Chapter 6

56 41 0
                                    

Nagdaan ang mga araw na nasanay na ako sa ugali ni Kyle palagi niya kong pinabantayan, pag lunch pupunta sya samin para sabay kaming kumain. Kahit malayo ang college building nila ay talagang pupunta para mabantayan ako. At di na ako ginugulo ni Gab at inaasar kahit magkatabi kami, halos parang hanging niya na rin ako sa kanya. Okey lang naman kahit ganito at least iwas ako sa gulo.

At Oo nga pala nandito kami sa Mall nina Sweety at Lovely gusto kasi nila na mag Girl bonding daw kami, daming kaikikan nitong dalawang to, dahil daw halos di ako papakawalan ni KV.

"Mabuti pinayagan ka ni KV na pumunta dito? E halos mag kamukha na kayo, sa kakadikit niya sayo". Naiinis na ani ni Sweety.

Natawa ako dahil naiinis talaga sya" Ewan ko nga sa lalaking yun eh? Ang higpit". Pagrereklamo ko.

"Alam mo itong si KV may gusto talaga nyan sayo, umamin na ba sya?". Pang-iintriga ni Lovely habang sinusondot-sondot ang gilid ng biwang ko.

" A-ahmm.. Hindi ah, di niya ko gusto". Nabubulol kong sabi.

Tinignan nila ako, kaya di ako tumingin sa kanilang nang-iintrigang mga mata.

"Nabubulol ka! Wag kanang magsinungaling samin Bravelyn! Alam namin na nagseselos si KV kay Gab pero diba gusto mo si Gab? Anong gagawin mo?".

" Ahm.. Wala akong gusto kay Gabriel ah!? Ano bang pinagsasabi nyo gan? At sinabihan ko na si Kyle na diko sya gusto". Totoong sabi ko.

"ANO? BENASTED MO SI KV?". Shock na sabi ni Sweety, ang OA niya talagang mag react.

" Sinabi ko lang naman ang totoong nararamdaman ko, Mali ba yun? At diko pa sya ganun ka ka kilala, nahihiya nga ako dahil nandon ako sa bahay nila at naiilang ako dahil ang bait-bait niya pa rin sakin". Hihiyang amin ko sa kanila.

"Alam mo Bravelyn nagugulohan ka pa ngayon, ang mabuti pa ay wag mo munang isipin yan at manuod nalang tayo ng sine".

" Oo nga Bravelyn isa pa sabihin mo lang samin, kung ano ang mga problema mo, alam kong may problema ka, at nagtataka kami kung bakit ka nakina KV ka nakatira kung di mo pa kanyang sabihin samin ngayon okey lang". Sincere na sabi ni Lovely at Ngumiti rin si Sweety.

"Diko pa maaasabi sa inyo ngayon, sorry". Ayaw ko pang sabihin sa kanila, dahil may pag-alinlangan pa ako.

" Ano kaba okey lang yan, di naman kami nagmamadali isa pa mag kaibigan na tayo ninyo wala dapat tayong secret sa isa't- isa ".
At niyakap nila ako,totoong kaibigan ko na talaga sila kahit ilang araw pa lang kami nagkakilala.

Pagkatapos namin nanuod ng sine ay namili rin kami ng mga damit at iba pang kaek-ekan sa mukha. Enjoy na enjoy kami dahil ito yung una na may nakilala akong naging totoo kong kaibigan.

" Salamat sa inyo, nag enjoy talaga ako". Masayang sabi ko.

"Ano kaba nag enjoy rin kami bravelyn, sa susunod mag girl bonding pa tayo". Masaya ring sabi ni Lovely.

" Oo nga sa susunod Beach naman tayo". Sabi naman ni Sweet.

Pagkatapos namin namili ay kumain pa kami sa KFC at nag picture masayang- masaya ako ngayon araw nato at pagkatapos namin kumain ay hinatid na nila ako dahil nag text na si KV sabi ni Sweety.

Pagdating ko sa bahay ay gabie na nagpaalam agad ako sa kanila at pumasok na.

Pagpasok ko ay tinawag agad ako ni Yaya Lourdes na pumunta daw muna kami sa Kwarto ni Kyle. Kaya dali-daling akong pumunta. Pagpasok ko ay makita kung natutulog na ito at parang may sakit.

" May lagnat po si Sir KV, Bravelyn hindi nga yan kumain kanina eh". Nag-alalang sabi ni Yaya Lourdes.

Hinawakan ko ang noo niya at ang init nya pa talaga" Dapat tinawag nyo nalang po ako, para makauwi ako". Kinumutan ko siya at pinakuha si Yaya ng maaligamgam na tubig at towel para punasan ko si Kyle. Habang pinupunasan ko sya ay unti-unti niyang binuka ang mga mata niya.

"Oh? Nakauwi ka pala". Mahinang sabi ni Kyle at umayos ng upo kaya inalayan ko sya.

" Oo kanina pako umuwi, bat di mo sinabi na may sakit ka pala? Sana tinawagan mo ako o kaya nagtext ka". Pagrereklamo kong sabi.

Ngumiti si Kyle" Ayaw kong sabihin sayo dahil alam kong uuwi ka, at may girl bonding kayo nina Sweety eh ayaw kong isipin nila na hinihigpitan kita".

Sinamaan ko sya ng tingin" Eh kahit na! Dapat sinabi mo! Maiintindihan naman nila yun". Pagmamaktol ko.Pinaghahampas ko sya.

"A-a-aray ano ba! Bravelyn nasasaktan ako". Pagrereklamo niya.

Pinaghahampas ko pa rin sya
" bagay yan sayo! Dapat sinabi mo!". Hinawakan niya kamay ko para mag tigil sa panghahampas at nilapit niya mukha niya
"Oh? Bitawan mo ngako!". Di niya pa rin ako binatawan.

"Sorry kong pinag-alala kita" hinawakan niya pa rin ang kamay ko at tumingin sa mga mata.

"Tsk! Ewan ko sayo!". At tinulak ko sya. Pinagtatawanan lang ako ng mo kong nato. Kinuha ko na ang towel na pinunas ko sa kanya at ng tatayu na sana ako ay pigla niya kong hinila kaya muntik ko na syang mahalikan.

" Sorry na, pangako sasabihin ko na kung magkakasakit ako". Nagpapacute niyang sabi. Lumayo agad ako at Pinaghahampas na naman siya!

"Duh! Ewan ko talaga sayo!".

At bigla na naman niya kong hinila at nagtinginan kami, ang lapit ng mukha namin ng.....
Bigla niya kong hinalikan? Natamimi ako at di na gumalaw.

WHEN YOUR THE REASONWhere stories live. Discover now