Chapter 7

43 36 0
                                    

Pagkatapos ng gabing iyon ay umiiwas na ako palagi kay Kyle.
Palagi akong maagang gumising dahil ayaw kong makasabay sya at di nmn niya ko na pansin dahil busy rin sya sa basketball. At naging busy rin naman ako dahil maraming assignment at research paper na dapat kong gawin.

" Okey class, may project kayong gagawin by pair at kung sinong katabi niyo sya nayong magiging partner niyo".

Ano? Bat naman by pair pa? Pwede namang individual nalang. Tinignan ko ang katabi ko at nakikinig naman sya sa mga sinasabi ni ma'am.

" So ang project na ito ay dapat humanap kayo ng lugar na may problema at dapat niyong solusyonan ito". Nangsang-ayon naman ang mga kaklase ko sa project na sinabi ni ma'am at may kanya-kanya na silang partner at nag-uusap na ng kanilang concept sa kanilang project.

Nailang akong tumingin kay Gabriel at diko alam na naka tingin din pala sya sakin kinakabahan talaga ako pag makaharap sya, kaya nagsalita agad ako.

"So saang lugar tayo maghahanap ng problema?". Sabi kong na may pag-aalinlangan. Naiilang talaga ako sa kanya, kahit wala naman akong ginawa sa kanya.

" Hahanap muna tayo ng lugar kung san maraming tao at magtanong- tanong tayo kung ano ang problema nila sa kanilang lugar". Maseryoso niyang sabi.

I nod para sumang ayon sa desisyon niya

" Ahmm.. Cge pagkatapos ng klase humanap nalang tayo ng lugar na malapit dito para di na tayo lumayo".

Sumang ayon naman sya agad kaya wala na kaming masyadong pinag-uusapan, at okey nayon dahil di talaga akong mapakali pagkaharap sya. Ewan ko ba sa sarili ko iba kasi yung kaba ko siguro dahil na aw-awkward lang ako dahil diko sya pinapansin nung mga nakaraan at di rin naman niya ko kina-usap kaya siguro na awkward din siya.

Pagkatapos ng klase ay lumapit si Lovely at Sweety sakin.

"Ahmm.. Bravelyn uuna na kami ni Sweety". Sabi niya at tumingin din sa katabi ko.

Tinignan ko sya na may pagtataka? At nagtaas-baba naman ang kilay ni Sweety na parang sinasabi na "GO GIRL" lumandi ka diko sasabihin kay KV.

Tinignan ko sya ng masama at tumawa lang naman ang Gaga.

"Cge maghahanap pa kasi kami ng lugar ni Gab para sa project natin kay Ma'am Echavez". At agad rin naman silang umalis pagkatapos non.

I look Gab kung tapos na ba sya sa pagliligpit ng mga gamit niya.

" So tara na?". Sabi niya pagkapos sa pagliligpit at sumunod naman ako sa kanya palapas ng room.

Nauna sya at nasalikod lang ako habang sumusunod sa kanya, nilabas ko ang phone ko at nagtext agad ako kay Kyle na wag nakong sunduin at gagabihin ako dahil sa project nato. At bigla namang nag ring ang phone ko kaya na pagtingin si Gab sakin.
Kaya nag excuse muna ako sa kanya at nag nod lng sya.

Sinagot ko agad ang tawag ni KV.

"Hello? Ahmm.. Oo may project kasi kami kaya gagabihin ako Kyle, Oo dito lang naman sa School malapit". Di sana ako papayagan ni KV dahil gagabihin ako, pero sinabi ko nalang na kasama ko sina Sweety at Lovely para payagan ako. E te-text ko nalang si Sweety na sabihing magkasama kami pag nagtanong sya.

Diko nalang inisip na nagsisinungaling ako kay Kyle dahil di niya naman ako papayagan ko sabihin ko si Gabriel ang kasama ko dahil parang galit sya kay Gabriel. Diko rin alam kung bakit siguro magkakilala na sila noon pa.

Pagkatapos ng tawag ni Kyle ay agad kong binalikan si Gab pero wala na sya kaya hinanap ko, pa gabi na kaya medyo madilim na at pinag-ooff na ibang ilaw naglakad-lakad ako at laking gulat ko na ng may biglang humila sakin kaya na pa tili ako.

" AHHHHHH!" Tili ko at sumisigaw ng dahil sa gulat at may halong takot sa pag lingon ko ay si Gab lang pala at tumatawa lang ito na parang walang syang ginawa.

"Sh*t! Bwesit! Ka Gab! Walang hiya ka! Dika nakakatuwa!". Pinaghahampas ko sya at ang loko ay talagang tumatawa pa rin.

" A-a-aray tama na Bravelyn, n-nagbibiro lang ako, akala ko kasi ay dika magugulat". Iniiwasan niya ang paghahampas ko sa kanya.

Tinignan ko sya ng masama
" TALAGANG!MAGUGULAT AKO! Dahil ginulat mo ako GAGO KA!".
pinaghahampas ko pa rin sya kaya tudo ewas sya. Hinawakan niya kamay ko at tumingin sa mga mata ko.

"Sorry" maikling sabi niya, natamimi ako. Diko akalain na marunong pala syang mag sorry. Di sa panghuhusga,pero para kasi syang laking gulo. Siguro nga dahil diko ko talaga sya kilala kaya ganon.

Pagkatapos namen humanap ng problema ay sinabi niya agad na bukas nalang namen gawan ng solusyon at hinatid niya ko sa bahay nila KV. Di ko alam kong bakit alam niya kung san ang bahay ni KV, siguro talagang magkakilala talaga silang dalawa noon.

WHEN YOUR THE REASONWhere stories live. Discover now