Chapter 8

59 36 2
                                    

Sa mga sumunod na araw ay naging masaya ako, dahil naging mag kaibigan kami ni Gab, di naman talaga sya ganon ka mesteryoso tulad ng first impression ko sa kanya, at isa pa nung muntik niya kong masagasaan ay tinulungan niya pako. E kung masama sya edi sana iniwan niya nako doon. At wala nga pala ngayon si Kyle Ewan ko kung san pumunta yon. Siguro may importanteng pinuntahan yon,kaya wala.

"Bravelyn? Pwede ka bang sumama sakin?". Nag-aalinlangang sabi ni Gab.

" Huh? Saan naman Gab? Sa Girlfriend mo ba?". Ay Oo nga pala may girlfriend sya si Jane diko nga alam ang mukha niya pero,base sa sinasabi ni Gab ay maganda ito at mabait.

"Oo sana, birthday kasi ng Mama niya ngayon, diko naman alam kung ano iibigay na regalo". Nahihiya niyang sabi. Kaya natawa ako.

" Ano kaba kahit ano namang ibigay mo Gab, okey nayon basta bukal sa loob mo". Natatawa ko pang sabi.

Wala naman kaming klase ngayon, Ewan ko ba kung bakit?
At Si Lovely at Sweety naman ay sumama sa mga ka batch nila noon may reunion daw sila.

"Basta sama ka gusto kung makilala mo si Jane, sigurado akong makakasundo kayo". Pagpupumilit niyang sabi. Kay tumango nalang ako.

Pagkatapos non ay nagtext ako kay Kyle na may pupuntahan akong di naman sya nag tanong kung san, kaya sumama nalang ako kay Gab. Oo nga pala naka Blue Dress ako ng Pormal, sabi kasi ni Gab na Pormal daw ang suotin ko. Siguro mayaman si Jane. Halatang-halata naman talagang inlove na inlove tong si Gab sa kanya, dahil palagi silang nagtetext kahit nagklaklase kami, nakikita kong nagtetext si Gab sa kanya. Ang swerte niya kay Gab, Gwapo, Mayaman, Mabait, Matalino medyo luko-luko ngalang mensan pero Sweet naman sya,base sa nakikita ko sa kanya.

Habang nasa Kotse kami ni Gab ay nagkwekwento sya tungkol kay Jane. Talagang inlove sila sa isa't-isa base sa kweninto nya.
Siguro kung magboboyfriend ako gusto ko kagaya ni Gab, parang tingin ng iba ay wala syang ka sweet-sweet pero sa totoo ay super duper sweet nito.

Nang na pansin ko na parang malapit kami ay tumingin ako sa bintana. Parang familiar kasi ang dinaan namin, kaya nagtataka ako. Nang makapasok kami sa isang gate ay pinarada ni Gab ang kotse sa harapan ng bahay at nagkamali pala ako, hindi pala ito bahay kundi mansion. Parang familiar talaga eh, siguro nakapunta nako dito.

"So tara na? Papasok na tayo Brave?". Nakangiting sabi ni Gab at ngumiti rin akong pabalik sa kanya.

May kinuha sya dalawang bouquet na flowers na diko na pansin kanina, ang sweet talaga ng mokong nato.

" Oyy..ang sweet naman".

Natawa ng tumingin sakin si Gab" Naman, para dagdag pogi points". Nagtawanan kami pa pasok ng mansion, grabe isa lang ang masasabi ko sa mansion nila, AMAZING as in ang ganda, may mga painting na nakasabit sa bobong at may pianong nakalagay sa gilid, at may lalaking chandelier na nakasabit sa itaas at yung sala nila ay kagaya sa Cinderella na mansion, yung may hagdan pa itaas kasi  nandoon ang mga kwarto ng nakatira.

"Wow? Ito ba yung bahay nila Jane, Gab?". Namamangha kong tanong. Natawang tumango si Gab.

Nang may biglang bumati kay Gab" Amp.. Sir? Nandon po sa pool side ang party ni Ma'am". Nahihiya niya pang sabi at tumingin sakin na may pagtataka.

"Ganon ba? Sige Salamat". At tumungo naman kami sa may pool side nasa likod lang ako ni Gab, dahil nahihiya ako. Ang rami na palang tao at parang mayayaman lang ang mga dumalo.

" Upo ka muna gan Bravelyn, pupuntahan ko muna si Jane saglit,at para magkita na kayo.
Kaya tumango ako, bilang sagot.

Ang ganda ng pool nila, may nakatakip na parang glass sa sahig ng pool,kaya dika malalaglag, yung parang bridge sya at sa center ng pool lang ang nilagyan ng ganon. Wow! Ngayon lang ako nakakita ng ganito, sa tv. kung lang naman to Nakita eh.At may mga waiter na nagbibigay ng mga inumin sa mga bisita, maraming pagkain na isang napakagandang lamisa yung Long table at may chocolate fountain pa ang gandang tignan.
Siguro ang mahal nito, birthday party lang naman pero ganito na kabongga,Paano na kaya pagkasal na? Siguro ng mas bongga pa.

"Ahem!". Napatingin ako sa tumikhim. Sh*t! Ang ganda ni Jane, para syang si Angel Locsin.

Tumikhim pa ulit si Gab kaya napatingin na ako sa kanya.

" So Bravelyn meet my Beautiful girlfriend, Jane". Di pa rin ako makapaniwala na kasing ganda ng artesta ang girlfriend ni Gab.

"Ako nga pala si Bravelyn, kaklase ni Gabriel". Nahihiyang inabot ko ang aking kamay, nakipagkamayan naman sya akala ko di niya tatanggapin.

" I'm Jane and nice meeting you, Bravelyn " nakangiting niyang sabi sa akin, wow napakalambot ng kamay niya, sigurodong buhay prensisa talaga sya.

Pagkatapos naming magpakilala sa isa't -isa ay pinakuha niya ng pagkain si Gabriel, ayaw pa sana ni Gab dahil ayaw niyang bitawan ang kamay ni Jane, pero ng tinignan sya ng masama nito ay kusa na rin syang umalis.

Natawa ako sa dahil parang under si Gab ni Jane.

"Amp.. Sorry for that, at  I'm so glad naging kaibigan ka ni Gab, napakaarte pa naman nyan". Nahihiya niya pang sabi sakin.

" Okey lang, at isa pa maayos naman maging kaibigan si Gab eh". Nahihiya ko ring banggit sa kanya.

Nagkwekwento naman si Jane kung san sila nagkita, at paano niya sinagot si Gab. Nakakatuwa naman syang kausap, ang simple naman niyang magsalita, magakaksundo kaming dalawa at ang gaan ng loob ko kay Jane, Ewan ko ba kung bakit. At di nagtagal ay dumating si Gab na may dalang mga pagkain kaya kumain kami, talagang hinitay pa sya ni Jane para sabay sila, nakakatuwa na inlove na inlove sila sa isa't-isa. At pagkatapos naming kumain ay sinama ako nina Jane sa loob ng bahay nila.

"Bravelyn, gusto kung makilala mo yung mommy ko".

I smile at her and nod. Nahihiya na talaga ako eh, at ang daming mayayaman na bumabi sa kanya.
Pagpasok namin ay may tanong syang katulong kung saan ang Mommy niya at sinabi namang nandon sa may pool lng daw malapit, kaya hinila naman ako ni Jane habang tumatakbo pa punta doon at iniwan namin si Gab.

Nagtatawanan kaming dalawa at di nagtagal ay nakarating kami sa isang table na may isang babeng maganda. Parang magkahawig kami ng kunti kaya napaiwas ako ng tingin.

" Mom? Meet my new Friend Bravelyn and Bravelyn meet my Super duper beautiful Mommy ". Maganda pakilala ni Jane sa kanyang ina.

" Hi po? Happy birthday at I'm Bravelyn po". Magalang kong bati sa kanya.

Tinignan niya ko ng nagulat ako ng bigla niya akong yinakap.

"Amp....? Mom? Magkakilala ba kayo ni Bravelyn?". Nagtatakang tanong ni Jane.

Agad namang akong binitawan ng Mommy niya.

" Ahmm.. Hindi natutuwa lang ako sa kanya, dahil may kaibigan ka na naman". Masaya niyang sabi habang nakatingin pa rin sakin.

Nailang ako dahil, parang sinusuri ako ng Mommy ni Jane, talaga bang di niya ko kakilala? O matagala na kaming magkakilala? Bakit kaya?

"Mom? Where's dad? Diko sya nakita ngayon ah?". Tanong ni Jane kaya bumaling ang Mommy niya sa kanya.

"Nandito lang yun may pinakuha lang ako sa kwarto ko anak, babalik rin yun, Oh? Hito na pala ang hinahanap mo".

Diko alam ko sinong dumating dahil nakatalikod ako, siguro Daddy niya.

"Dad? Bakit ngayon lang kita na kita? Nagpapapogi ka pa ba?". Natatawang sabi ni Jane kaya lumingon ako.

Nang paglingon ko ay laking gulat ko na si Papa pala ang tinawag niyang Dad? Nagulat din sya ng makita ako? Pa-a-anong? Anak? Ano? Sh*t? Gulong- gulo nako,Sila ba? Sila ba yung naging pamilya ni Papa?
P-a-a-anong sila? Kaya dali-dali akong tumakbo paalis, tinawag pako ni Jane pero diko na nilingon at minadaling tumakbo nalang.

"BRAVELYN?BRAVELYN?". Narinig kong sigaw ni Papa, pero nagpatuloy pa rin akong tumakbo, di ko na pansin na umiiyak na pala ako, parang may sakit ang puso ko at parang tumigil sa pagtibok ito.
Nang di pa rin ako tumigil sa pagtakbo umiiyak pa rin ako at diko halos makita ang dinadaan ko, nagugulohan ako? Bakit sila Jane pa? Paanong naging sila?

" Bravelyn? Bravelyn? Anong nangyari sayo?". Narinig kong may tumawag sakin, alam kong si Gab yon kaya tumigil ako sa pagtakbo at na pansin kong pinagtitingin nako ng mga tao, wala nakong pakialam, agad kong pinunasan ang pisngi ko, at dali-daling nilapitan si Gab.

"G-a-ab! U-u-uwi nako, mauna nako". Di pa nakasagot si Gab ay tumakbo nako palabas.

WHEN YOUR THE REASONWhere stories live. Discover now