Prologue

3.1K 101 3
                                    

Iminulat ko ang pagod na mata mula sa pagkakaiyak ng tumama sa pisngi ko ang sinig ng araw

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Iminulat ko ang pagod na mata mula sa pagkakaiyak ng tumama sa pisngi ko ang sinig ng araw. Nilingon ko si mama na nasa gilid at mahimbing na kayakap ako habang tulog.

Ang sabi nya ay pupuntahan lang raw namin ang pinapasukan nyang trabaho saka pansamantalang manunuluyan roon tutal raw ay bakasyon ko na rin naman ssa iskwela.

Napatingin ako sa bintana ng sasakyan ng may maramdaman akong himaplos sa pingi ko.

"Aidan, anak? Gutom kana ba?" Malambing napagkakasabi ni mama sa akin. Ngumiti ako sakanya ng matamis. Gustong gusto ko ang boses ni mama napaka labing niyon tila nanghehele.

"Bakit di po natin kasama si papa?" Nakatingala sakanyang tanong ko rito. Ngumiti lang sya ng kaunti at marahan na umiling.

Hinintay ko ang sasabihin nya pero wala na akong narinig pa. Siguro nagpaiwan lang saglit si papa sa batangas at susunod rin samin kalaunan.

"Malapit na ho tayo sa terminal!" Rinig kong sigaw ng kuya sa nay harapan.

Mabilis na inyos ni mama ang dala naming gamit at sinuot sa akin ang bagpack kong kulay dilaw na ang laman ay kaunting damit at mga kailangan kong gamit nang tumigil ang sasakyan at nasitayuan na ang iilan na mga tao.

"Halika na anak para maaga tayo makarating sa tutuluyan natin," hawak ni mama ang kamay ko na iginaya ako patayo.

Pagkalabas namin ng sasakyan ay napatanga ako sa laki at lawak ng paligid. Ang gaganda! Parang lahat pang mga sosyal. May mga kaibigan ako na nagbabakasyon sa batangas na taga maynila. Ganito siguro lagi ang nakikita nila. Mga matataas na building at maraming mga sasakyan!

"Ma! Ang lawak po rito marami po tayo mapapasyalan siguro!" Excited na sabi ko kay mama na nakangiting tumango sa akin.

Sumakay uli kami sa sasakyan at huminto iyon sa mataas na gate.

Mangha ko itong pinagmasdan habang pababa ng kotse. Dala ni mama ang aming mga gamit ay may pinindot sya sa gilid ng gate at tumunog iyon.

"Sir, nandito na po ako. Si maricel po," malumanay nyan sabi roon.

Bigla bumukas ang gilid na bahagi ng gate at bumunga roon ang isang malaki lalaki. Sya ba iyong nag babantay sa bahay pag gabi na?

"Pasok kana maricel, kasama mo pala iyong anak mo raw?"

Tinignan ako nito at ngumiti. Nahihiya man ay tinugunan ko ng kaunting ngiti iyon saka yumuko.

"Oo, kinuha ko lang si aidan. Dito na ako magsisimula kasama sya," May ngiti at mahigpit na hinwakan ni mama ang kamay ko saka kami kumaka papasok sa bahay.

Ang lawak ng hardin nila sa gilid at may mga ibat ibang mga bulaklak roon. Napangiti ako dahil sa excitement. Mahilig ako sa mga magagandang bulaklak. Baka pwede ako sakanila manghingi kapag uuwi na kami at itatanim ko sa likod bahay namin.

Bewitching Leion Montecarlo Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon