears away.