KALEEL DASHIELL'S POV
Noong binaba ni Kendra yung phone niya, hindi ko alam, pero nag simula na kong kabahan. Sinubukan ko ulit siya tawagin pero hindi siya sumasagot.
"Kendra, sagutin mo naman."Sabi ko.
Naka ilang ring na ako, pero hindi niya pa din sinasagot. Maya-maya, nakita kong tumatawag si tito carlo. Sinagot ko agad ito.
"Hello, tito?"bungad ko.
"Kaleel! Si Kendra, sinugod namin sa hospital."natatarantang sabi ni tito.
Napatigil ako.
"A-ano po? Bakit po?"sabi mo.
"Kasi tumalon siya bigla sa may veranda niya, buti na lang at nakita agad ni manang."sabi ni tito.
"A-ah, saan po hospital tito?"tanong ko.
"Dito sa may Ford Medical Hospital."sabi ni tito.
Binaba ko na agad yung call sa sobrang taranta, kinuha ko na yung susi ng kotse namin sa lamesa ko, tapos dali-dali akong tumakbo papalabas.
Pagka labas ko, sumakay na ako ng kotse ko at pinaharurot ito. Habang pinapaandar ko yung kotse ko biglang may tumulo na luha sa pisngi ko.
Dali-dali ko itong pinunasan atsaka nag focus sa pag dadrive. 'Yung Ford hospital nga pala pag aari ng family ni mama, at nag hahandle non sila lolo at lola.
Dalawa mag kakapatid sila Mommy, si Tito Hermes tas si mommy. Si tito Hermes yung panganay may tatlong anak siya, tapos yung asawa niya si tita Errin. Dalawang lalaking kambal at isang babae yung anak nila si Kiro tapos si Kleo tapos yung babae si Kyleen.
Ng andito na ko sa hospital, dali-dali akong nag park. Pagka park ko, lumabas na ako sa kotse ko at tumakbo na papasok.
Ng makapunta ako sa nurse station tinanong ko ano room ni Kendra.
"Uh, wala pa po yung pasyente sa room niya nasa operating room pa po."sabi nung nurse.
Napatango na lang ako, tapos tumakbo na papunta sa operating room, nang malapit na ako nag lakad na ako.
"Kasalanan mo 'to. Cheska! Sana hindi mo ko niloko at ginamit. Edi sana hindi magkaka ganito anak natin, pinatay mo na si Chase pagka panganak nilang dalawa ni Kendra sa kagustuhan mong ipaabort sila dahil kumpanya lang naman ang habol niyo. Nakaligtas pa si Kendra. Itira mo na lang sakin si Kendra, maawa ka."pagsusumamo ni Tito Carlo.
Sakto may lumabas na doctor na galing sa operating room, napatayo bigla si tito carlo.
"Doc, ano po nangyari? Kamusta po anak ko?"Tanong ni tito carlo.
Napailing si doc.
"50/50 po buhay niya. At comatose po siya."sabi ni doc.
"Mostly kasi naapektuhan yung ulo niya, maswerte po kayo lumalaban pa po siya."dugtong pa ni doc sa sinabi niya.
Natulala na lang kami sa sinabi ni Doc, kaya nag excuse na siya saamin.
Narinig ko na dinala na siya sa icu. Kaya nag suot na kami ng kulay blue na damit tapos yung gloves tas mask tas yung sa buhok.
Kami lang ni tito carlo pumasok pinaalis na niya si tita cheska.
Naupo si Tito sa gilid ni Kendra atsaka siya niyakap ng mahigpit.
Naluha na din ako, sobrang sakit na makita si Kendra na ganito madaming nakadikit sakaniya tapos may benda yung ulo niya.
"Anak, lumaban ka. Kailangan ka ni papa, anak."nag susumamong sabi ni tito.
Hinimas-himas ni tito yung buhok ni Kendra.
"Anak, gumising ka na diyan. I promise, dadalhin kita sa Japan, diba gusto mo pumunta doon? Diba, anak? Gumising ka na parang awa mo na. Ikaw na lang ang natitira saakin."sabi ni tito.
Pinahid ko yung luha ko atsaka ako lumabas. Pagka labas ko, sinuntok-suntok ko yung pader tapos bumuhos na yung luha ko.
Lord, bakit sa girlfriend ko pa po to nangyayari? Madami pong masasamang tao diyan, bakit hindi na lang po sila? Bakit po yung girlfriend ko pa po na ubod ng bait?
Sa kakasuntok ko sa pader naramdaman ko na may yumakap sa likod ko.
"Anak, 'wag mong saktan sarili mo, please?"naiiyak na sabi din ni Mama.
Dali-dali akong humarap sakaniya tapos niyakap siya ng mahigpit.
"Mama, si Kendra po, mama."hagulgol ko.
Hinagod-hagod ni mama yung likod ko.
"Mama, ang sakit mama."iyak ko.
"Sshh, anak, pahinga ka muna. Gabi na kailangan mo muna matulog."sabi ni mama.
Kumalas muna ako kay mama. Tsaka ko siya hinarap.
"Sa icu po ako matutulog, ma. Babantayan ko po si Kendra."sabi ko.
Nginitian na lang ako ni mama atsaka ako tinanguan, nag paalam na ako na papasok na sa icu.
Hinawakan ko yung balikat ni tito, napatingin naman siya saakin tsaka pinunasan yung luha niya.
"Tito, ako na lang muna po mag babantay kay Kendra, uwi muna po kayo."sabi ko.
Napatango naman si tito, tapos tumayo na siya atsaka hinalikan sa noo si Kendra.
"Mabuti pa nga, alagaan mo ng mabuti si Kendra ha?"bilin ni tito.
Tumango ako, tinapik ni tito ang balikat ko, atsaka na siya lumabas. Naupo ako sa tabi ni Kendra.
Hinawakan ko yung kamay niya, muli. Tumulo yung mga luha ko.
"Love, bakit hindi ka nag sabi ng problema mo? Bakit tinapos mo yung sarili mo? Ang daya-daya mo naman."sabi ko habang humihikbi.
Hinimas-himas ko yung buhok niya.
"Pagaling ka mahal ko, kaya mo yan. Hihintayin kitang magising, damn. Hinfi ko kayang mawala ka sakin, ikakamatay ko Kendra."sabi ko.
Hinalikan ko yung noo niya, sa kakaiyak ko. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.