Kabanata 17

1.5K 56 0
                                    

Kabanata 17

Love

Naalimpungatan akong sobrang sakit ng ulo. Hindi ko tinangkang bumangon dahil wala naman talaga akong planong pumasok ngayon sa trabaho.

"Shit."

Namumugto pa ang mga mata ko at alam kong ito ang rason kung bakit sobrang sakit ng ulo ko ngayon. Iyak ka pa, Lian.

Muli akong pumikit. Ito ang napapala ko sa kahangalan. Ngayon pakiramdam ko ay lalagnatin ako at unti-unti narin akong nakakaramdam ng lamig. Sinubukan kong bumangon para pigilan kung ano man ang nararamdaman ko ngunit mas lalo lang akong nahilo. Napamura ulit ako at mabilis humiga pabalik, binalot na lamang ang sarili ng kumot.

Wala na akong alam kung anong sumunod na nangyari. May naramdaman akong nagbukas ng pinto pero masyadong tulog ang diwa ko para alamin kung sino. Nakarinig ako ng kalampagan, nang nagsasalita at naramdaman ko ring may nagpunas sa akin nang maligamgam na tubig pero hindi ko na naimulat ang mga mata ko. Maybe it's Ian, hindi naman siguro ito gagawin ni Ylessa kung sakaling nandito pa siya.

"Lian, wake up. You have to eat to gain back your strength."

Mahinang ungol lang ang isinagot ko. Gumalaw ako pero mas isiniksik ko ang katawan ko sa kumot. I'm cold.

Naramdaman kong may tumabi sa akin at niyakap ako nang mahigpit. Nakatulong ito dahil medyo nakaramdam ako ng init galing sa katawan niya. Nakahinga ako nang maluwag at muling nilamon ng antok.

Nang mahimasmasan ay saka ako naglakas-loob bumangon. Ang kaso, may mabigat na braso ang nakadagan sa akin.

"Ian, I'm okay." sabi ko at sinubukang alisin ang kamay niya pero nagkamali ako kung sino.

Mahimbing na natutulog si Ethan sa tabi ko. Yakap-yakap niya ako at ang ginawa ko palang unan habang natulog ay ang isang braso niya. The moment I recognize him, nagsimula na naman akong traydurin ng luha kong tanggap ko nang wala talagang katapusan.

Muli akong humiga paharap sa kanya. Pinagmasdan ko ang maamo niyang mukhang talagang mahimbing na natutulog. Nagtaka ako nang makitang may namumula sa gilid ng kanyang labi. Hinawakan ko ito at nakitang isa itong pasa. Dahil sa ginawa ko ay nagising siya. Nag-angat siya ng ulo pero nang makita akong gising at nasa tabi niya parin, ngumiti siya at tinitigan ako ng seryoso.

"May masakit ba sayo? Maghapon kang natulog." sabi niya sa paos na boses.

Maghapon? That long?

"Pinag-alala mo ako ng sobra."

Hindi ako sumagot. Nakatingin lang ako sa mga mata niya. Hinanap ko roon ang sagot kung bakit gusto ko parin siyang makita at gusto kong nandito siya sa tabi ko ngayon.

Pumikit ako nang dumampi ang palad niya sa aking pisngi . Dahan-dahan niyang pinunasan ang namamasa ko ng pisngi at sa muli kong pagmulat ay nakita kong namumula na rin ang mga mata niya. Please don't cry. I don't wanna see you crying, Ethan. Kahit ako nalang.

"I'm sorry. I'm sorry. Baby... I'm sorry. I'm sorry." umiiyak niyang sabi. Kinuha ko ang kamay niyang nasa pisngi ko at mahigpit itong hinawakan.

Pareho kaming nakahiga at nakaharap sa isa't isa. Hindi ko inaasahang sa paggising ko ay siya ang una kong makikita.

"I'm sorry..." sabi ko. Pinigilan ko siya sa sasabihin niya sana. Ako muna ang magsasalita. "Ilang beses ka nang nag-sorry? Countless times. Pero ang totoo, mas nasaktan kita dati. At kahit kailan ay hindi pa ako humingi ng tawad sayo."

"No, baby... mali parin ang ginawa ko. Hindi ko dapat ginawa 'yon para lang mapatunayang mahal mo parin ako. That was... That was... Damn, napakagago ko."

Ruthless (Doctor Series #1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon