Kabanata 19
Betrayal
Naging mabilis ang takbo ng araw. Naging okay ang lahat para sa aming dalawa ni Ethan. Nagkita kami ng pamilya niya at umuwi rin ng bansa ang sina kuya Zeke para sa kasal naming dalawa. Isang buwan naming inihanda ang lahat, gusto ko ng isang simpleng kasalan lamang pero ayaw pumayag ni Ethan.
Tomorrow is our wedding. At kahit ngayon ay hindi parin ako makapaniwala. Lahat ng mga bisita namin bukas ay nandito sa isang hotel at lahat ay nakaplano. Kasalukuyan akong nakahiga habang nasa kabilang kwarto naman si Ethan at kasama si Ian. Pigil ang sarili kong huwag siyang tawagan man lang dahil baka magpumilit siyang pumasok rito. Hours can wait. Within few hours ay magiging ganap na kaming mag-asawa. Ylessa can't come, hindi ko alam pero lumala ang kalagayan niya. Siya dapat ang maid of honor ko pero hindi pumayag si Ian na lumabas pa siya ng ospital.
I closed my eyes and try to get some sleep. And the moment I wake up, hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko. Maraming pumasok sa kwarto ko at kanya-kanya sila nang ayos sa akin. Nakatanggap ako ng text mula kay Ian na sa simbahan nalang sila maghihintay ni Ethan. Nakatanggap naman ako ng text ni Ethan saying 'I'm sorry baby, I love you.'
He's sorry? Nakadama ako ng takot pero wala naman sigurong ibang ibig sabihin iyon. Maybe he's sorry, dahil hindi niya ako napuntahan dito ngayon. I can understand. I prefer him to wait for me inside the church. Sa simbahan kung saan kami mag-iisang dibdib.
"You're so beautiful." naluluhang sabi sa'kin ni Josh. Siya ang kinuha ko para mag-ayos sa akin habang si Yra naman ang nagdesign ng gown ko. Her works are elegant.
"Thank you." sabi ko at hindi rin makapaniwala nang makita ko ang sarili ko sa salamin.
Ilang oras lang ay natagpuan ko na ang sarili kong nakaupo sa sasakyan at nasa harap na ng simbahan. Punong puno ng bulaklak kahit sa labas ng simbahan, lahat rin ng taong nasa labas ay ngumiti nang makita ako mula sa loob ng sasakyan. Nandito na lahat, nandito na lahat ng taong mahahalaga sa akin.
"You ready?" nakangiting tanong ni Josh na nasa harap ng sasakyan. Tumango ako at muli niya akong sinulyapan bago lumabas para ihanda ang mga tao sa loob ng simbahan. Mga ilang minuto siyang nawala at maya-maya pa'y lumabas si Ian galing sa loob na may tinatawagan.
Ibinaba ko ang bintana ng sasakyan saka ko siya nginitian. Seryoso siya sa kausap niya at nang matapos iyon ay saka yumuko at pumantay sa akin mula sa bintana.
"Twiny..."
"Handa na ba ang lahat? Lalabas na ba ako?"
Huminga siya nang malalim at binuksan ang pinto. Akala ko'y lalabas na ako pero siya ang pumasok.
"Ethan is missing."
Halos malaglag ang panga ko. "Hah?" tanging nasambit ko. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko pero pilit ko itong pinapakalma.
Muli siyang may tinawagan sa cellphone niya at nakita ko ang pangalan ni Ethan doon. Hindi ito sumasagot kaya hindi ko na maiwasang maluha.
"Come on, pick it up! Shit!" galit na rin niyang sabi.
Hindi ba't magkasama silang pumunta rito? Paano nangyaring bigla nalang siyang nawala? Joke na naman ba ito? Niloloko ba nila ako?
"Hindi 'to totoo, diba? Sabihin mo sa aking pinaglalaruan niyo na naman ako. Nasa loob siya, diba? Gino-good time niyo lang ako, diba? Pakakasalan niya naman ako, diba? Hindi niya 'to magagawa sa akin! Sabihin mo sa aking nagbibiro ka lang!"
Nagsimula akong mataranta. Kahit pigilan ko ay hindi ko parin maitago. Wala akong pakialam kung masira man ang make up ko sa luhang hindi ko na rin napigilan. I have to see Ethan!
BINABASA MO ANG
Ruthless (Doctor Series #1) COMPLETED
Romance"Ako ang lumaban, pero bakit ikaw ang napagod?" Si Ethan Tiu ang lalaking minsan nang tinanggihan ni Lian Martinez nang alukin siya nito ng kasal seven years ago. Sa takot na hindi pa siya handa ay nagawa niyang hindian ang wedding proposal nito at...