Chapter One

1.9K 77 0
                                    

"Samahan mo naman ako sa library aidy,"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Samahan mo naman ako sa library aidy,"

Napaangat ako ng tingin ng may kumapit sa braso ko. Si Marvy pala.

Niligpit ko ang mga gamit ko na nakakalat sa taas ng desk at isa isang ipinasok iyon sa bag ko dahil tapos na ang klase namin para sa araw na ito.

"Mag aaral kana kung saan 2 days nalang before ng exam?" Natatawang sabi ko sakanya at patuloy parin sa pag aayos.

Naramdaman ko ang pag hila nya kaunti sa gilid ng puti kong sleeves. Marahan akong napangiti at medyo nilamig saka ko naalalang nakalimutan ko palang suotin iyong coat ko na nasa locker sa baba.

"Sige na. Kuwain mo muna iyong coat ko sa locker saka tayo magkita sa baba," Mula sa pagkakayuko ay napa angat ang ulo nya at malapad na ngiting sumaludo pa sa harapan ko.

Natatawa akong iniabot sakanya ang susi ng locker saka na sya kumaripas ng takbo palabas ng classroom namin.

Mula pagkabata ganyan na talaga sya at parang birthday nya araw araw buti nga hindi nauubusan ng pasensya sina tito liam at ang kanyang tiya lenlen sakanya.

3 taon na kaming magkasama ni Marvy simula ng lumipat kami ni mama rito sa maynila para sa trabaho nya kila tito liam. Mula noon ay hindi na nagsalita ng kung ano man si mama tungkol kay papa. Inaasahan ko syang dumalaw samin sa maynila pero matapos ng maraming pag hihintay ay unti unti na rin akong nawalan ng pag asa. Ayoko tanungin si mama dahil na tatakot ako sa maari nyang sabihin. Ayokong tanggapin na mawawalan na ako ng tatay, iniisip ko nalang na nagbakasyon sya sa malayong lugar kaya di sya makadalaw samin dito.

Mula ng lumipat kami ni mama sa maynila at manirahan kila tito Liam ay naging maayos ang buhay namin. Pina aral ako nila tito liam sa isang magandang paaralan kasama ni Marvy na anak ni Tiya lenlen na nata-trabaho rin bilang katulong kina tito Liam.

Feeling ko ang swerte ko lang sa mga bagay na natatanggap ko sa mga nagdaang taon. Kahit na minsan ay nakakalungkot rin dahil hindi kompleto ang pamilya namin.

Isinuot ko na ang itim kong bag pack at inilibot ang paningin sa classroom. Ako nalang pala ang naiwan mag isa.

Nang lumabas na ako at naglakad sa hallway ay hindi maiwasan na mapatingin sa repleksyon ko sa salamin.

Napasimangot ako at napatigil.

"Patpating aidy," bulong ko at napa ismid.

Sa nakalipas na tatlong taon ay hindi parin nagbago ang katawan ko. Tumangkad naman ako at humaba ang kulot kong buhok pero mas naging maputi ang kutis ko na mas nagpapatingkad sa light brown kong mata at sa mga maliliit na pekas na kulay brown na tinatawag nilang freckles.

Gustong gusto ng mga classmate kong babae ang muka ko dahil napapalibutan ng freckles ang ilalim ng mata ko at ilong ang sabi nila ay uso raw iyon ngayon at gustong gusto nilang magkaroon ng ganon. Napatawa nalang ako. Hindi naman ako babae para gustuhin ang ganon.

Bewitching Leion Montecarlo Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon