ISANG araw na galing sa bayan si Miranda ay natanawan niya sa harap ng villa ang Wrangler jeep ni Daniel. Mabilis niyang ipinarada ang pickup at nagmamadaling pumasok sa kabahayan.
"Nandito ba si Daniel, Nana Epang?" bungad niya nang makita si Nana Epang na bumaba ng hagdan.
"Nasa itaas sa silid ng papa mo. Nabuwal sa may koral si Armando kanina. Mabuti na lang at naroon sa may malapit si Daniel."
Bigla ang pagbundol ng kaba sa dibdib ni Miranda. Nabaling sa ama ang buong pag-iisip. Patakbo siyang pumanhik sa itaas sa silid ni Armando.
Nakahiga ko habang nasa gilid ng kama si Daniel at nag-uusap ang dalawa.
"'Pa?"
"Nandito ka na pala, hija. Naideposito mo na ba ang mga tseke?"
Tumango siya. Tumayo mula sa pagkakaupo si Daniel pagkakita sa kanya. Nagtatanong ang mga mata ni Miranda na tumingin dito.
"Napagod lang ang papa mo, Miranda. He had been overexhausting himself for the past days."
May namuong luha sa mga mata ng dalaga. May takot na sumibol sa dibdib. May sakit ba ang papa niya? At sa puso kaya? Alam niyang traydor ang sakit na ito. Hindi iilang kakilala't magulang ng mga kaibigan niya ang alam niyang walang kamukat-mukat ay inatake at namatay.
Hindi pa siya nakaka-recover sa pagkawala ng mommy niya. Mawawala rin ba ang papa niya?
Nilapitan siya ni Daniel nang makita ang sindak sa mukha niya. Tila siya estatwang hindi na nakaalis sa kinatatayuan.
"Miranda." Hinawakan siya nito sa braso. "Napagod lang ang papa mo. Overfatigue. Calm down," banayad nitong wika.
Nanunuot sa kalamnan niya ang tinig ni Daniel. Tumingala siya upang ibalik ang mga luha.
"At paano kang nakatitiyak? Doktor ka ba?" bahagyang angil niya rito.
"Tama si Daniel, hija. Wala kang dapat ipag-alala. Napagod nga lang marahil ako. Bago ka pa kasi umuwi dito ay halos dalawang linggo akong katu-katulong ng mga katiwala sa rancho. Ilang baka at kabayo ang nanganak nitong nagdaang mga araw."
Pinaglipat-lipat ng dalaga ang tingin sa dalawang lalaki. Lumakad si Daniel patungo sa pinto.
"Have an executive checkup, Mr. Alcaraz. Mabuti na iyong nakatitiyak. Tutuloy na ako." Saglit nitong sinulyapan ang dalaga na hindi lumingon.
"Maraming salamat, Daniel," pahabol ni Armando bago tuluyang nakalabas ang lalaki.
Nilapitan ni Miranda ang ama. "Papa, sa ayaw at sa gusto ninyo ay luluwas tayo sa Maynila bukas din. Tama si Daniel, kailangan ninyo ang executive checkup. You're not getting any younger."
"Alright, para makalma ka. Para kang natuka ng ahas kanina. Pero hindi ka kasama. Maiwan ka dito sa rancho para gawin ang trabaho ko. At hija, habulin mo si Daniel at magpasalamat. You were almost rude sa pagsagot mo kanina."
Tumango ang dalaga. Lumabas ng silid at nagmamadaling bumaba. Kasalukuyang iniaatras ni Daniel ang jeep nang lumabas siya. Patakbo siyang lumapit dito.
"May kailangan ka pa, Miranda?"
Sandali lang itong tinitigan ng dalaga. Itinaas niya ang kanyang kamay at hinawakan sa leeg ang lalaki at kinabig. Ginawaran niya ito ng halik sa mga labi.
Tumaas ang dibdib ni Daniel na naningkit ang mga mata.
"Bakit mo ginawa iyon?" pagalit nitong tanong.
"Alam mo Daniel, you really amazed. Ngayon lang ako nakakita at nakatagpo ng lalaking nagagalit na hinalikan ng babae."
"Hindi mo sinasagot ang tanong ko!"
Nagkibit ng balikat ang dalaga. "Pasasalamat sa ginawa mo sa papa. And I'm sorry for being rude, nabigla ako kanina sa pag-aalala sa Papa."
"Miranda." Mariin ang pagkakabigkas na iyon ni Daniel sa pangalan niya. "You just don't kiss people around dahil lang sa gusto mong magpasalamat."
Umikot ang mga mata ng dalaga. "I don't kiss people around. I kissed you. So what's the big deal?"
"Hndi ginagawa ng matinong babae iyan."
Sandaling napatitig ang dalaga rito. Gusto niyang magalit pero nagpigil. Just talking to this man she was able to develop self-control.
"Di hindi ako matinong babae," patuya niyang sang-ayon sa sinabi nito. "But only with you!" Pagkasabi noo'y tumalikod na siya at lumakad papasok sa villa.
Mabilis na pinaandar ni Daniel ang jeep. Malayo na sa villa ang binata nang bigla itong nagpreno at isinadsad sa tabi ang sasakyan.
Hell that woman!
Tila nahahapong sumandal ito sa upuan. Nang makita nito kanina si Miranda na tila na-shock sa pagkakatayo at anumang sandali ay maaaring pumatak ang luhang pinipigil ay halos matunaw ang puso nito. Gusto ni Daniel na yakapin ang dalaga at dalhin sa dibdib. Give her assurance na walang dapat ikabahala.
At kanina... when her lips touched his... lord! She made him rock-hard. At dampi lang ang halik na iyon, ha? Nagagalit ito at kinabahan dahil baka mapuna ni Miranda iyon.
Huminga nang malalim si Daniel. Gustong ipasok lahat sa baga ang malamig na simoy ng hangin sa paligid.
When was the last time he had a woman in his arms? Mahigit nang isang taon. One year and seven months to be exact. Nang malamang nagdadalantao si Sally ay iniwasan na nitong magtalik sila.
Si Sally. Ginawa nitong bangungot ang buhay niya. Oh well, ang tangi nitong kasalanan ay ibigin at mahalin siya.
Pero siya, may pag-asa pa bang maka-recover?
Nang mamatay si Sally ay sa kanya isinisi ng mga magulang nito ang kamatayan ng kanyang asawa. Tanging si Sally lamang ang pinanghinayangan ng mga in-law niya. Ni hindi naisip ng mga ito na nawala rin ang unang apo ng mga ito.
At siya? Sakim daw siya. Iyon ang hinihiyaw ng mga ito sa kanya.
Mula noon, things had never been the same again. Halos lunurin niya ang sarili sa alak gabi-gabi. Siya ang pumatay sa mag-ina niya!
Hanggang sa sumulat ang Tiyo Celso niya mula sa Amerika, at tuluyan nang ipagbili sa mga Alcaraz ang natitirang lupang kinatitirikan ng bahay matapos magpasyang sa Amerika na manirahan.
Iyon ang balak niya kaya siya nagtungo sa Rancho Alcaraz. Pero nang muli niyang makita ang bahay ng kanyang kamusmusan ay nagbago ang isip niya. Pag-aari ng mga Aragon ang bahay na ito mula pa sa mga lolo at lola niya. At kung tutuusin ay pati na ang kalahati ng lupang ngayo'y nasa pag-aari ng mga Alcaraz. Hindi man niya muling mababawi ang mga iyon ay nasa pag-aari pa niya ang halos isang ektaryang natitira at ang bahay.
Nakatagpo siya ng panandaliang kapayapaan sa kapaligiran. At ang sapa, ang sapa ni Miranda Alcaraz ay balsamo sa damdamin niya.
Habang-buhay na marahil siyang uusigin ng konsiyensiya at panunumbat. Pero dito... at sa paligid ng Rancho Alcaraz ay natutuhan niyang makipagkasundo sa sarili. Nakakatulog na siya sa buong magdamag kahit papaano.
Until Miranda Alcaraz! An added trouble... a pain in his groin. And she is just a kid.
A kid? Sinong binibiro niya. She maybe twenty-one years old but she's got those curves in all the right places!
At hanggang kailan niya mapaglalabanan ang sarili niya gayong ang dalaga na mismo ang naglalapit ng sarili?
BINABASA MO ANG
Mga Latay ng Pag-ibig (COMPLETED)
RomanceWalang hindi nakakakilala kay Miranda Alcaraz sa bayan nila. Unica hija ng isang ranchero. Kasama ng kabayong si Ivory ay hindi iilang tao ang dumanas ng lupit ng mga kamay niya sa sandaling ginalit o inagrabiyado ang dalaga. Hanggang kay Daniel...A...