KENDRA'S POV
Naalimpungatan ako dahil sa katok na nagmumula sa aking pinto, napatingin ako sa kaliwa ko. Wala na si Kaleel doon siguro umuwi na.
Napatingin ulit ako sa pinto.
"Come in!"sabi ko.
Dahan-dahan bumukas ang pinto at niluwal nito si Manang Auring, nginitian niya ako, atsaka lumapit saakin.
"Anak, andito yung lolo, lola at mama ni kaleel, pati lolo at lola mo andito."sabi saakin ni Manang.
Napaupo ako sa kama ko.
"Ano pong ginagawa nila dito?"tanong ko.
"Sa kumpanya niyo yata."sabi ni Manang.
Tumango ako. Tinignan ko ulit si Manang.
"Asan po sila?"tanong ko.
"Nasa kusina anak."sabi ni Manang.
"Pupunta po ako doon."sabi ko.
Napatingin saakin si manang at umiling.
"Pero kailangan mong mahiga, anak. At baka ano mangyari sayo."sabi ni manang.
Nginitian ko si Manang.
"Okay lang po ako."sabi ko.
Tumango si Manang.
"Kaya mo na ba maglakad? Papadala ko ba wheelchair mo dito?"manang asked.
"Paki padala po yung wheelchair manang, nanghihina pa po ako e."sabi ko.
Tumango si Manang at kinuha yung wheelchair ko sa tabi, inayos niya ito. Ng maayos na inalalayan
"Gusto mo ba mag tawag ako ng nurse mo na nasa baba?"tanong ni manang.
Umiling ako. Niyakap ko bewang ni manang tsaka umiyak.
"Manang, isasama ko po kayo sa bahay ko ayoko na po dito."umiiyak ko na sabi.
Lumuhod si Manang para mag kapantay kami. Pinunasan niya luha ko.
"Pero anak, mas safe ka dito kasi madaming tao."sabi ni Manang.
"Wala po akong pake, titira po ako sa bahay ko, basta wag lang po dito saamin papalipasin ko lang po galit ko kay Mommy. At ayoko po siyang makasama na may ibang pamilya."sabi ko.
Meron naman akong sariling banko, nadadagdagan yung pera doon kapag may nag iinvest o bumibili ng product sa kumpanya namin napupunta sa bangko namin. Naghahalaga ng million yon.
Pwede akong kumuha doon para matulungan ko si Manang Auring, at para maitaguyod ko ang sarili ko kung sakaling wala na ako dito, tsaka may Mansion akong pinagawa na hindi nila alam, at kahit malaki yon gusto ko si Manang Auring lang kasambahay doon.
Tumango na lang si Manang Auring tsaka hinawakan kamay ko.
"Sige, pero sa ngayon. Makisama ka muna sakanila, anak."sabi ni Manang.
Tumango ako, nag paalam na si manang Auring na lalabas, ako naman nahiga sa kama.
Ayoko na dito saamin, ayoko muna sila makita.