Kabanata 13

1.4K 52 1
                                    

Kabanata 13

Cassandra

Ilang araw ang lumipas at pansin kong mas naging abala si Ian. Lagi siyang wala sa bahay, laging gabi inuuwi at madalas na rin kami kumain nang sabay. Hinahayaan ko nalang at hindi narin ako nag-atubiling magtanong dahil nakikita ko naman siyang masigla parati at masaya. I knew that night that he's inlove. Gusto ko lang na siya ang magkwento sa akin kaya ayaw ko muna siyang pangunahan.

About me and Ethan, pagkatapos ng gabing iyon ay muli siyang nagpakita sa akin kinabukasan. At sumunod pang mga araw. Hatid sundo niya ako madalas, sa tuwing umaangal ako ay nauuwi lang ang lahat sa pagtatalo.

"Mom?" tawag ko kay mommy nang makita ko siyang mag-isang nakaupo sa sala. Seryoso siyang nanonood ng TV habang hindi ko naman alam kung nasaan si daddy. Tumabi ako sa kanya at niyakap siya sa gilid.

"Nabanggit ba sa inyo ni Ian kung bakit niya biglang naisip na bilhin ang kalahati ng Tiu Medical Hospital?"

This thought bothered me a lot. Naisip kong may koneksyon si Ylessa kung bakit niya 'yon ginawa. Alam kong bawat kilos ng kapatid ko ay may dahilan. Hindi siya basta-basta gumagawa ng bagay para sa wala lang.

"Wala. Nang nalaman namin na kina Ethan naman ang ospital, hindi na kami nagtanong. Alam naman natin kung gaano kalapit ang dalawang 'yon."

Yon din ang naisip ko noong una, hindi ko rin magawang itanong ang iniisip ko kay Ethan kasi baka hindi kami pareho nang iniisip.

"Why? May problema ba?" nag-aalalang tanong niya nang marinig ang sunod-sunod kong buntong hininga.

"Wala po." sagot ko at umiling. Ayokong pati sila ay magkaroon ng problema. Tama nga siguro si Ethan, I should stop thinking about it.

Sa walang dahilan ay bigla kong naisipang baka pwede akong pumunta sa ospital na kinaroroonan ng dalawa. Day off ko ngayon at wala naman akong gagawin maghapon dito sa bahay.

At dahil mukhang abala ang lahat ng kasama ko sa bahay, naisip ko ang isang bagay na alam kong malalagot ako kung gagawin ko. Nasa akin parin kasi ang susi ng sasakyan ko. Noong gabing kinuha 'yon ni Ethan ay sa akin niya parin ito ibinalik at nakalimutan ni Ian ang tungkol doon. I'm gonna use it today, just for once.

Nagmamadali ko itong inilabas sa garahe. Mabilis ko itong pinaharurot hanggang sa marating ko ang Tiu Medical Hospital. Hahanapin ko nalang kung nasaan ang office ni Ian.

Hindi maliit ang ospital kaya hindi naging madali sa akin ang paghahanap. Buti nalang at hindi gaanong matao sa bawat pasilyo kaya hindi ako nagmukhang tanga habang binabasa ang lahat ng pangalang nakasabit sa bawat pinto.

"Miss, may hinahanap kayo?" napalingon ako sa isang nurse sa gilid ko. Kakalabas niya lang sa isang kwarto at marahil ay napansin ang pag-iisa ko.

"I'm looking for Dr. Ian Martinez." saka siya nginitian.

May tinawagan siya agad at nang nakakuha ng impormasyon ay agad niya din itong pinatay.

"Nasa room 409 daw po. Pakitingnan nalang po ang pinto, Patient 34 with Dr. Martinez."

"Thank you."

Gusto ko sanang itanong kung sino ang pasyente kaso nagmamadali na siyang umalis. Room 409, Patient 34.

Agad ko itong nahanap pagkalapag ko sa fourthh floor. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ngunit wala naman akong doktor o Ian na nakita sa loob. Isang babaeng pasyente lang na nakahiga at nakapikit pero agad ring nagmulat nang mapansing may taong pumasok.

"Hi!" sabi ko at kumaway pa pero hindi siya sumagot. "Nandito ba si Ian? Kanina ko pa kasi siya hinahanap, eh."

"Ian? Or should it be, Dr. Ian? Who are you to call him that way?"

Ruthless (Doctor Series #1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon