SI DANIEL ay nanatiling nakatitig sa kisame ng silid niya. Hindi niya magawang umiwas kay Miranda. Nitong nakaraang mga araw ay sinikap niyang magtrabaho hanggang sa wala nang matirang lakas pagdating ng gabi. Na-repair na niyang lahat ang mga picket fence sa paligid ng bahay-bakasyunan. Nahawan na niyang lahat halos ng mga damo sa paligid.
At kanina'y tinulungan niya si Mang Pepe na magpaanak ng kabayo. Hindi niya inalintana ang nangangapal na niyang mga palad. Ang tanging nais niya'y mabura sa isipan niya si Miranda.
He ached for her that he wanted to take her right there on the grass. Nasa babaeng iyon ang lahat ng mga pinapangarap niya. And damn her and those inquisitive eyes. Damn those soft lips na wala nang ginawa kundi tuksuhin siya. And damn him too for taking notice always.
Hindi lang iilang beses niya itong sinaktan and she's tougher than he thought.
Gusto niyang ibigay rito ang lahat-lahat sa kanya pero ano ba ang kaya niyang ibigay? Isang lalaking nagtatago sa anino ng kahapon?
Ibibigay niya ang lahat mapalaya lang ang sarili mula sa usig ng budhi upang ihandog kay Miranda. She doesn't deserve anything less.
At wala siyang maibibigay.
BINABASA MO ANG
Mga Latay ng Pag-ibig (COMPLETED)
RomanceWalang hindi nakakakilala kay Miranda Alcaraz sa bayan nila. Unica hija ng isang ranchero. Kasama ng kabayong si Ivory ay hindi iilang tao ang dumanas ng lupit ng mga kamay niya sa sandaling ginalit o inagrabiyado ang dalaga. Hanggang kay Daniel...A...