Hi, i just want to thank everyone, salamat po sa 235 na tao na nag babasa po ng story ko! Ang bilis niyo, nagugulat ako kasi ang bilis niyo umusad, since madami na kayo, naisipan ko na mag update agad. So ayun, enjoy reading!
~•~•~•~•~•~•~•~•~•~
KENDRA'S POV
Naalimpungatan ako dahil ginigising ako ni Manang, kinusot ko mata ko atsaka naupo, nginitian ako ni manang.
"Anak, bumangon ka na diyan. Kumain ka muna, baba ka na doon."sabi ni manang.
Napatingin ako kay manang.
"Andon pa po ba sila?"tanong ko kay manang.
Napatigil si manang, atsaka siya malungkot na napangiti saakin.
"Oo, anak. Pati yung attorney na hinire ng lolo at lola mo na mag papapirma ng divorce paper sa mama at papa mo."sabi ni manang.
Parang na bagsakan ako ng langit at lupa, napatingin na lang ako sa baba tsaka malungkot na ngumiti.
Ayos lang 'yan, Kendra. Magiging maayos din ang lahat.
Nginitian ko na lang si Manang, atsaka na siya niyaya lumabas. Habang pababa kami ng hagdan, naririnig ko ang hagikgikan nila.
"I'm so happy, dad! Finally! Mag babalikan na kayo ni mom."
Rinig kong sabi ni Ate Thalia habang papalapit na kami sa kusina.
Nang pumasok na kami sa kusina, napatigil lahat sila. Dire-diretso lang lakad ko papunta sa maid na nakabantay sakanila.
"Please bring my food at the garden, i will eat there. Thank you!"sabi ko.
"Anak---"
Hindi na natuloy ni mom ang sasabihin niya dahil dumiretso na ako sa garden.
"Oo nga pala anak, nakaalis na si Kaleel, hindi ka na ginising para daw makapag pahinga ka."sabi ni manang.
Napatango na lang ako, mamaya ko na lang siguro itetext si Kaleel.
Nang makarating na ako sa garden, sakto nasa bulsa ko lang yung phone ko, nailagay ko kanina. Kinuha ko ito tsaka tinext si Kaleel.
Me:
Hi, love! I'm awake.
Inilagay ko muna sa lamesa yung phone ko, mga ilang minuto nag beep yung phone ko.
Kaleel:
Hi, love. Kumain ka na ba? Gusto mo ba puntahan kita diyan?
Nag tipa ako ng irereply ko.
Me:
Nope, not yet. Kakain pa lang, and 'wag mo na 'ko puntahan. I will take some rest again after i eat.
Kaleel:
Okay, love. Eat well, and take care okay? I love you.
Me:
You too, take care. I love you most.
Pagka send ko ng message, pinatay ko na yung phone ko at nilagay na sa bulsa ko kasi may pagkain na sa lamesa.
Mabilisan na lang ako kumain. After kong kumain, umakyat ulit ako sa kwarto ko.
Pagka akyat ko, nakita ko na andon si Ate Thalia.
"Out."malamig kong sabi.
"Wait, Kendra. Let's talk."pigil ni ate thalia.
Pumunta ako sa kama ko tsaka naupo. Natawa ako ng konti.
"I don't have time for that, now, out."malamig na sabi ko ulit.
Napabuntong hininga si ate Thalia.
"Just so you know, we are not happy for this decision, too."sabi ni ate Thalia.
Tinignan ko siya. Tsaka ko tinawanan yung sinabi niya.
"Really? Hindi kayo masaya sa desisyon na 'to? Na magbabalikan si mama at si tito Terrence? Masaya ka, kumpleto na kayo e. Tas kami ni papa. Iiwan na ni mama."sabi ko.
Nginitian ko si ate. Atsaka ako tumayo tapos nilapitan siya.
"Sabagay, masaya din ako na mag hihiwalay si mama at papa kasi finally mawawala na yung taong pahirap sa buhay ng papa ko, yung taong ginamit lang si papa at yung pamilya niya para maisalba yung nalulugi niyong kumpanya."diretsahang sabi ko.
"Bawiin mo 'yang sinabi mo!"rinig kong sabi ni mama.
Nakita ko siyang naglakad malapit kay ate, akmang sasampalin niya ako pero hinawakan ko yung kamay ni mama.
"Bakit ko babawiin? Niloloko mo si papa noong kayo pa, obvious naman na ginagamit mo siya para sa kumpanya mong bulok na. Minahal ka ni papa pero ikaw? Ginamit mo siya."sabi ko habang nangingilid ang luha ko.
Pinunasan ko ito tsaka ko sila sinamaan ng tingin.
"Lumabas kayo dito! Hindi ko kayo pinapasok! Magsialis kayo!"sigaw ko sakanila.
Bago makaalis si Mama, tinawag ko siya. Napatigil naman siya.
"Remember this, wala na akong kikilalanin na ina, iisipin ko na lang patay ka na. Magpakasaya kayo."sabi ko.
Hindi na sumagot si mama, at lumabas na lang. Naiyak na lang ako. Akmang papasok na sana si daddy pero pinigilan muna ni manang. Tapos lumabas sila parehas.
Dali-dali akong tumakbo sa veranda ko, humagulgol ako ng iyak. Kinuha ko yung phone ko tsaka dinial yung number ni Kaleel.
Maya-maya sinagot na niya yung tawag ko.
"Love?"bungad ni kaleel.
"Mahal na mahal kita."sabi ko habang humihikbi.
"Love? Teka, anong nangyari?"nag aalalang tanong ni Kaleel.
"I want to hear you, saying you love me too, please."Sabi ko habang umiiyak.
"I-i love you, Kendra Ysabelle."sabi niya.
Napangiti ako, i hang up the phone tsaka nilagay sa lamesa.
Pumikit ako atsaka pinakiramdaman ko muna yung malamig na hangin na humahaplos sa balat ko.
"Kung mawawala man po ako sa mundong ito, Lord. Kayo na po bahala sa pamilya ko at kay Kaleel. At pasensya na po sa gagawin ko hindi ko na kaya po. Ang sakit sakit na po." sambit ko sa dasal ko. Habang umiiyak.
Pinikit ko na ang mata ko atsaka na tumalon sa veranda ko.
"KENDRA!"rinig kong sigaw, bago tuluyan akong lamunin ng dilim.