Kabanata 7
Drunk
Wala akong nagawa kundi hanapin si Ian. Halatang gulat na gulat sila nang makita ang itsura ko na parang binagyo sa sobrang basa. Mabilis na hinanap ng mga mata ko si Ethan at nakita ko siyang nakaupo sa gilid at abalang nagpapatuyo na ng buhok. Nakasimangot siya at hindi umiimik kahit naririnig niyang tudo tanong ang mga kasama namin kung saan ako naggaling at anong nangyari. Nandito sina Josh, Juliane, Alvin at Yra kasama ang may-ari nitong Resort, si Joeve. Kinakausap ni Ian si Ethan pero agad akong dinaluhan nang makita ako.
"Ano na naman bang nangyari? Bakit busangot na naman ang mukha no'n?" mahina niyang tanong sa akin at binigyan ako ng twalya.
"Wala. Wala akong ginawa." 'yon lamang ang nasabi ko at mabilis na kinuha ang bag ko para magbihis. Pumasok ako sa banyo at nagsimula nang magpatuyo. Nagbihis ako at agad na lumabas na parang walang nangyari. Ganun parin ang nadatnan ko sa labas habang ang paligid naman ay bahagya pang may kaunting kulog dahil sa sama ng panahon. Alas-dyes palang ng umaga pero parang alas-sigko na ng hapon.
"Kain nalang tayo? Papahatid nalang ako rito dahil hindi tayo makalabas." sabi ni Joeve at may tinawagan agad. Sumigla naman agad ang iba naming kasama dahil nakarinig ng pagkain.
"Why not we play instead while waiting for food?" biglang sambit ni Alvin.
"Good idea! Dali na guys, para naman hindi tayo kawawain ng panahon rito." sagot ni Juliane.
"What to play?" tanong naman ni Yra.
"Hide and seek?" seryosong sagot ni Josh na hindi namin alam kung nagbibiro ba o ano.
"Seryoso ka ba? Ang tandan na natin. Magtago ka at walang maghahanap sayo."
Halos matawa kaming lahat. Nakikinig lang ako sa usapan nila dahil medyo nilalamig na ako. Tawang tawa naman ang kapatid ko sa sinabi ni Juliane na ngayon ay magkatabi na. Tahimik parin si Ethan sa gilid habang sa dagat nakatingin. Wala paring nagbabago sa mukha niya, may galit parin ito kung kaya't parang lahat nang nandito ay takot siyang kausapin o isali man lang sa usapan.
"Paulit-ulit nalang kasi 'yang mga larong ganito rin ang setting. Hmmm, why not aminan nalang tayo ng feelings?"
Sabay kaming napalingon kay Ian. Tumikhim ako at tuluyang nakisali. "Anong klaseng laro 'yan? If you want to say something to Jul, sabihin mo nalang. Hindi mo na kailangan daanin sa laro." sabi ko.
"Twiny, ang sama mo. Paano naman 'yong iba diyan na hindi masabi ang mga nararamdaman nila?"
Hindi ko alam kung sinong pinariringgan niya pero hindi ako naging komportable. Bigla nilang tiningnan nang sabay-sabay si Ethan na ngayon ay nakikinig na rin sa amin pero hindi nagsasalita.
"What?" tanong niya sa paninitig nila. "Kaya ko ring magsalita kahit ngayon na." matapang niyang sabi.
"Ow. Sige nga, kung may sasabihin ka kay Lian ngayon, anong sasabihin mo?"
Pakiramdam ko'y uminit ang inuupuan ko sa tanong ni Joeve. Gusto kong sabihing huwag niya nang sagutin, pero lalabas na apektado pa nga ako. Tiningnan niya ako pero hindi ko alam kung umabot ba ng isang segundo.
"You hurt me once."
"Sira ka ba, bro? Alam na naming lahat 'yon! Sino bang hindi masasaktan sa ginawa ng kapatid ko? Aminan ng feelings, hindi aminan ng bagay na obvious naman." sabi ni Ian.
BINABASA MO ANG
Ruthless (Doctor Series #1) COMPLETED
Romance"Ako ang lumaban, pero bakit ikaw ang napagod?" Si Ethan Tiu ang lalaking minsan nang tinanggihan ni Lian Martinez nang alukin siya nito ng kasal seven years ago. Sa takot na hindi pa siya handa ay nagawa niyang hindian ang wedding proposal nito at...