Kabanata 6

1.6K 61 4
                                    

Kabanata 6

Rain

Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Isang hakbang palapit ang ginawa niya at agad akong nakulong sa pagitan ng mga braso niya habang naninigas na nakasandal sa pinto. Tang-ina, Ethan!

"Why trembling, Lian? Natatakot ka na naman ba sakin?" mahina pero masuyo niyang sabi. Shit!

Kinondisyon ko ang ang aking sarili bago ako matapang na sumagot. Sasabayan ko nalang siya kung ito ang gusto niya. Sana man lang ay hindi niya mahalatang nanginginig na ang mga tuhod ko.

"Do I have some reason to be scared at you, Ethan? I guess... wala. So I bet you stop. Padaanin mo nalang ako dahil nagugutom na ako."

I tried to escape. Pero masyadong malakas ang mga braso niya kaya 'di ko 'yon basta-basta naalis. Hirap na hirap na ako samantalang siya'y kalmado lamang na nakatayo at nakayuko sa harapan ko.

"Then why would you eat me?"

Napamulagat ako sa sinabi niya. Gutom ako pero hindi ganon ang ibig kong sabihin! Now I need the mad Ethan, hindi itong Ethan na nasa harapan ko na parang inaakit ako!

"P-pardon? Alam mo ba ang sinasabi mo? Alis nga!"

Mabuti naman at pinakawalan niya ako. At talagang tawang tawa pa siya. He's really making fun of me. Kapag ako ang gumanti ay ewan ko lang!

Malalaki ang hakbang ko na bumaba ng hagdan na mismo namang pagpasok ni Ian. May sumilay agad na nakakalokong ngiti sa labi niya nang makitang sabay kaming pababa ni Ethan. Nang tingnan ko si Ethan, ganun din siya. Nagngingitian ang mga loko at 'di ko man lang alam kung anong nasa isip nilang dalawa.

Gago ka, Ian. Kapatid mo ako at baka nakakalimutan mo.

Hindi ko sila pinansin at dumiretso nalang sa kusina para maghanda ng pagkain. Kakain pala siya rito, hindi niya nalang sinabi kanina.

Nilingon ko sila at nakitang nag-uusap pero seryoso na ang mga mukha. Nang maglakad na sila papunta sa dining area ay saka ako sumunod na nakasimangot.

"Anong klaseng mukha 'yan?" puna ni Ian sa akin.

"Gutom na ako." sagot ko na 'di man lang sila nilingon. Magkatabi silang nakaupo sa harapan ko.

"I told you to eat m-"

"Cut it off, Ethan!" putol ko sa sasabihin niya. Seryoso ba siya? Sasabihin niya 'yon sa harapan ng kapatid ko? At tawang tawa naman si Ian na parang alam kung anong ibig niyang sabihin? They're really enjoying this, huh?

Yumuko nalang ako at nagsimula nang kumain. Bahala sila kung kakain ba sila o hindi. Of course kumain sila, halos mabingi na nga ako sa kalampag ng mga pinggan.

Nagkamali ako sa pag-angat ng mukha kaya nahagip ng mata ko si Ethan na abalang ngumunguya pero sa akin nakatingin. Muntik nang bumara sa lalamunan ko ang kinakain ko sa paraan nang pagtitig niya sa akin. Hindi ko siya maintindihan. Kanina ay nakakaloko ang mga tingin niya habang ngayon, sa sobrang seryoso ay hindi ko na mabasa.

"Wait lang, may kukunin ako."

Wala kaming nagawa kundi sundan nang tingin si Ian na hindi ko alam kung saan pupunta o kung ano ang kukunin. Bumalik lang ang atensyon ko sa pagkain nang tumunog ang aking plato dahil may naglagay  doon ng ulam at kanin.

"Kunti lang ang kinakain mo. Damihan mo."

Hindi ako sumagot. Iniisip ko kung paano ko ito uubusin gayong sobrang dami naman nang inilagay niya.

"I miss this. I miss eating your food. I miss eating with you." dagdag niyang sa ngayon ay hindi na nakatingin sa akin. Nakayuko lang siya habang nagpatuloy sa pagkain.

Ruthless (Doctor Series #1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon