15

18.8K 442 20
                                    


DALAWANG araw na hindi nagpapakita kay Miranda si Daniel. Kailangan niyang makagawa ng kapasiyahan bago siya humarap sa dalaga. Gusto niyang sa sunod na magkaharap sila'y yayakagin na niya itong pakasal.

Paluwas siya sa bayan nang sa isang pagliko ay nagkapanabay sila ni Mang Pepe. Sakay ito ng pickup.

"Saan ho ang punta ninyo?" hiyaw niya mula sa kanyang jeep.

"Bibili ng gamot," ganting-hiyaw ng matanda. "Umaga pa lang ay sumasakit na ang tiyan ni Miranda."

Biglang nagpreno si Daniel. May sakit si Miranda? Bigla siyang nagmaniobra. Pabalik patungong Villa Alcaraz.

Nasa sala si Armando nang dumating siya.

"Ano ho ang sakit ni Miranda?" bungad niya rito.

"Sumakit ang tiyan kaninang umaga. Ang sabi ko'y baka hindi natunawan kaya 'ayun at inutusan ko sa bayan si Pepe para bumili ng gamot."

"Maaari ko ba siyang makita?"

"Sige, Daniel. Pumanhik ka na. Iyong pinto sa kaliwa ang sa kanya," ani Armando na sinabayan ng tingin sa itaas.

Nang buksan niya ang pinto ay nakadapa si Miranda sa kama. Walang kibo siyang naupo sa tabi ng kama at dinama ang mukha ng dalaga.

Nagmulat ng mga mata si Miranda.

"Daniel!"

Ngumiti siya. "I missed you."

Lumabi si Miranda na tumihaya. "Kaya pala ngayon ka lang nagpunta dito, ha?"

"Nandito na ako ngayon." Pinulsuhan ni Daniel ang dalaga. Tiningnan ang mga mata. "Ano ba ang kinain mo?"

Natawa si Miranda. "Talo mo pa ang doktor sa ginagawa mo sa akin."

"Ano ang nararamdaman mo?" patuloy na tanong ni Daniel. "Wala ka namang lagnat."

"Sumasakit ang tiyan ko. Bahagya lang naman pero ayaw maalis."

On instinct ay didiinan sana nito ang puson ng dalaga nang mahagip ni Miranda ang kamay nito. Dinala ito ng dalaga sa mukha niya.

"I miss you too, Daniel."

"And I love you," sagot nito. Pagkatapos ay muling hinagod ng tingin si Miranda. "Sumasakit ba ang tiyan mo ngayon?"

"A little. Mamaya lang 'pag nakainom na ako ng gamot ay mawawala na ito."

"No. Don't take anything."

"Yes, doctor," tukso ng dalaga. Hindi niya napuna ang pag-iigting ng mga bagang ni Daniel. "You are overreacting gayong kaunting sakit lang ng tiyan ito. I'd rather you kiss me."

Sandali lang na nag-atubili si Daniel. Yumuko ito at siniil ng halik ang dalaga. And lord! How he wished he could do more than just kissing sa mga sandaling iyon.

Sandaling huminto si Daniel but only to whisper her name. Muling inangkin ang mga labi niya.
At sa kabila ng bahagyang pagsakit ng tiyan ay
nakadama ang dalaga ng sensasyon.

Sa puntong iyon, pumasok si Armando subalit nang makita ang dalawa ay dahan-dahang umatras at maingat na isinara ang pinto.

Narinig pa rin ni Daniel iyon at nag-angat ng ulo. Nilingon nito ang pinto. Pagkatapos ay muling ibinaling sa dalaga ang tingin.

Nagkibit ng mga balikat si Miranda. "Isinara ng hangin."

Ngumiti ang lalaki. He loved to kiss her. Take her in his arms once more and make love to her tulad ng ginawa nila sa kabilang bahay. Her lips moist and a little swollen from his kisses.

Mga Latay ng Pag-ibig (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon