Chapter 3

77 59 0
                                    

"Bravelyn? Matulog kana alam kong pagod kana at oo nga pala bukas nalang natin pag-uusapan yung tungkol sa paglipat mo ng school".

" Okey KV good night at salamat".

Pinauna muna nya ako pumasok sa kwarto kaya ngumiti ako bilang paalam.

Masaya ako na makilala ko si KV dahil tinulungan niya ko sa lahat, pero gusto kong bumalik sa bahay baka hinanap nako ni Mama at ate naka nag-alala na sila. Sana bukas masabi ko kay KV to.

*Kinaumagahan*

Nagising ako at na pansin ko na nandito na ang uniform ng bago kong school kaya naligo na ako at nagbihis. At may kumatok sa pintoan kaya binuksan ko.

"Miss Bravelyn bumaba na daw po kayo". Sabi ng katulong.

" Ahh.. Oo po susunod nlng po ako".

"Sige po Miss".

Kinuha ko muna ang bag ko at tumingin sa salamin.
Kaya ko to AJA!
Bumaba na rin ako at naabotan ko sina Tito at Tita.

" Ohh.. Bravelyn ang ganda mo at bagay sayo ang uniform". Sabi ni Tita Chona.

"Good morning Tito, Tita Oo po salamat po". Sabi ko sabay ngiti.

" Oo nga pala eha umupo ka at kumain, nagbibihis pa si KV bababa rin yun". Sabi ni Tito.

"Okey po, Tito".

" Ang pangalan nga pala ng school mo eha Maxwell University si KV ng mag eexplain sayo at sasamahan ka niya sa magiging room mo".

"Okey po Tita salamat po ulit".

Di nagtagal bumaba na rin sa wakas si KV.

" Ang pogi talaga ng anak ko, KV bat ang tagal mo napapapogi kaba ha anak?". Sabay tawa ni tita.

"Ma naman pogi nato noon pa, ano kaba hahaha good morning Bravelyn".

" Ahm.. Good morning rin KV".

"Umupo kana KV baka malate kayo First day nyo pa naman". Sabi ni Tito.

Pagkatapos namin kumain nag paalam na kami kina Tito at Tita.
Sa sasakyan tahimik lang kami dalawa ni KV at nung nakita ko na ang gate ng Maxwell University namangha ako super laki pala to at private pa.

" Bravelyn e hahatid kita sa magiging room mo at ito pala schedule mo at pag uwi hihintayin mo ako sa room mo maliwanag?".

"Oo na KV para naman akong bata nito sabay tawa ko".

" At wag ka magmagtitiwala agad sa kaklase mo, di mo sila kilala okey?".

"Oo na po Boss KV maliwanag po". Sabi ko sakanya.

Hinatid nga ako ni KV Nailang ako dahil kilala pala si KV dito.

" So babalikan kita mamaya".

"Oo na Boss KV". Sabay ngiti ko.
Hunawakan niya ang pisngi ko at may binulong siya.

" Wag kang tumingin sa mga lalaki, sakin lang okey?" Sabay tawa niya.

"Tsk! Alis nanga! Chu!". Natawa lang siya habang kumindat bago umalis.

Pumasok na ko sa room at
Ito na nga naninibago ako dahil mayayaman ang nasa paligid ko parang di ako nababagay dito.
Kaya umupo ako sa pinakadulo dahil wala akong ka kilala umupo lng ako at nagmamasid sa bago kong mga kaklase at ng dumating na ang Professor umayos na ang lahat at tumahimik.

" So Good Morning class I'm William Lopez your new Professor for this school year so nice meeting you all".

"Good Morning Sir". Sabi naming lahat.

WHEN YOUR THE REASONWhere stories live. Discover now