5

17.6K 422 3
                                    


IKALAWANG araw pa lang ng dalaga mula nang dumating sa rancho ay nagtungo na siya sa paborito niyang lugar. Ang sapa sa dulong bahagi ng lupain ng mga Alcaraz. Mula pa noong maliit siya'y itinuring na niyang pribadong daigdig niya ang lugar na iyon.

Nang mamatay ang mommy niya ay dito niya pinalipas ang lahat ng sama ng loob at kalungkutan. Nang iakyat ng papa niya si Aurea ay halos dito rin niya ginugugol ang buong maghapon.

Maliwanag niyang ipinagbilin sa mga tauhan ng rancho na kailanman ay hindi maaaring magpunta sa lugar na iyon ang mga ito.

"Hiya, Ivory!" sigaw niya sa kabayo. "Mamaya bago tayo umuwi ay ikaw naman ang paliliguan ko sa may dulo ng sapa sa inaagusan ng tubig."

Subalit nasa bukana pa lang siya ng daan patungo sa sapa ay may nakita na siyang kabayong nakatali sa isang puno. Sa kabila ng makakapal na puno ay ang sapa na.

Agad na bumangon ang galit sa dibdib ng dalaga. Kung may kabayo ay may tao. Sinong taga-rancho ang nangahas na suwayin ang utos niya?

Humigpit ang pagkakahawak ng dalaga sa latigo. Bumaba siya mula sa kabayo at itinali ito sa isa pang puno sa di-kalayuan.

Nilandas niya ang makipot na daan pababa sa sapa. Iginala ang mga paningin. Napakaganda ng lugar na iyon. Hindi na halos matanaw ang langit sa kapal ng mga nagtataasang puno. Ang paligid naman ay punong-puno ng mga kung ano-anong damo at bulaklak na ligaw.

Kung maganda ang Hidden Valley sa Laguna ay higit ang sapa niya. Mas makapal ang puno at mga damo rito at mas maraming halamang gubat.

Naririnig na niya ang marahang lagaslas ng munting talon na siyang pinanggagalingan ng tubig sa sapa.

Muli niyang nilinga ang paligid. Subalit nasa sapa mismo ang hinahanap niya. Tahimik na lumalangoy. In bare flesh!

Napahugot ng paghinga ang dalaga. Buong buhay niya ay noon lang siya nakakita ng lalaking hubad. At kahit na nga ba nasa ilalim ng tubig ang katawan ng lalaki ay napakalinaw naman ng sapa at hindi nagawang itago ng tubig ang kahubaran nito.

Nag-aalpasan ang mga muscle nito sa braso at likod habang gumagawa ng butterfly strokes. Mahusay lumangoy ang lalaki pero siya man ay mahusay rin.

Naramdaman marahil ng lalaking naglalangoy na may nagmamasid dito. Tumayo ito sa kabilang pampang at tumingala. Iginala ang paningin sa buong paligid.

Nagtama ang mga paningin nila ng lalaki. Hindi nito malaman kung lulubog o hindi nang makitang babae ang nakatayo sa may malaking bato.

"Kanina ka pa ba riyan?" tanong nito kay Miranda.

Wow! Tiyak na hindi epekto ng paligid ang boses na iyon. Baka ito iyong paboritong announcer niya sa isang FM radio station at himalang naliligo sa sapa niya.

"Kanina pa," sagot niya na bahagyang itinaas ang mukha.

Bahagyang naningkit ang mga mata ng lalaki. "Ke babae mong tao ay naninilip ka sa lalaki!"

Nagkibit siya ng balikat. Namaywang. "Nag-e-enjoy akong panoorin ka. Isang live specimen ng male specie, Ngayon lang ako nakakita. Masisisi mo ba ako?"

Ngumiti ang lalaki sa sinabi niya. Pinagmasdang mabuti ni Miranda ang mukha ng lalaki. Hindi ito iyong matatawag na guwapo. Pero natitiyak niyang hindi iilang babae ang umiyak sa mukhang iyon.

Hindi naman niya ito kasing-edad. Marahil ay twenty-nine o thirty years old na ang lalaki.

"Join me then..." anyaya nito.

"Nah! I'd rather watch. Naunahan mo na kasi ako, eh."

"That's unfair! Nakita mo ang lahat-lahat sa akin. Bakit hindi ako naman?" biro nito.

"That is the price you get when you trespassed. I own this place!"

Tumaas ang kilay ng lalaki. "So! The infamous Miranda Alcaraz!"

Ikiniling ng dalaga ang ulo niya nang bahagya. "I am waiting for your verdict."

"Lord, you're just a kid!"

Nagdilim ang mukha ng dalaga sa narinig. A kid at almost twenty-one? This man must be joking.

"Kompara sa iyo ay siguro nga. You must be as old as my father," alam ng dalagang eksaherado ang sinabi niyang iyon. Pero kung inaakala ng lalaking ito na maiinis siya, puwes nagkakamali ito.

"Maamong mukha pero matalim ang dila," wika nito na nagsasalubong ang mga kilay.

Lihim na ngumiti si Miranda. Now, we're even.

"I'm glad to meet you, Daniel Aragon," sigaw niya uli rito. "Magpasalamat ka at hindi mo kabisado ang batas ko pagdating sa sapang ito. I give allowance to ignorance."

"Alam ko ang batas mo, Miranda. Pero salamat pa rin sa allowance."

Ang dalaga naman ang nagsalubong ang mga kilay. "Alam mo? Bakit nandito ka pa rin, kung ganoon?" aniya sa tonong kabisado ng mga taga-rancho.

"I never thought you' d be here. Alam ng lahat na nasa Maynila ka. Bakit mo ipinagmamaramot ang paraisong ito, Miranda?"

Pumormal ang dalaga. "This is my private world, Daniel. Hindi na kailangang ipaliwanag ko pa sa iyo at sana'y igalang mo. I may not be very friendly as some people may have surely told you. Pero hindi ko ginagawang kaaway ang nakapaligid sa rancho."

"Turn around. Aahon na ako. Naiilang akong nakikipag-usap sa iyo na nakalubog sa tubig samantalang ikaw ay pinanonood mo ako."

"I've been watching you for minutes at kanina pa rin tayo nag-uusap at malinaw ang tubig. What difference does it make?" marahang tanong ng dalaga na halatang nanunukso.

Nag-igting ang mga bagang ng lalaki. "Hindi ko inuurungan ang mga ganyang uri ng hamon, young lady. But not this time, magpasalamat ka at may paggalang ako sa papa mo. Pakihagis mo ang tuwalya ko sa tubig." Nilingon nito ang kinaroroonan ng mga gamit.

Gumamit ng "paki" pero mataas ang tono. Wala pang lalaking nag-utos kay Miranda. Pero hindi niya maintindihan kung bakit marahan siyang lumakad patungo sa kinaroroonan ng tuwalya nito at dinampot iyon.

"Hindi ako sanay na inuutusan, Aragon," aniya na ibinagsak ang tuwalya sa tubig malayo sa kinaroroonan ng lalaki. Pagkatapos ay sinabayan ng talikod.

Mga yabag ng kabayo ang narinig ni Daniel. Nilangoy nito ang tuwalya at umahon.

Miranda Alcaraz! hindi makapaniwalang bulong nito.

Marami na itong narinig tungkol sa anak ni Armando Alcaraz sa loob ng ilang buwang pamamalagi sa bahay-bakasyunan. A very notorious young lady!

Pero ang nakita nito kanina ay parang hindi makapapatay ng lamok. She's small. Baka wala pang 5'3". And very slim. Parang hindi nito gustong paniwalaan ang mga kuwento ni Aling Caring na katiwala sa bahay-bakasyunan.

Hindi dahil nagtsismis ito kundi binalaan siyang huwag pumunta sa sapa. Sinabi nito ang dahilan na nauwi na sa mga pinaggagawa ni Miranda mula pa noong bata ito.

At sa tingin ni Daniel sa dalaga kanina ay mas tamang sabihing si Miranda ang dapat protektahan. Sa tingin nito'y isang babasaging kristal ang dalaga na hipuin lang ay baka mabasag.

Hindi nito mapaniwalaang sa likod ng maganda at maamong mukhang iyon ay isang malupit na babae.

Natitigan ni Daniel ang mga labi ni Miranda. Gaano kaya kalambot iyon? May nakahalik na ba roon? Madudurog kaya ito kung ikukulong nito sa mga bisig ang dalaga?

Nang lumakad palayo si Miranda ay sinundan ni Daniel ng tingin. She was so graceful that he wanted to dream about it. She has a certain poise na hindi bagay sa suot niyang maong at polo.

At kaninang nagsasalita si Miranda ay inakala nitong nahawi ang mga dahon sa itaas at lumiwanag ang paligid.

How would she moan and sigh kung paglalandasin ni Daniel ang mga kamay nito sa katawan ng dalaga?

Biglang ipinilig ni Daniel ang ulo. Kailan pa ito nagkaganito? At sa dinami-dami ng babae sa lupa ay bakit sa isang halos walong taon ang agwat ng edad sa binata?

Hanggang sa makauwi si Daniel ay si Miranda ang laman ng isip nito.

Mga Latay ng Pag-ibig (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon