9

17.4K 462 23
                                    


GUSTO kong makausap si Miranda, Nana Epang!" si Daniel sa pagalit na tono.

"Teka at titingnan ko kung gising na, Daniel," sagot ng matanda na nagtaka sa maaga at biglang pagdating ng lalaki sa villa.

Bago pa nakahakbang ang matanda ay natanawan na nitong bumababa ng hagdan ang bagong gising na si Miranda.

"Nana Epang, sinong... Daniel!" nagulat pa ang dalaga. Hindi inaasahang mabubungaran ito sa sala.

Si Daniel man ay sandaling nalimutan ang dahilan ng pagsugod sa villa sa nakitang ayos ng dalaga. Nakalugay ang buhokni Miranda. Nakasuot ng satin na roba na kulay lilac. Hindi umabot sa tuhod ang haba at ang tanging nag-uugpong ay ang tali sa baywang.

Sanay siyang nakikita itong nakamaong at boots. Naka-T-shirt o di kaya ay polo. Mahaba man o maiksi ang manggas.

Ibang Miranda ang nasa harap niya. Soft and fresh like a morning breeze.

The she-devil had no right to torture him like this. And the sight of her made him hot all over!

"Daniel?" nakangiting ulit ng dalaga. "Ang sabi ko ay may kailangan ka ba sa akin at ang aga mo?"

Tumikhim ang lalaki. Inalis ang tingin sa mga labing nakangiti at nasa harap nito.

"Totoo ba ang sinabi ng mga tao sa akin na pinagsabihan mo si Mang Caloy na aalisin sa trabaho?" bumalik sa pormal na tinig ang lalaki.

Nakadama ng dismaya si Miranda. Bahagyang naghikab na naupo sa sofa. Nilingon si Nana Epang sa di-kalayuan.

"Nana Epang pakisabi nga po kay Elsie na bigyan kami ng kape." Itinuro niya ang upuan sa lalaki. "Maupo ka, Daniel."

Napapikit ang lalaki nang sa pag-upong iyon ng dalaga ay matanaw nito ang cleavage niya.

Bahagya itong lumayo pero hindi naupo. "Hindi mo ako sinasagot?"

"Oh yes. Iyon ba ang sadya mo sa akin?"

"Alam mo ba na kahapon ng hapon habang nasa bahay kita ay nagkaroon ng mild attack ang matanda?"

"How is he now?" kaswal na tanong ng dalaga. No need to worry. Mild attack daw.

"Nahimasmasan na kagabi rin. Nasa amin ang kalalakihan kagabi upang hiramin ang jeep at nang madala sa bayan ang matanda. Pero nabigyan ko ng first aid at nang umigi ay hindi na rin nagpahatid sa ospitaL"

"Well, thank you, Daniel. It seemed na dependent sa iyo ang mga tao dito sa rancho. At ngayon, ano ang iaabogado mo sa akin para sa kanila?" patuyang tanong ng dalaga.

"Dahil sa labis na pag-aalalang mawawalan ng trabaho ang pobreng matanda kaya siya inatake, Miranda. Iyon din ang ipinangangamba ng matatandang tauhan ng rancho dahil ang sabi mo ay kakausapin mo silang lahat."

Inabot ng dalaga ang tasa ng kape na inilapag ng katulong. Inialok kay Daniel ang isang tasa pa na hindi kumikilos.

"Matanda na si Mang Caloy, Daniel," aniya na bahagyang uminom mula sa tasa. "Mahina na at malimit ay napapabayaan na ang mga gawain. Sa ilang araw kong pagmamasid ay nakita ko ang problema dala ng hindi na siya reliable."

"Buong buhay niya ay inukol niya sa paglilingkod sa inyo!" pagalit na sagot ng lalaki. "Hindi mo ba pinahahalagahan iyon?"

"Huwag kang masyadong sentimental, Daniel. At ang nangyaring ito kay Mang Caloy ay lalo lamang nagpabilis sa desisyon kong huwag na siyang pagtrabahuhin pa. Baka hindi lang iyon ang abutin niya sa oras ng trabaho."

Mga Latay ng Pag-ibig (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon