Kabanata 11

1.5K 49 0
                                    

Kabanata 11

Obsessed

"Mom?"

Pababa na ako nang makita ko si mommy na nakapamwestra sa living room. Kunot-noo akong lumapit sa kanya at hinalikan siya sa pisngi. Kailan pa siya nakauwi? Parang kagabi lang ay wala siya rito.

"Did I surprise you, hija?" nakangiti niyang tanong.

"More than I expected. Kailan kayo nakauwi? Bakit hindi ko alam?"

"Hindi ka na namin inabala pa kagabi ng daddy mo. Nakita kong hinatid ka ni Ethan pero dumiretso ka na agad sa kwarto. I never insisted na sundan ka kasi alam kong pagod ka."

Mas lalong kumunot ang noo ko. They were already here last night? Nang makauwi ako? Ba't di ko man lamang sila nakita?

"Anyway, babalik rin naman agad kami ng daddy mo. Parang ayaw mo ata kaming nandito, eh." kunwari ay nagtatampo niyang sabi.

"It's not like that mom, nakakagulat lang kasing biglaan ang uwi niyo. Where's dad?"

"Tulog pa. Jetlag."

Hinanap ko sa paligid si Ian pero wala akong nakita. That man, hindi ko siya nakita kagabi.

"Hindi ba umuwi si Ian kagabi?" I asked.

"Nakaalis na siya. Nang tawagan niya kami ng dad mo at sabihing may bibilhin siyang ospital, ipinagpilitin ni Liam na umuwi kaagad para matulungan ang kapatid mo."

"Bibilhing ano? Ospital? Bibili siya ng ospital?" maang kong tanong. At bakit hindi ko alam ang tungkol dito?

"Yes. Haven't Ian told you about this?" tanong ni mommy na agad kong inilingan.

"No. Wala siyang nababanggit. At kanino naman ospital ang plano niyang bilhin?"

"It's Tiu Medical Hospital."

"What? Ibebenta ni Ethan ang ospital ng pamilya niya? That's impossible!"

Maniniwala ba ako kay mommy? Napakaimposible naman. Sino namang baliw ang magbebenta ng ospital na ipinundar pa ng lolo niya? Hindi naman ito lumulubog. And infact, Ethan managing it well!

Agad kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan ang numerong hanggang ngayon ay hindi parin naka-rehistro. Iniwan ko si mommy at dali-daling naglakad papunta sa terrace. Hindi pa tapos ang isang ring ay may sumagot na agad dito at isang baritonong boses ang narinig ko.

"Yes, baby?" bungad niya na halatang nasa maayos na mood ang tono.

"I heard the news. Are you insane? Bakit mo ibebenta ang ospital kay Ian?" walang paligoy-ligoy kong tanong kahit na distracted na naman ako sa sinabi niya.

"What's wrong with that? Kay Ian ko naman ibebenta, hindi naman sa ibang tao."

"Anong nakain mo at gagawin mo 'yan? Nag-iisip ka ba? Sa lahat nang humawak ng ospital niyo, ikaw lang ang nakaisip ng ganito-"

"Kalahati lang naman ang ibebenta ko."

Mas lalong kumunot ang aking noo. "Kalahati? Anong ibig mong sabihin?"

"When it comes to business, this is what you called partnership. Saka hindi 'to idea ni Ian or akin, pareho namin 'tong desisyon."

"At kailan pa nagkaroon ng karapatan si Ian na magdesisyon sa isang bagay na may kinalaman sa ospital ng pamilya niyo?"

"Ian is part of the family. Simula nang mahalin kita  ay naging parte na rin siya-"

"Cut it. Hindi nakakatuwa." putol ko. Sa'kin na naman napunta ang usapan.

Ruthless (Doctor Series #1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon