Kabanata 10

1.7K 52 2
                                    

Kabanata 10

Home

"Ethan, ano ba?!" medyo malakas kong saway sa kanya nang hilain niya ako palabas ng opisina ko.

Pinagtitinginan na kami ng ibang empleyado pero sa itsura niya ay parang alam nilang wala naman siyang binabalak na masama sa akin.

"Saan mo ba ako dadalhin? Alam mo ba kung anong oras palang? Alas-dos palang! I still have a lot of things to do! So please... kung saan mo man balak pumunta, pumunta kang mag-isa!" sa wakas ay nagawa kong sabihin sa kanya  nang makapasok kami sa elevator at sakto namang walang ibang lulan niyon. Ngunit parang balewala sa kanya ang mga sinabi ko.

"Huwag kang umastang parang hindi mo ako naririnig." mariin kong sabi.

"Anong pinagkaiba kung mamaya kita hihilain palabas? Mas maaga, mas mabuti."

"You're wasting your time. Kapag nalaman ito ni Mia, baka tuluyan na 'yong magalit-"

"Drop the name. Don't wanna hear it." putol niya sa sasabihin ko.

Totoo naman, diba? Ang alam ni Mia ay nasa ospital siya at abala sa trabaho! I can't let him drag me out of my office habang ang akala ng girlfriend niya ay nagpapakasasa siya sa trabaho!

"Ganyan ka ba ka-dishonest sa girlfriend mo?"

"I said drop it. Kapag magkasama tayo, tayo lang ang isipin mo."

"You're unbelievable. Sa susunod na makikita ko siya, ako na mismo ang magsasabi sa kanyang nagsisinungaling ka sa kanya-"

"Isa pang tungkol sa kanya, hahalikan kita."

"Wag mo akong tinatakot-"

Isang galaw lang ay bigla akong napasandal sa gilid at mabilis na lumapat ang mga labi niya sa akin. Naputol ang aking paghinga pero hindi ko alam kung saan ako kumuha nang lakas para mapapikit dahil sa ginawa niya. Kung hindi lang bumukas ang pinto ay hindi ko siya maitutulak palayo. Napayuko agad ako dahil nanlaki ang mga mata ng mga taong naghihintay sa labas. Mga empleyado rin sa building na ito at sigurado akong kilala nila ako! Nanunukso silang pumasok at kahit hindi nila sabihin ay alam kong nakita nila ang nangyari.

"Hi, Attorney!" masiglang bati sakin ng isa pero kay Ethan naman kumaway. Ngumiti naman siya at bahagya pang kumaway pabalik.

"I told you. Hindi ako nananakot. Kapag sinabi ko,  ginagawa ko." bulong niya sa akin. Nanginig ang buong kalamnan ko nang maramdaman ko ang mainit niyang hininga. Damn this feeling.

Nauna akong lumabas pagkabukas ng elevator. Sinundan niya ako papunta sa parking lot na hindi ko ugaling puntahan. What do I expect? Malamang ay may sasakyan siyang dala.

"Saan mo ba ako dadalhin?" tanong ko nang simulan niyang paandarin ang kotse.

"Kahit saan. Basta kasama kita."

Ilang araw kitang kinalimutan, bakit nandito ka na naman?

"Saan nga?" naiirita kong tanong ulit. I always want to have an specific answer. Lalo na sa kanya.

"You want me to teach you how to drive?" sagot niyang nakatuon ang mga mata sa daan.

"What? I know how to drive."

"Kung alam mo, sana hindi mo binangga ang kotse mo sa gate ng bahay niyo."

"That was a couple of years ago. Saka wala ka dito nang mangyari ang insidenteng 'yon. Stop declaring like you know everything."

Mahinahon lang ang boses ko. Ayoko nang away. Ayokong makipagsigawan.

"My point is.... marunong ka lang pero hindi ka magaling."

Ruthless (Doctor Series #1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon