KALEEL
(PRESENT)
It's been 6 years, since me and kendra met. May mga times na nakakalimutan niya ako, pero hindi ako nag sasawang ipaalala sakaniya lahat, and yes sa loob ng anim na taon nanligaw ako sakaniya.
May mga times na away bati kami, at yun yung pinaka ayaw ko kasi nakakalimutan niya ko, kaya iniiwasan ko talaga na magkaroon ng away sa pagitan namin.
So, eto ako ngayon nag aayos ng sarili kasi papasok na ko, gusto ko sana mag absent ngayon para mapuntahan si kendra, pero mapapagalitan ako ni mama, magka cutting na lang siguro ako mamaya.
Kasalukuyan akong nag aayos ng sarili, ng may kumatok sa pintuan ko kaya napatingin ako.
"Anak, may bisita ka."sabi ni mama.
Napakunot ako ng noo, lumapit ako sa pintuan at binuksan. Nakita ko si mama na nakangiti.
"Sino ma? Wala akong naalalang inimbitahan ko ngayong umaga?"sabi ko.
Pero nakangiti pa din siya.
"Bilisan mo diyan at bumaba ka na masamang pinaghihintay ang bisita."sabi ni mama.
Tapos bumaba na siya, ako naman sumunod na kay mama, pag baba namin nakita ko si kendra na nakaupo at naka uniform na katulad saakin, tapos nag po-phone siya.
"Love?!"gulat na sabi ko.
Napatingin siya saakin, at ngumiti siya ng malapad.
"Loooove!"ani kendra, tapos tumakbo siya dito at yinakap ako.
I hug her tight also, damn i miss this girl so much.
"I miss you."i whispered to her.
"I miss you too."sabi niya.
Napakalas lang kami ng yakap ng tumikhim si mama.
"Mamaya na yan mga anak, malelate na kayong dalawa."sabi ni mama.
Tumango naman kami, i hold kendra's hand tapos nagpaalam na kami kay mama.
Since, andito naman yung driver nila kendra, doon na din ako sumakay sa kotse nila.
Pinagbuksan na kami ng driver, nginitian ko si manong robert.
"Good morning po, manong robert!"masiglang bati ko.
"Good morning din po, sir!"bati pabalik ni manong.
Sumakay na ko sa backseat, katabi si kendra, tapos sinarado na ni manong yung pintuan.
Habang di pa nakasakay si manong, nag nakaw ako ng halik kay kendra sa labi. Pinanlakihan niya ko ng mata.
"Love!"saway ni kendra.
Hindi ko siya pinansin, niyakap ko lang siya ng mahigpit.
"I love you."sabi ko.
She cupped my face then kissed my nose.
"I love you too."sabi niya.
Tumingin ako sakaniya, tapos hinalikan ko ulit siya sa labi, at niyakap.
"Damn, wag kang mawawala sakin love ha? Hindi ko kaya."sabi ko.
Kinurot niya ilong ko.
"Ikaw talaga! Hinding-hindi ako mawawala sa buhay ng mahal ko."sabi niya.
I hold her hands, tapos nagkwentuhan kami ng mga bagay-bagay. After mga 15 minutes ng biyahe, andito na kami sa Mendallion University, eto yung pinapasukan ko ng school simula nag highschool ako, dito din nag enroll si kendra, kasi request niya kila tito at tita na makaranas siya ng normal na buhay, pumayag naman sila tito at tita.