Chapter Twelve

1K 47 9
                                    

WARNING: SPG

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

WARNING: SPG

"Kuya Leion! Nasaan kana ba? Ang tangkad tangkad mo pero ang hirap mong hanapin!"

Sigaw ko habang patuloy na nag lilibot sa loob ng bahay namin. Kung bakit ba naman kasi ako pumayag na makipag taguan rito. Dapat kay Riyu nalang tutal ay magkasing edad lang kami.

Napasimangot ako ng makalipas ang bente minutos ay hindi ko parin ito mahagilap.

"Can't find me anywhere?"

May dalawang kamay na humawak sa balikat ko at dumungaw sa gilid. Si kuya Leion!

Hinapit niya ako paharap sakanya at ginulo ang buhok ko.

"Kuya naman! Ayoko na makipaglaro sayo kung di ka rin naman pala mag papahanap," Mahinang pagtawa lang ang narinig ko mula sakanya.

"Aidan! Halika na aalis na tayo," Bumaba mula sa hagdan si Riyuki.

Hindi gaya ni Kuya Leion na matapang ang itsura. Ito naman ay kabaligtaran at tila isang babae ang wangis ng kanyang maliit na muka. Medyo payat rin ito tulad ko at may mga berdeng mga mata. Madalas iyon ang unang napapansin sakanya dahil talagang katangi-tangi iyon.

Sila ang lagi kong nakakasama bukod sa isa pang kapatid nila na ngayon ay nag-aaral sa ibang bansa.

"Pupunta ba tayo ngayon sainyo?" Tanobg ko rito ng makasakay na ng kotse.

Si Kuya Leion ang nasa harap katabi ng driver samantalang kami naman ni Riyu ang magkatabi sa likod.

"Oo. Doon kana rin daw matutulog dahil weekend naman bukas kaya pinagpaalam na kita sa parents mo,"

Napangiti ako ng marinig ang sinabi ni Riyuki. Nag-iisang anak lang ako kaya naman malungkot sa bahay lagi pag umuuwi ako galing school. Mabuti nalang narito sila.

Nang papalapit na kami sa likuan ng daan may biglang yumanig sa gilid ng kotse namin. Ang mga salamin ay nagtalsikan mula sa nabasag na bintana. Naririnig ko ang pag iyak ni Riyu ngunit hindi ko ito masyadong maaninag dahil sa pag kauntog ko sa gilid ng pintuan.

Sina Kuya Leion marahil ay nawalan ng malay sa harap. Ilang sandali pa ay nakarinig ako ng mga boses na papalapit sa amin. Kailangan kong makahingi ng tulong.

Sinubukan kong ikilos ang katawan ko ngunit napangiwi ako sa tindi ng sakit. Naipit ang makabila kong paa sa upuan!

"Bumaba kayo diyan!"

"Elmer kuwain mo iyong bata sa kaliwa! Yan ang kailangan ni boss!"

Tumingin ako kay Riyuki hindi ko man gaano maaninag ngunit naririnig ko ang kanyang pag hikbi. Pilit kong iniabot ang kamay ko sakanya ngunit bago ko pa man siya mahawakan ay bumukas na ang pintuan na nasa gilid nito.

Bewitching Leion Montecarlo Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon