Kabanata 5
Banyo
Sa mga sumunod na araw ay mismong sa bahay na ako nakatanggap ng mga bulaklak. Ngayon ay may kasama ng chocolates at isang mahabang sulat. May nakakalokong ngiti sa labing inaabot sa akin ito ni Ian at akmang babasahin pa ang sulat pero mabilis ko agad na naagaw sa kanya.
"Sinong nagbigay sayo? Nakilala mo ba?" tanong ko.
"Delivery boy. Sa labas lang inabot sa akin." sagot niyang hindi ko alam kung paniniwalaan ko ba.
I'm ready to reveal myself. I am looking forward to have some time with you. I hope you don't mind.
Rohan
Iyan ang nakalagay sa dulong bahagi ng sulat.
"Rohan?" kunot ang noo kong tanong.
"Rohan? Sino naman 'yan?" tanong rin ni Ian.
"I don't know. But I don't like this, ba't pakiramdam ko'y natatakot ako dahil hindi ko siya kilala habang kilala niya ako?"
Ian didn't answer. Napaisip rin siya sa sinabi ko. Sinong hindi matatakot? Pati address ng bahay namin ay alam niya na, dito niya na ipinadala sa halip na sa opisina ko. Alam niya bang off duty ako ngayon kaya ipinadiretso niya na dito? Kung tama ang nasa isip ko, ibig sabihin ay nakikita niya lang ako. Nasa paligid ko lamang ba ang lalaking ito ng hindi ko alam? For Pete's sake, tinatakot niya na ako.
"You don't have to worry. Bulaklak naman at sweet messages ang pinapadala niya sayo, hindi death threats." ani Ian pero hindi parin 'yon sapat para maglaho ang kabang nararamdaman ko.
Para maaliw ko ang aking sarili ay kung ano-anong ginawa ko maghapon. Nasa ospital si Ian at out of town naman sina mommy at daddy. Masyadong tahimik ang bahay kaya bandang alas-kwatro ng hapon, nagdesisyon akong lumabas para mag-grocery. Napansin ko kasing paubos na ang stocks namin kaya kailangan na namang palitan. Nag-taxi nalang ako dahil siguradong sasalungat na naman sa akin ang buong mundo kapag ginamit ko ulit ang aking sasakyan.
Nasa poultry area ako ng market nang makasalubong ko si Josh and Juliane. Halatang nagkagulatan pa kami dahil sa hindi sinasadyang pagkikita. Tulak-tulak rin nila ang isang cart at abala sa pamimili ng kung ano-ano.
"Ikaw lang ba mag-isa? Wala kang kasama?" tanong ni Juliane pagkatapos naming magkamustuhan. Pilit siyang sumisilip sa likuran ko para lang tingnan kung may kasama ba ako.
"Ako lang. Nagkaroon lang ng free time kaya heto, namimili." sagot ko at tipid na ngumiti.
"Hoy, Lian... nga pala..." parang babaeng sulpot ni Josh. "Sama ka samin, pupunta kami sa Resort nina Joeve. Remember, Joeve? 'Yong batchmate din natin dati? Nagyayaya kasi siya, sama kayo para mas masaya. Hindi rin kasi siya nakapunta sa reunion natin kaya treat niya daw ngayon. Ano, game?"
"Kailan ba 'yon? I'll check my schedule, kung walang masasagasaan ay sasama ako."
"Much better kung sabihin mo sa akin ang schedule mo para ma-book namin ang mismong araw na free ka. Itext mo nalang." sagot niya agad.
"Seryoso ka ba? Pano kung wala akong libreng araw niyan?" natatawa kong sabi. Parang sakin na tuloy naka-depende.
"Basta sabihin mo sa akin at ako na ang bahala sa lahat. Kung wala kang free time, edi walang lakad." sagot niya at para na silang tarantang nagpaalam. Marami pa raw silang gagawin at kailangan nilang mamili nang mabilis. Naiwan naman akong gulong-gulo sa inakto nila.
Kung wala kang free time edi walang lakad. Seryoso ba talaga siya? Ako pa nga tong niyaya niya, diba?
Umiling ako at muling hinila ang dala kong cart. Kumukuha ako ng can goods ng naramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko. Isang text message galing kay Ian.
BINABASA MO ANG
Ruthless (Doctor Series #1) COMPLETED
Romance"Ako ang lumaban, pero bakit ikaw ang napagod?" Si Ethan Tiu ang lalaking minsan nang tinanggihan ni Lian Martinez nang alukin siya nito ng kasal seven years ago. Sa takot na hindi pa siya handa ay nagawa niyang hindian ang wedding proposal nito at...