KENDRA
Pagkatapos akong isurprise ni kaleel, kumain na kami, after naming kumain bumalik na kami sa klase namin, tinapos lang namin yung klase.
Hinintay ko na si Kaleel sa may waiting area, maya-maya nakita ko siya na naglalakad na.
Sinalubong ko siya, at niyakap ko siya.
"Hintayin natin driver mo love."sabi ni kaleel.
Tumango naman ako, nag lakad na kaming dalawa papunta sa gate, hinawakan niya kamay ko habang nakatayo kami sa gilid ng gate.
"Love?"tawag saakin ni kaleel, habang iniintertwine kamay namin.
"Yes?"tugon ko.
"Ilan gusto mong anak, pag dumating yung araw?"tanong ni kaleel.
Napa-isip ako. Anak? Gusto kong magkaanak kaya lang, mukhang impossible yun kasi may sakit ako. I sighed.
"Sana love, magdala pa ko ng anak natin, kaso mukhang impossible yun e. May sakit ako."sabi ko.
Humarap siya saakin, then kaleel cupped my face and kissed me on my forehead.
"Gagaling ka soon, okay?"sabi ni kaleel.
Tumango naman ako at nginitian siya.
"I love you."sabi ko.
Kiniss niya ko sa ilong tapos sa lips, tas niyakap niya ako.
"I love you too."sabi ni kaleel.
I thank God, kasi binigyan niya ako ng rason para lumaban pa sa sakit ko, at yon ay si kaleel. Hindi ko alam kung anong mangyayari sakin kung wala siya sa buhay ko, siya lang mamahalin ko hanggang sa mawalan ako ng buhay sa mundong to.
Maya-maya may dumating na sasakyan na kulay white, kumalas na ako kay kael at nagmamadaling pumunta sa sasakyan, sasakay na sana ako kaya lang hinila ako ni kael papalapit sakaniya.
"Love, black kulay ng sasakyan niyo."sabi ni kael.
Nginitian ko na lang siya ng malungkot, si kael yung nag papaalala saakin ng lahat ng bagay pag nakakalimot ako.
"Sorry love."sabi ko.
He kissed the top of my head.
"Sshh, okay lang love, hindi mo kasalanan 'yon. Hindi ako magsasawang paalalahanin sayo yung bagay na nakakalimutan mo."sabi ni kaleel.
Niyakap ko siya. Ang swerte ko kay kaleel sobra. Maya-maya dumating na yung sundo ko, kumalas na ako kay kaleel.
He kissed my forehead tapos sa lips.
"Text me when you got home, okay?"he said.
Tumango ako.
"Opo."sabi ko.
Sumakay na ako ng sasakyan, kaleel smiled at me then mouthed 'i love you.' Then close the door.
KALEEL
Pagka alis ni kendra, nag para na ko ng wheeler since kabilang kanto lang naman bahay namin, maya-maya dumating na yung wheeler sa harap ko, sumakay na ko.
"Sir, saan po?"manong.
"Sa kabilang kanto lang po manong, sa may apartment."sabi ko.
Tumango naman si manong at nag drive na, habang nag da-drive siya kinuha ko yung phone ko at tinext si kendra.
Me:
Nakauwi ka na?
Maya-maya nag reply siya.
Misis ko:
Kakaalis ko lang love haha uwi agad?
Me:
Sabihin mo kay manong love paliparin niya kotse para makapag pahinga ka na.
After 3 minutes nagreply siya.
Misis ko:
Sira ka love! Gusto mong mabangga kami ha?
Me:
Joke lang po misis ko, wag gagalit i love you!
Misis ko:
Hmp, i love you too!
Me:
Malapit na ko saamin love, text ka na lang pag nakauwi ka na ha?
Misis ko:
Opo.
Pinatay ko na yung phone ko, tumigil na si manong sa may apartment bumaba naman ako, pagkababa ko nakita ko si mama na may kaaway na lalaki.
"Wala kang anak sakin! Wala! Umalis ka na!"galit na sabi ni mama.
Nakapamulsa lang yung lalaki.
"Alam ko naman na may nangyari saatin, at alam kong may nabuo."kalmang sabi ng lalaki.
"Wala! Walang nabuo! Umiinom ako ng pills para pigilan pag bubuntis ko, umalis ka na! Napaka dumi mong lalaki! Nakakadiri ka."nandidiring sabi ni mama.
Unti-unti akong lumapit kay mama para pakalmahin siya, napatingin saakin yung lalaki na nasa mid 40's.
"Yan na ba anak ko?"tanong nung lalaki.
Hinawakan ni mama yung kamay ko.
"Wala kang anak saakin! At hindi mo 'to anak! Kaya umalis ka na!"sabi ni mama.
Tapos sinaraduhan niya ng gate yung lalaki, pumasok na kami ni mama sa loob.
"Yung lalaking yun anak, papa mo yon."basag ni mama sa katahimikan.
"Eh bakit niyo po sinabing wala ka pong anak sakaniya?"tanong ko.
Napa buntong hininga siya at hinawakan kamay ko.
"Kasi napaka dumi niyang lalaki anak, nung nag bubuntis ako sayo at hiwalay na kami ng papa mo, nalaman ko na lang na habang kami pa nakikipag talik siya sa kung sino-sinong babae sa bar."kwento ni mama.
"At ikaw anak? Gagamitin ka lang niya para pahirapan buhay mo, ayokong mangyari yon sa'yo, at ayokong mawala ka sakin."sabi ni mama.
Niyakap ko si mama ng mahigpit.
"Hinding-hindi po ako mawawala sainyo, mama."sabi ko.
Mama hug me tight, tapos kumalas na siya agad ng yakap sakin.
"Sige na anak, magpahinga ka na alam ko pagod ka."mama said.
Tumango naman ako pumunta na ako sa kwarto ko, nag bihis na ako at nahiga sa kama.
Kinuha ko yung phone ko at may messages ni kendra, binasa ko ito.
Misis ko:
Nakauwi na po ako!
Binasa ko pa yung isa niyang messages.
Misis ko:
Nakauwi ka na ba? Pahinga ka ha? Papahinga na din ako. I love you!
Misis ko:
I love you, i miss you mister kooo~
Napangiti ako habang binabasa ko messages niya.
Me:
I love you too, misis ko. Rest well.
I turned off my phone, tapos natulog na ako.