CHAPTER 4

28 1 0
                                    

KALEEL

Nagising ako dahil sa ingay sa labas, kinusot ko yung mata ko, tapos tumayo ako. Sinilip ko yung bintana at nakita ko na may truck sa harap ng bahay.

Yung harap ng bahay namin merong pinagawa na bahay doon, may lilipat daw yata na pamilya doon, well wala naman ako pake basta kausap ko lang si kendra ayos na ko.

Bumaba na ako, at nakita ko si mama na nagluluto. Lumapit ako sakaniya tsaka ko siya kiniss sa cheeks.

"Ma, kailan pa lilipat yung mga pamilya dito?"tanong ko.

Tumigil si mama sa paghahalo at nag isip saglit.

"Mamaya na yata, nak."sabi ni mama. Tas naghalo ulit ng pagkain.

"Istorbo sa tulog."sabi ko, sabay upo sa kusina.

Ginamit ko na lang laptop ni mama tsaka naglaro ng Y8, childhood memories. Yung jowa ko ayun tulog na tulog pa. Pag iniistorbo ko yun pag tulog di ako kakausapin non buong araw, ayoko namang mangyari yun.

Maya-maya, nilapag na ni mama yung mga pagkain. At natakam ako kasi beefsteak ulam tas fried rice.

"Kain na, anak."sabi ni mama.

Since, may plato na nakaready sa lamesa, kumuha na lang ako ng kanin. Maya-maya tapos na ko kumain. Pumanhik na ko sa taas.

Nag hilamos ako, tapos nag toothbrush mag jojogging ako sa buong village, pag tapos ko gawin mga ginagawa ko, lumabas na ko at nagsimulang mag jogging.

[AFTER 1 HOUR]

Nang magsawa na kong mag jogging, napagpasya ko ng umuwi, mga ilang lakad lang naman tapos bahay na namin.

Ng makarating ako sa bahay namin may nakita akong babaeng nakatayo sa bagong bahay. Nakita niya ko tas nginitian ako, tas lumapit sakin, nilahad niya kamay niya sakin.

"Uy! Hi! Bago lang kaming lipat dito! Uhm ako nga pala si Lorraine tawagin mo na lang akong rain."Sabi ni rain.

Kinuha ko yung kamay niya tsaka kami nag shake hands.

"Kaleel."matipid na sabi ko.

Nginitian niya ko. Tas inalis na namin yung pagkakashake hands namin.

"Uhm, pwede ka ba maging kaibigan?"sabi ni lorraine.

"Yeah."sabi ko.

"Ang cold mo naman."humahagikgik na sabi niya.

Natawa na lang ako ng konti. Since madaldal siya at kinukwentuhan niya ko napasali na din ako.

Natigil lang kami kasi tinawag na siya ng katulong nila na kakain na daw.

"Sige, nice talking to you! Sana next time ulit."sabi ni lorraine.

Tas pumasok na siya ng bahay nila. Ako naman pumasok na ako, pumunta ako sa kusina, at laking gulat ko na nandito si Kendra.

"Love?"sabi ko.

Lalapitan ko na sana siya at ikikiss sa cheeks, pero umiwas siya.

"Si tita lang pinunta ko dito."sabi niya.

Tas tunayo na siya at nagpaalam kay mama na aalis kiniss niya sa cheeks si mama, nginitian siya ni mama at tumango.

Naglakad na siya papalabas, pero hinila ko siya.

"Huy, love naman e, bakit?"tanong ko.

Tinaasan niya ko ng kilay, at inalis pagkakahawak ko.

"Bitawan mo ko, tangina ka. Nag eenjoy ka pa makipag kwentuhan sa babae samantalang sabi ko sayo kahapon, pupuntahan kita sainyo sabay tayo mag jogging."sabi ni kendra.

Yayakapin ko na sana siya, pero umiwas siya.

"Gago, buntisin mo na babae mo, may pa ngiti-ngiti ka pang nalalaman kanina."sabi ni Kendra.

Napakamot ako sa ulo ko, pag nagseselos si kendra namumura ako e. Tinatrashtalk.

"Love naman, sorry na. Nakipag kaibigan lang naman siya saakin"sabi ko.

"Pasabi-sabi ka pang wala kang kakausapin na babae tapos ngayon pala talkshit ka, pagong lang"
maniniwala sa sinasabi mo!"sabi ni kendra.

I chuckled.

"Edi pagong ka? Pagong kooo~"sabi ko.

Tinignan niya ko ng masama.

"Don ka sa babae mo tangina mo! Magbuntisan na kayo!"sabi ni kendra.

Lumapit ako sakaniya, at niyayakap siya magpupumiglas sana siya pero mas malakas ako sakaniya kaya nayakap ko talaga siya.

Kiniss ko tuktok ng ulo niya.

"Sorry na, kahit naman sinong kausapin kong babae, ikaw lang yung babaeng nakakuha ng puso ko."sabi ko.

Namula siya sa sinabi ko. Natawa ako tsaka kinurot ko pisngi niya.

"I love you."sabi ko.

Tinapik niya kamay ko para maalis sa pisngi niya, sinamaan niya ko ng tingin.

"I love you too, hmp!"sabi ni kendra.

Hinila ko na siya paupo sa sofa.

"Dito ka muna wag ka muna umuwi, maglabing-labi---- Aray ko!"sabi ko.

Sinapak niya kasi ako. So ayun nga nung andito siya gumawa kami ng anak--- este nanood lang kami ng movie, tas namasyal sa mall, tas balak ko siyang dalawin bukas.

Gabi na din nung nakauwi siya, hinatid ko na lang siya mahirap na baka marape siya ng mga gago sa tabi-tabi.

Humiga na ako sa kama tas tinext ko siya.

Misis ko:

Good night, misis ko. Dream of me, hmm? I love you. Dalaw ako bukas diyan mga hapon.

Pagka send ko, nakatulog na ko.

Bedridden Where stories live. Discover now